Her POV "Thanks Miss Aubrey!," sabi pa ni Rhodora sa kanya matapos niyang pirmahan ang mga papeles na nakatambak sa kanyang office table matapos niyang lumiban sa opisina ng mahigit isang buwan. Matapos niya kasing maospital at malaman na nagdadalang- tao siya ay nagpasya siyang magleave ng dalawang linggo na nauwi naman sa isang buwan at isang linggo. She had suffered blood spotting dahil na rin siguro sa sobrang stress niya sa nangyayari sa kanyang buhay. Wala siyang mahingian ng tulong at mababa talaga ang kanyang loob. She had episodes of depression and anxiety at times. Mabuti na lang ay may natira pa siyang kasama sa mansiyon, si Gigi na walang kamuwang- muwang sa kanyang pinagdaraanan. Palagi itong nagpapatawa sa kanya at lage siya nitong binabantayan at kinuwentuhan ng kahit a

