Chapter 8: Ruthless wife
SINUKBIT ko agad sa aking balikat ang traveling bag. Mabuti na lang at hindi ko pa ginalaw ang mga damit ko upang ayusin ito sa cabinet. Dahil talagang maglalaan pa ako nang oras para mag-impake. Isa-isa kong kinuha ang laptop at cell phone ko saka ko isinilid ito sa extra bag.
Pagkalabas ko mula sa penthouse ko ay nadatnan ko si DV na nakasandal sa haligi ng pader na malapit lang sa pinto ng aking penthouse.
Napatingin naman siya sa akin. At iyong tingin niya ay naninimbang. Nakasuksok sa bulsa ng kaniyang pantalon ang magkabilang kamay niya.
Nakapagpalit na siya ng damit. Kulay bughaw na polo-shirt at puting pant. Okay, ang guwapo niya ngayon.
Bigla akong nailang sa pagtitig niya sa ’kin kaya naman napatikhim pa ako.
“Seryoso ka ba na sasama ka sa akin?” tanong ko sa kaniya. Naninigurado lang ako. Mamaya niyan ay nagbibiro lang pala siya.
“Sinabi ko na, ’di ba? Na sasama ako sa iyo,” seryosong saad niya.
“Bahala ka. Sa rooftop tayo,” pag-aaya ko at nagsimula na akong maglakad. Lumapit sa elevator.
Naramdaman ko naman ang pagsunod ni DV kaya hindi na ako nag-abala pang tingnan siya.
Nang bumukas ang pintp ay kaagad na pumasok na ako at tumabi naman siya sa ’kin. He pressed the rooftop button. May chopper kasi kami sa rooftop ng hotel namin.
“Bakit gusto mong sumama sa akin? Bakit hindi ka na lang mag-stay rito kasama ang babae mo?” walang gatol na tanong ko, pero mahina lang ang aking boses.
“May pangalan naman siya, and do you think I let you go when my sister knows that we were together but right now, I’m here with someone else not with my wife?” sarkastikong anas niya at halatang naaasar din.
Ah, ganoon pala iyon? Ayaw niya lang na malaman ng ate niya na wala na ako rito at iba na ang kasama niya? Na kasama na niya ang kabit niya? Tsk, buwisit.
“Are you really still defending her?” nakangising tanong ko sa kaniya.
“Yes. She’s the love of my life,” mayabang na sagot niya. Nang ngumisi rin siya sa ’kin ay mas lalong nabuhay ang inis ko.
Nararamdaman ko naman ang pagsikip sa aking dibdib at ang pagbilis nang t***k nito. Ang sakit pala talaga. Parang may libo-libong karayom ang bumaon sa puso mo, tapos mahihirapan kang huminga. Ganoon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Mukhang mahal na mahal niya talaga ang babaeng iyon at may pagmamalaki pa sa boses niya.
Natameme ako sa sinabi niya, kaya ilang segundo kaming walang imikan. Hayon na naman ang awkward atmosphere, but ilang minuto lang ang nakalipas ay bumukas na ang pinto ng elevator. I felt relief. Thanks God.
Nauna na akong lumabas mula sa elevator at naglakad na palapit sa naka-landing na chopper. Halatang naghihintay na sa akin ang private pilot namin, katabi nitong nakatayo ang assistant niya. Tumango lang sa akin ang piloto bago naunang sumakay sa chopper.
Sinulyapan ko ang kasama ko. “Hurry up,” utos ko kay DV at nagmamadali na rin akong sumakay. Ni hindi ko na siya nilingon pa. Agad din naman siyang umupo sa tabi ko.
Isa’t kalahating oras ay nakarating na kami sa Palawan. Pagkababa ko pa lang ay sinalubong na ako ni Bud.
“Madam, the car is ready,” aniya at tinanguan ko lang siya bilang tugon. Lumapit ako sa nakaparadang itim na sasakyan sa parking space at dahil nga nagmamadali ako ay malalaki pa ang bawat hakbang ko. “This way, sir Avelino,” dinig kong sambit ni Bud kay DV.
At dahil mahahaba ang bias ng secretary ko kaysa sa akin ay naunahan pa niya akong makalapit sa kotse. Binuksan niya ang pinto sa backseat pero iyong sa side ng driver seat ang binuksan ko at agad akong sumakay.
“Thanks, Bud,” sambit ko.
“Madam, let me drive. Ako na po ang maghahatid sa inyo.”
Umiling ako kay Bud “No, I can drive,” mabilis na sabi ko.
“Are you sure, Madam?” paniniguro niya at tumango lang ako. Kung sa ganitong pagkakataon ay talagang gusto kong ako ang magda-drive. “Sumakay ka na lang, Bud.”
Pinainit ko na muna ang sasakyan at bago pa man ito umandar ay bumukas na ang pinto sa passenger’s seat. Akala ko ay ang sekretarya ko na ang pumasok, ngunit hindi. Si DV lang pala, na mukhang gusto pa niyang sumama sa akin.
Kunot-noong tiningnan ko siya at nagtama ang aming mata. May pagtataka pa roon.
“What?” tila inosenteng tanong niya at nagsuot na ng seatbelt. Nag-iwas na lang ako nang tingin at pinasibad na ang kotse.
Dahil halimaw ako pagdating sa pagmamaneho at isama mo pang nagmamadali rin ako ay mabilis kaming nakarating sa location ng project namin or should I say sa site mismo. Kung saan ang bago naming pinapatayo na building na sumabog kuno.
Mas lumalim yata ang gatla sa aking noo nang makita ko na ang dami namang tao sa labas. Mga media at pulis. What the heck? Ang bilis naman makarating sa media ang pangyayaring ito.
Naunang bumaba si Bud at kumatok sa bintana ng sasakyan, kaya ibinaba ko ang salamin na iyon.
“Madam, marami pong media sa labas,” inporma niya.
“Kanina pa ba sila?” tanong ko sa kaniya, habang nakatingin ako sa mga taong iyon.
“Yes, Madam. I think may tatlong oras na rin and they are waiting for you, actually,” sagot naman niya.
“Waiting for what?” walang emosyon na tanong ko.
“Interview,” maikling sagot niya. Napapisil ako sa tungki ng aking ilong. Stress na agad ang ibinibigay sa akin.
“Ilang oras na ba ang nangyaring trahedya?”
“May mga apat na oras na po, Madam.”
“This is amazing. Mukhang pinagplanuhan na talaga nila. Paano nila nalaman ang pagsabog ng Crizanto’s building? Masyadong maaga para malaman nila agad. At ano naman kaya ang sasakyan na gamit nila pagpunta sa lugar na ito?” naiiling kong tanong.
“Isa na po ’yan sa pinapaimbestigihan namin, Madam.” Napabuntong-hininga pa siya. Hindi lang ako ang stress, maging siya ay ganoon din. Tumingin ulit ako sa labas ng bintana at hinawakan ang pinto ng sasakyan saka ko ito binuksan. Walang pagdadalawang isip na bumaba na ako. “Wait, Madam!”
Hindi ko na pinansin pa ang pagtawag ng kasama ko at taas noong naglakad na patungo sa kinaroroonan nila. Maraming nagkukumpulan sa puwesto nila. Nakuha ko ang kanilang atensyon. Malamang ay nakilala nila ako kaya nagmamadali na silang lumapit sa akin.
Pagkalapit pa lang ng mga reporter sa akin ay agad na akong pinaulanan ng tanong at ni isang tanong ay wala akong sinagot.
Nanatiling matigas ang ekspresyon ng mukha ko na tila walang pakialam sa paligid o sa mga taong nagsisimula ng magtanong. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at paminsan-minsan pa nila akong hinaharangan, pero hinahawi ko naman sila.
“Miss Aurora! Isang tanong lang po!” sigaw ng isang babaeng reporter.
At dahil nga sa dami nila ay halos magkabanggaan na kami at muli nila akong hinarangan para wala na talagang kawala.
Napamura ako nang may bumangga sa akin. Sa lakas ng impact na iyon ay talagang mawawalan ako nang balanse. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nahugot ko pa ang sarili kong hininga. Ready na ako sa pagkabagsak ko. Subalit ilang saglit ang lumipas ay hindi naman ako nakipag-kiss to kiss sa sahig.
Ramdam ko ang pagdausdos ng matigas na braso sa aking baywang and I’m safe. Napakapit ako sa braso ng taong sumalo sa akin, sa muntik ko nang pagkabagsak.
Tiningnan ko naman ang lalaki at inalalayan akong makatayo nang maayos. Napatitig pa ako sa mukha niya. Hindi isang ordinaryong hitsura, dahil talagang may maibubuga. Guwapo siya at napakalamig ng mga mata niya. Undercut ang hairstyle ng buhok niya, na nahahaluan ng color brown.
“Are you okay?” concern na tanong niya. Maski ang boses niya ay talagang husky at malamig din.
Sasagot pa lang sana ako nang isang matipunong braso rin ang pumalibot sa aking baywang at kasabay nang marahas na paghila nito sa akin. Muntik pa akong mapatili sa gulat. Mariin akong napapikit, dahil tumama ang mukha ko sa matigas na dibdib ng kung sino mang tao ang humila sa aking katawan.
Napatingin tuloy ako rito at umawang ang labi ko. Si Dervon lang pala.
“Stay away from her,” mariin at malamig na sambit ni DV. Hindi lang basta-bastang sinabi, dahil parang nag-uutos iyon at punong-puno ng awtoridad ang kaniyang boses.
“I’m just helping her and you know her?” kalmadong tanong naman ng lalaki.
"Yes. She’s my wife.” Naka-emphasize pa ang salitang wife. Okay, his sound’s possessive. Kahit hindi naman talaga.
“Your wife? Oh, you must be Dervon Veins Avelino. I see,” tumatangong wika nito. Kilala niya ang asawa ko, pero sino ba siya?
Isa ba siyang reporter or pulis? Pinasadahan ko siya nang tingin. Naka-business attire naman siya. Pormal na pormal, mukhang hindi nga siya isa sa mga reporter.
Pinagtaasan ko siya ng kilay nang ngumiti siya sa ’kin. Okay, maganda ang ngiti niya. Parang si Haze lang.
“Salamat sa ginawa mo, kilala ba kita?” casual na tanong ko. Walang halong lamig o pang-iinsulto. Katulad ng ekspresyon ng mukha ay kalmado rin ang aking boses.
“Ah, I’m your private investigator. Your secretary hired me to investigate the crime, Miss Criza—” Hindi pa niya natatapos ang kaniyang sasabihin nang sumabat na ang kasama ko.
“Avelino. Mrs. Avelino,” DV corrected him.
“Oh, sorry. I forgot that you’re already married.” Hindi ko alam kung bakit parang nang-aasar lang siya. Ramdam ko ang paghigpit nang hawak ng asawa ko sa aking baywang. Hindi naman sa paraan na masasaktan ako. “Anyway, ako po si Leo Veins Montano. You can call me Veins, Madam.”
Leo Veins Montano? Wow, kapangalan pa niya si Dervon at talagang pareho ang second name nila.
Ngumiti ako. “Veins.”
“Stop it. Call him, Mr. Montano,” pagtatama nito sa akin at pinukulan pa ako nang masamang tingin. Nagkibit-balikat lang ako. Tiningnan naman niya ang lalaki. “She’s not your friend, Montano at hindi ko hahayaan na tawagin ka niya sa second name niya. Kailangan niyong maging pormal sa isa’t isa. She’s your client.”
Seriously, DV? What happened to you?
At ang mga gago. Nag-eye to eye contact pa silang dalawa. Na parang may contest ang nagaganap at kung sino ang unang susuko sa kanila ay iyon ang talo. Mukhang kakainin pa nila ang mga mukha nila sa lapit nila sa isa’t isa. Parehong masama ang titig at malami na malamig ang aura ng dalawang ito.
“Stop it, DV,” pagpipigil ko sa aking asawa. Dahil wala silang balak huminto sa eye contact nila.
Saglit na nakalimutan ko ang nangyayari ngayon. Nilingon ko ang mga media at kaya pala na hindi na sila nanggugulo. Dahil hinaharangan na sila ng mga security namin.
Kaya rin pala malayang-malaya na ang dalawang lalaking magbangayan, na hindi na maingay at tanging sila na lang ang nanggugulo sa isa’t isa. Binalik ko ang tingin ko sa PI namin.
“Miss Crizanto,” tawag naman sa akin ng kung sino man iyon, pero lumapit sa akin ang police officer.
“Mrs. Avelino!” mariin na pagtatama naman ni DV sa isang pulis. Naubos na yata ang pasensya niya, kaya napalakas na ang boses niya. Mukhang natakot ang pulis, dahil napaatras ito at hindi na mawari kung lalapitan pa ba ako o hindi. Sino ba naman ang hindi matatakot sa aura ng asawa ko ngayon? Para siyang mangangain ng tao. Tiningnan ko nang masama si DV at kumunot lang ang noo niya. “What?”
“You are so rude,” komento ko at tumaas lang ang makapal niyang kilay.
“And so what? You are not Crizanto, anymore. I’m just correcting them,” giit niya na tila pati iyon ay kinukuwestiyunan ko.
Napabuntong-hininga na lang ako at tiningnan ko ang pulis na kaharap ko ngayon. Kemeng napangiti ako sa kaniya at gumanti rin naman siya ng ngiti.
“I’m Aurora Pearls Crizanto-Avelino and this is my husband. Dervon Veins Avelino,” pagpapakilala ko at dinamay ko na pati si Dervon.
Hinapit pa niya ako sa baywang, sa sobrang lapit ko sa katawan niya ay nahiya ang hanging dumaan sa pagitan namin. Okay, what is wrong with DV? Bakit ka nagkakaganyan?
“Stop it, DV. I’m on my business.”
“I’m on my business too,” panggagaya niya.
Ano ba ang nakain ng gago kong asawa? Hindi ko makauusap nang matino ang dalawang lalaking magre-report ng insidenteng, dahil kay DV!
At sa paraan nang pagkakahawak niya sa ’kin ay wala siyang planong pakawalan ako. Parang may aagaw sa akin, ah.
“Madam,” tawag ni Bud at lumapit sa direksyon namin.
Tumingin ako sa PI namin. “Mr. Montano, Could you please just discuss your report on what happened earlier with my secretary and the police?” I said and he nodded before before flashing his genuine smile.
“Sure, Mrs. Avelino.”
“Ako na po ang bahala roon, and Madam. You have an emergency meeting together with the board of members and investors. Nasa Crizanto Hotel na po sila at this moment, sa conference meeting,” pagbabalita sa akin ni Bud at hayon na naman ang pagkakunot ng aking noo. Uminit yata ang bunbunan ko sa narinig ko.
“Who the f**k set the meeting?” galit na sambit ko, but I tried to control myself not to burst out.
“Uhm, it was the director of CGC, Madam.” That f**k man? “Kompleto po ang board of members.” Kompleto? Really? Nakapunta sila kaagad dito sa Palawan, that asap? Halatang pinagplanuhan nga!
“Okay. Report the information later and Bud.” Mataman naman akong tiningnan ni Bud, naghihintay sa sasabihin ko. “Fire the securities. Hindi sila nagtatrabaho nang maayos at nasabugan pa tayo ng generator. I doubt, actually. Bakit sasabog ang generator natin kung bago naman ito? Mr. Montano, paki-check na rin ang mga gamit na maayos pa,” utos ko naman kay Mr. Montano at tumango lang siya saka ko binaling ulit ang tingin sa secretary ko, “And Bud, bring my husband back to Manila.” Kinalas ko ang braso ni DV at humakbang palayo sa kaniya.
“Aurora,” he uttered my name.
“I don’t want him to be here, and sir, kayo na po ang bahalang kumausap sa mga tauhan ko,” untag na sabi ko sa pulis at nag-salute lang siya bilang sagot.
Tinalikuran ko na sila at malalaki ang hakbang ko. Nang makita na naman ako ng mga reporter ay pilit na lumalapit sila sa akin. As if kaya nilang makawala mula sa mga security? Eh, mas marami pa ang mga tauhan namin kaysa sa kanila. Iyan ang gusto ko kay Bud. Palaging handa sa lahat ng problema.
Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at sumakay. I was about to start the engine nang may nagbukas na naman ng pintuan sa shotgun seat.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” malamig na tanong ko kay DV. Pero ang kumag nagsuot pa siya ng seatbelt niya.
“Just drive.”
"f**k! Hindi mo ako utusan!”
“Don’t cussed. Just drive and I don’t want to go back to Manila without you.” Sinamaan ko siya nang tingin. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Kanina pa ako naninibago sa kanya.
“Ano ba ang nangyayari sa ’yo at pabago-bago ka? May nakain ka ba?” nakataas ang kilay na tanong ko.
"Drive or I'll drive. Just choose para wala nang oras na masasayang.”
Do I have a choice? Wala na nga and I just start the engine. Tsk.
“This is really your world, huh ruthless wife? Full of authority and power,” he commented at hindi ako makasagot.
Ruthless wife?
Lihim na napamura ako, dahil sa nasaksihan niya sa pinaggagawa ko kanina at baka mag-iba na naman ang tingin niya sa akin.
Oh s**t! Imbis na pinapaganda ko ang reputasyon ko sa kanya ay mas nasira pa nga yata ngayon. Sirang-sira na at dumoble pa! f**k!