Airis

2199 Words
"Ah eh.. Rence po pala. Sino po sila??" nagtatakang tanong ko sa magandang babaeng kumatok kanina. Well, maganda siya. Literal na maganda. Para siyang yung mga model na nakikita ko sa Bench. Basta maganda. "Pwedeng matanong kung bakit nasa kwarto ka ni Angel?" mataray niyang tanong sakin. Wat da! Eh kung ipitin ko kaya yung mukha nito sa pinto? Nakakagigil! Sasagot na sana ako nang bumukas yung pinto ng banyo at iniluwa si Angel na nakaboxer shorts lang. Nakalantad ngayon ang magandang katawan ng boyfriend ko sa akin sa babaeng mukhang ipis sa harap ko. "Airis? Anong? What brings you here?" gulat na tanong ni Angel nang makalapit ito sa amin. At mabilis pa sa hangin, super kinagulat ko nang halikan siya nung Airis daw. At sa lips pa! Dun na kumulo ang dugo ko na gusto kong hilahin sa buhok itong babaeng uod nato pero pinigilan ko ang sarili ko at mas piniling lumabas ng kwarto. Ayoko kasing mag-eskandalo lalo pa at nandito ang mga kamag-anak ni Angel. Lalabas na ako pero hinawakan ni Angel yung kamay ko. "Re-r-ence. Sandali." sabi niya na bahagyang itinulak yung Airis para makalapit sakin. Magsasalita pa sana ulit siya nang magsalita ulit yung ahas. "Sino siya Angel?" tanong niya with matching taas ng kilay. Ay siomai. Sinusubukan ako ng babaeng linta nato. Si Angel naman hindi makakilos at makapagsalita dahil sa talim ng mga tingin at titig ko sa kanya. Alam kong masyadong rude pakinggan pero matakot na siya sa kaya kong gawin. Titig pa nga lang di na siya makakilos eh. At dahil di siya makapagsalita, ako na yung sumagot sa higad. "Ah wala.. Wala.. Kaibigan lang niya ako. Sige, alis na ko. Naiistorbo ko na yata kayo." Sabi ko sa kanila sabay labas ng isang pilit na ngiti. Hindi ko na sila hinintay na sumagot at bumaba na ako. Derederetso ako palabas ng bahay nila. Narinig ko nga na tinatawag ako ng Mama ni Angel pero nagdere-deretso lang ako palabas. Agad akong nakakita ng taxi at pinara iyon. "Kuya sa mall po" sabi ko sa driver pagkasakay ng taxi. Doon lang kasi ang alam kong pwedeng pagpalipasan ng oras. Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko nung umandar yung kotse. Kanina pa nga niyan gustong lumabas pero pinipigilan ko lang. Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan hanggang makababa ako. Walang gana akong naglakad-lakad sa may ground floor malapit sa may fountain. Doon ako naupo at pinigilan ang sarili ko na magproduce ng kahit na konting luha at magpakita ng kahit kaunting sakit. Doon ko pinag-isipan ang mga nangyari. Nang marinig ko na may tumawag ng pangalan ko. "Uy Rence! Ikaw ba yan? Bakit mag-isa ka?" sabi ng isang lalaki sa harap ko na mukhang pamilyar sa akin pero di ko alam kung saan ko nakita. Matangkad ito sa akin pero mas matangkad si Angel. Maputi siya pero mas maputi si Angel. Gwapo siya pero mas gwapo si Angel. Takteng Angel yan! Bakit puro siya naiisip ko? "Remember me? Hey! I'm Carlo. Classmate mo ko. Nakalimutan mo na?" sagot nung gwapong lalaki pagkatapos umupo sa tabi ko. Sabi na eh, kata parang pamilyar yung mukha. Classmate ko pala. Di kasi ako masyado nakikipagkaibigan sa school. "Ok ka lang ba? Parang umiiyak ka kanina? Pauwi na sana ako tapos may humintong taxi malapit sakin. Nakita nga kitang bumaba tapos para kang umiiyak kaya sinundan kita." medyo mahaba niyang pagsasalaysay sakin sabay abot ng isang puting panyo na tinanggap ko naman. "Thank you" mahina at walang kagana-gana kong sagot. "May nangyari ba? I'm willing to listen." pag-aalala niya. Nagdadalawang isip pa nga ako kung sasabihin ko sa kanya o hindi. First, di kami close. Second, halos ngayon lang kami nakapag-usap ng formal, at Third, loyal ako kay Angel kahit galit ako sa kanya. Pero due to my sadness ay ikinuwento ko na rin sa kanya. Sabi niya dapat daw pinakinggan ko muna yung side ni Angel at di muna daw dapat ako gumawa ng hakbang na katulad ng ginawa ko kung di ko pa naman daw nakakausap si Angel. Well, tama naman siya. But ang ikinakagalit ko, yung hinalikan siya nung babaeng hipon pero di man lang siya nagalit. Ganun ba niya iyon nagustuhan? Mas magaling ba humalik yung babaeng putakte nayun? --- Pilit akong pinapasaya ni Carlo kahit ayokong maging masaya. Nandito pa din kami kung saan niya ako nakita at nagkukwentuhan. Kinukwento niya sakin yung ilang pangyayari sa kanya na related din sa nangyayari sa akin ngayon. Well, iniwan pala siya ng girlfriend niya nung may nakitang mas gwapo sa kanya. Haha. Sobra daw siyang nasaktan non pero nung una di pa niya sinuko ang girlfriend niya dahil mahal na mahal daw niya ito. Pero sa huli ay pinakawalan din niya ito. Sabi pa niya, "Alam mo kase Rence, kailangan mo rin pakawalan yung bagay na nagpapasaya sayo. Wag mong hintayin na kapag nilisan ka na ng sayang nararamdaman mo eh puro sakit naman for sure ang papalit. But on the case of you and Angel, ipaglaban mo siya. First of all, ikaw yung boyfriend. Ikalawa, ikaw yung mahal niya. Ikatlo, ni parang halik lang, gumaganyan ka. So parang pinapakita mo na mas lamang yung babae sayo. Ipaglaban mo ang alam mong sayo!". Nalula pa nga ako sa payo niya sakin eh. But totoo naman. Ako ang boyfriend. Ako ang mahal. Ako ang may karapatan. At ako ang mas maganda. Char lang. Haha. Medyo nahimasmasan na ako at ayun, inaya niya ako sa timezone para maglibang at makatanggal stress daw. Doon ko naalala na wala ako dalang pera at phone. Buti nga nakapagbayad ako sa taxi kanina eh. Tinawanan niya lang ako. "Lakas ng loob mo umalis, wala ka pala dalang pera. Hahaha" loko-loko talaga itong lalaki nato. Haha. So iyon, inaya niya ako sabi niya treat daw niya. So gora na ako! Haha. Akala ko nung una, timezone lang kami. Pero nilibre pa niya ako ng lunch at kung ano-ano. Haha. Superbait niya talaga promise! Magkasabay kaming naglalakad palabas ng mall. Ihahatid na daw niya ako, kase nga wala akong pera di'ba? Haha. **Third Person's POV** Ang di alam ng dalawa, may mga matang nakatingin sa kanila at kanina pa sila tinitingnan at kinukuhanan ng litrato at video. Wala naman talaga sa plano nito na sundan sila Rence pero nagbalik sa kanya ang dating ginawa niya kay Rence. Yung ginawa niyang pagsaksak kay Rence. (Natatandaan niyo pa ba noong hinintay ni Rence si Angel sa labas ng boarding house tapos nasaksak siya?) "Tandaan mo Rence, akin lang si Angel at sisiguraduhin ko na sa akin siya mapupunta" **Angel** Kanina pa ako hindi mapakali dito sa bahay pero hindi ko pinapahalata sa mga kasama ko. Lalo na sa mga relatives ko na hindi pa alam ang tungkol sa amin ni Rence. Simula kasi nung umalis siya kaninang maglulunch ay hindi pa ito bumabalik. Naiinis ako sa sarili ko. Sobra. Napasabunot nalang ako sa sarili ko habang binabagtas ang daan patungo sa boarding house. Baka kasi nandoon siya. Katulong ko na rin maghanap sila Kevin at yung iba pa. Kanina pa naman namin siya tinatawagan pero di naman niya sinasagot. Nasisiguro ko na masama pa din yung loob niya about sa nangyari. Regarding about Airis, sinabihan ko siya na wag na ulit akong hahalikan lalong lalo na sa harap ni Rence. Nagtatanong siya kung bakit pero wala siyang nakuhang sagot mula sakin. Ahhh! Rence nasan ka na ba!? Agad akong nagpark pagkarating ko sa boarding house. May mangilan-ngilan pa akong boarders dito na napagdesisyunang huwag nang umuwi sa mga probinsiya nila kahit Christmas season dahil daw mahal pamasahe. Sinabi ko nga noon na sasagutin na namin pero ayaw nila. Kaya sila-sila nalang yung nagcecelebrate. Back to reality, pagkapasok ko sa loob ay agad ko silang hinarap at tinanong kung napadaan dito si Rence. Doon na bagsak ang mundo ko nang sabihin nilang wala. Muli kong tinahak ang daan pauwi samin nang magvibrate yung phone ko. "Hello Angel? Wala siya sa bahay sabi nung caretaker namin." si Kuya Josh pala. Lalo akong nangiyak sa narinig ko. "Ah ganun ba kuya? Sige salamat. Kuya wala ka na bang alam, kakila na pwedeng puntahan ni Rence?" naglakas loob kong tanong sa kapatid ni Rence. Baka kasi may kakilala siya. "Ummm. Si Reu. Yung Bestfriend niya. Nacontact mo na ba si Reu?" automatic na nakaramdam ako ng ilang nang marinig ko ang pangalan na iyon. Alam ko sa sarili ko at sa puso at isip ko na si Rence na ang laman nito ngayon, pero iba pa rin talaga kapag first crush mo di ba? And speaking of crush, hindi pa ito alam ni Rence. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya na first love ko ang Bestfriend niya. "Ah sige Kuya. I'll call her" si Kuya na nang nagbaba ng phone at agad kong sinearch yung name niya sa PB ko at diniall yung number niya. Wala pang tatlong ring ay sinagot na niya ito. "Hello Angel? Bakit ka napatawag?" bungad niya sakin. Pansin ko na parang nasa lugar siya na maraming tao kase maingay. "Ah Reu, hindi ba nagpunta sayo si Rence? Hindi ba siya nakipagkita sayo?" tarantang tanong ko sa kanya. "Ha? Eh hindi naman. Bakit ba?" tanong niya. At detalyado kong kinuwento sa kanya ang nangyari. Naiintindihan naman daw niya kung bakit ganun ang naging reaksyon ni Rence. Kahit sino naman daw na tao ay masasaktan kapag harap-harapang may humahalik sa boyfriend/girlfriend niya. Sinabi pa niya na pupunta siya sa amin at tutulong na maghanap. So agad akong umuwi sa amin dahil na rin sa frustration. Sinalubong ako ni Mama. "Oh anak kamusta? Balita kay Rence?" tanong ni Mama na nag-aalala. Doon na bumuhos ang luha ko at niyakap si Mama. "Wala pa Ma. Hindi rin alam ng Bestfriend niya kung nasan siya. Ma anong gagawin ko?" iyak ko kay Mama na hinahagod ang likod ko. "Mahal na mahal mo siya ano?" napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon. Sila Lola yun at yung iba ki pang relatives. Nakakagulat at nalaman nila agad ang sa amin ni Rence. "Lola, panong-" "Pasensya na anak. Sinabi ko sa Lola mo. Kanina pa kasi tanong ng tanong yan kung bakit ka balisa at nag-iiyak bago ka umalis dito. Kaya ayun napilitan akong sabihin" pagpapaliwanag ni Mama. Tiningnan ko sila Lola at nginitian lang ako. "Ang totoo, pansin ko na iyon. Na parang may iba sa inyo. Nakikita ko sa social media" sabi ni Lola. Wow! "Kami rin bro. Pansin namin" sabi ng mga pinsan ko. Haha. May stalker pala kami. "Pero tanggap namin kung ano kayo. Ang sweet niyo kaya. Kami ang no. 1 fan niyo" dagdag pa nila na ikinangiti ko at ni Mama. "Pero apo, use protection ha? Kailangan safe" nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi ni Lola. Bahagyang nawala ang pag-aalala ko nang malaman kong suportado kami ng whole family ko. Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap, dumating si Kuya Josh at kuya Enzo. Nasa likod naman nila Si Reu. "Tinawagan ko si Rence. Pauwi na daw siya. Nagpalipas lang siya sa mall. Mabuti nalang sinagot niya yung tawag ko." pagbungad sa amin ni Reu. "Ah ganoon ba? Salamat naman. Kanina pa kase umiiyak itong anak ko eh." nahiya tuloy ako sa sinabi ni Mama. Nagtawanan naman silang lahat. "You're welcome po Tita. Basta para sa bestfriend ko. Pano po, alis na po ako. May pupuntahan pa po kami ng family ko" mabilis na sagot ni Reu na hindi na nagawang makapagsalita ni Mama dahil mabilis itong umalis. Ilang minuto pagkaalis ni Reu ay siya namang pagdating ng isang sports car sa tapat ng bahay namin. Bumaba ang pamilyar na lalaki na kung di ako nagkakamali ay classmate namin ni Rence. At pinagbuksan niya ng pinto si... Rence? Nag-usap pa sila sandali bago nagpaalam sa isa't isa. Aaminin ko na medyo nakaramdam ako ng selos. At heto na siya. Papalapit sa amin. Especially sa akin. Nakangiti. Nginitian ko siya at ngumiti din siya sakin. Pagkalapit na pagkalapit niya ay niyakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit na parang ayoko na siyang pakawalan. Mahigpit na parang ayokong may ibang umagaw sa kanya. Mahigpit na nagsasabing akin lang siya at mahal na mahal ko siya. "Sorry." sabay naming sabi at sabay ding ngumiti. Hindi na ako nakapagpigil at hinalikan ko siya. Sa harap nilang lahat. Haha. Wala akong pake. Basta mahal ko siya. Lumaban naman siya ng halik at niyakap ako. Haha. Maiinggit sila. Bigla bigla silang tumikhim kaya tumigil na kami ni Rence at nginitian sila... "Di na kayo nahiya. Dito pa talaga sa harap namin" patawang sabi ni Mama kaya nagtawanan silang lahat. "Oh ayan, happy happy na. Bati na sila. Pero ikaw Rence, sasagutin mo naman yung tawag namin. Nag-aalala ako sayo. Ano nalang sasabihin sa akin ng Mama at Papa natin sa heaven pag nalamang pinapabayaan kita? Kaya ka nga may phone diba? Haha" pagpapangaral ng Kuya niya sa kanya. Nakunot naman yung noo ni Rence sa sinabi ng Kuya niya. "Pero Kuya, naiwan ko yung cellphone ko" sabi ni Rence na nagpagulat sa akin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD