Angel

1283 Words
"Hello 'Ma?" "Bakit anak? May problema ba sa paghahandle mo dyan ng boarding house?" "Wala po 'Ma. There's a little problem I want to talk to.. 'Ma, may bwisit na gustong magboard dito.. 'Ma ayoko!" "Hay nako anak.. Diba sabi ko sayo na tanggalin mo na ang galit mo sa mga tulad niya.. Iba siya, sila. Iba sila doon sa baklang mas pinili ng Daddy mo kaysa sakin/satin.. Anak, bakit kase di mo sila kilalanin para naman malaman mo na iba sila, mabait, mabuti, at iba sa iniisip mo na kadiri, malandi at walang ginagawang maganda.. Anak.. Please." "Umm..pag-iisipan ko 'Ma." "Anak!" "Sige na po. Pero isa lang. I mean, kahit siya lang. At di na ako tatanggap ng tulad niya." "Okay anak. Basta kung may problema itawag mo sakin." "Sige po. Bye 'Ma" Pagkababa ko ng tawag kay Mama ay muli kong hinarap ang bwisit nayun. "Sige, you can stay here at my boarding house. But I have conditions.." Pagalit kong sabi sa taong ito. Ayoko kasing maging ka-close niya kaya sinisindak ko siya para matakot sakin. "Ma-maraming salamat po.. Promise po magpapakabait ako." Nakayuko niyang sabi. Kala naman niya madadala niya ako sa paganyan- ganyan niya. "But I want to tell you my rules here!" Pagalit kong sabi. Ang totoo niyan wala naman talaga akong rules. Pero para makasigurong wala siyang gagawin na ikagagalit ko, gumawa ako pero para lang sa kanya. "Ahh sige po" "First, ayoko ng maingay. Maaari mo kasing maistorbo ang ibang boarders ko dito pag nagkataon." Kahit alam ko na mukha siyang tahimik, sinabi ko pa din yon. Incase lang. "Opo." "Second, ayoko ng makalat. Pag may nakita ako na kahit isang kalat mo, papaalisin kita dito." Mukha rin naman siyang di makalat. Incase lang. "Opo." "Third, ayokong-ayoko na makikita kang magdadala ng... Lalaki dito sa Boarding house ko. I'll drag you out.." Ang pagkakaalam ko kasi sa kanila, mga malalandi na kung sino-sinong lalaki ang inuuwi pag inatake ng kalandian. Di naman siya nagsalita. Guilty siguro. Huh! Subukan lang niya. "And last. Stay 5 meters away from me." Sabi ko sabay titig ng masama sa kanya kaya naman lumayo siya.. "Kung ok sayo ang lahat ng rules ko, heto ang susi ng kwarto mo.. Dun ka sa room 16. Now get out!" Sigaw ko kaya kinuha niya yung susi at lumabas na ng mini office ko. Ngayon pa lang nasusuffocate na ako. Bakit ko nga ba kasi tinanggap yun dito sa Boarding House namin. Kung di lang sana.. -flashback- "Sige na po, tanggapin niyo na po ako. Ito lang po ang pinakamalapit na Boarding house sa school na papasukan ko.. Maawa na po kayo.." Sabi niya sabay luhod pa sa harap ko. Sige, luhod! Haha. Kala mo naman tatanggapin kita. "Lumuhod ka lang dyan. Baka magbago pa ang isip ko. Oh wait, may tatawagan lang ako" sabi ko at diniall yung number ng Mama ko. -end of flashback- Aaminin ko, masama ang ugali ko, gusto ko kase na lahat ng bagay ay maayos, pero may awa naman ako.. Baka kasi konsensiyahin pa ako ng kadiri nayun pag di siya nakapag-aral. I'm Angel Lorenzo. Sabi nila, mayabang daw ako. Kasalan ko ba? Mga naiinggit lang sila. Gusto ko lang naman kasi makatulong sa Mama ko sa business niya. Tsaka para daw malaman at maihanda ko ang sarili ko pag mamanahin ko na ang mga ari-arian namin including resort, ipinahandle sskin ni Mama yung boarding house na pag-aari niya. Super stress sa simula, lalo pa't may dumagdag na boarder na kailangan kong problemahin. Isang nakakapagod na araw.. Time check: 8:00 pm.. Hayyysss.. Nagtungo ako sa room ko dito sa boarding house. Yung room number 17. Favorite ko kasi yun.. Oh! Sa #16 nga pala yung bwisit nayun.. Di ko nalang papansin ang presence niya. Pagkaligo ko ay nahiga na ako at natulog.. May pasok na kasi bukas.. "Papa where are you going? Why are you packing your clothes?" "Richard, don't leave us! Mas mahalaga pa ba yung kabit mo nayan kaysa samin ng anak mo? Hindi ka mabibigyan ng anak ng baklang yan!" "Mama, where is Papa going? Is he leaving us? 'Ma?" "Anak, Papa is not going anywhere.. He's staying with us.." "I'm so sorry Aubrey. But I love her. We need to go. Bye.." "Wag mo matawag-tawag na 'her' yang bakla nayan! Ano bang naging problema Richard?? Maayos naman tayo ahhh? Pano ako? Kami ng anak mo? Tayo?" "Bye.." "Papa!!" Sinubukan kong habulin si Papa pero unti-unti siyang nawawala sa paningin ko na parang nilalamon ng ulap.. Hinabol ko siya pero di ko na siya naabutan hanggang sa tuluyan na siyang nawala.. Napanaginipan ko na naman yun.Paulit-ulit nalang.. Paulit ulit nalang pinapaalala sakin ng tadhana na mas pinili ng ama ko ang kabit niyang bakla kaysa samin nga Mama ko. Alam niyo na kung bakit ako galit sa mga bakla, at kung bakit ayaw kong tanggapin dito sa boarding house yung si.. si.. Ano nga ba pangalan nun? Wala naman akong pakialam sa kanya. Isang pangkaraniwang araw sa University.. Tutal start pa lang naman ng semester kaya wala masyado ginawa.. Pauwi na sana ako nang makita ko si Reu, ang magdadalawang taon ko nang crush na hanggang ngayon, di pa rin ako napapansin. Gwapo naman ako, mayaman, matalino, maputi, at higit sa lahat.. Single! Ewan ko ba kung bakit di niya ako magustuhan.. Oh teka, ngumiti siya! Ngumiti siya sakin! Sakin lang naman siya nakaharap ehhh! Normal bang kiligin kaming mga lalaki? Nagwave siya ng kamay.. Kinikilig na naman ako puta.. Magwe-wave na rin sana ako ng kamay nang muli siyang magsalita. "Rence!" Tawag niya at nagwave ulit. Teka, Rence? Di ko naman pangalan yun ahh? Tapos biglang may nagsalita sa likod ko. "Reu!" At nagtatakbo yung taong kausap ni crush palapit sa kanya.. Teka, si.. si.. Ano nga ba pangalan nito? Ito yung baklang boarder ko! Nubayan! Panira ng araw itong bakla nato.. Kumukulo na naman dugo ko.. Oh wait, tinawag niya si Reu. Magkakilala sila? No! Bakit? "Kamusta na BESTFRIEND.. Buti naman dito mo napiling mag-aral.. May makakasama na ako dito.." Masayang sabi ni Reu habang kausap si ano.. Di ko naman kasi alam yung pangalan nung bakla nayun at wala akong pake sa kanya at sa kung anoman ang pangalan niya. Pero wait, totoo ba yung narinig ko na magbestfriend sila? This is not happening! Mababaliw yata ako! Minabuti kong umuwi na kahit gusto ko pa sanang makita si Reu. Nakakasakit kasi sa mata yung presensya nung isang yun.. Pagkadating ko sa boarding house, naligo agad ako kahit kagagaling ko lang sa school. Ayoko kasi na maging mabaho kahit alam ko na imposibleng mangyari sakin yun. Basta. Nasanay akong ganun. Basta yun. Nagstay ako sa labas ng room ko para malaman kung anong oras uuwi yung baklita nayun. Ayoko kasi ng may nagpapagabi sa mga boarders ko. Pag napahamak. Kasalanan ko pa. Hayyysss. Lumipas ang mga oras at wala pa rin ang isang yun. 9:00 pm na. Wow lang. Sinusubukan niya talaga ang pasensya ko ha? Sige.. Ipapalinis ko sa kanya itong hallway sa 2nd floor.. Kala niya.. Bwahahahaha.. Oh ayan na siya at. aba. Nilagpasan lang ako? Sinusubukan talaga ako nito. "Teka, teka, san ka pupunta?" Medyo mataas ang tono ko kaya napatigil siya.. Kitang kita ko sa mata niya ang takot. "Pa-papasok po sa kwarto ko" "Sino nagsabi sayo na papasok ka na sa room mo? Hindi mo ba alam na bawal ang late ang umuuwi dito sa Boarding House ko?" "Sorry po di na po mauulit" nakayuko niyang sabi.. Kala niya maaawa ako? "Hindi sapat ang sorry mo.. Heto!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD