Ihinatid ni Joaquin si Angge hanggang sa inuupahan nitong bahay. Sa gate pa lang, pinagbuksan siya ng pintuan ni Joaquin.
"Hindi ba magagalit ang parents mo?" tanong nito habang tumitingin sa loob.
"Kaibigan ko lang kasama ko sa bahay," sagot ni Angge.
"Ah, okay. Next time, gusto ko rin makilala sila—kung okay lang sa’yo."
"Sure. Next time," sagot ni Angge, medyo natigilan. May kakaibang kilig sa bitin na paalam.
"Ingat ka," huling sabi ni Joaquin bago sumakay sa kotse.
Hindi muna ito umalis hanggang hindi nakitang ligtas na nakapasok sa loob si Angge. Hindi man flashy, pero may lalim. May breeding. May ingat sa kilos.
At si Angge, wala pa ring ideya na hindi lang mekaniko ang kausap niya—kundi isang Montecarlo.
Si Angge ang naka-assign na maghanda ng almusal sa bahay nila ngayon. Habang piniprito niya ang itlog at inaasikaso ang sinangag na kanin, lumabas mula sa kwarto si Ehm na nakasuot pa ng pajama, sabay hikab at naginat. Kasunod nito si Lani, kargado rin ng antok kahit na kumpleto naman ang tulog, at parehong naupo sa dining table na parang bagong gising na prinsesa.
“Kailan nga pala alis niyo, bru?” tanong ni Lani habang sinisipat ang niluluto ni Angge.
“Sa makalawa daw, pero mamaya pa ibibigay ‘yung final na schedule,” sagot ni Angge habang inilalapag ang mga pinggan sa mesa.
“Hay naku, nakakawalang gana pumasok sa lamig ng panahon,” reklamo ni Ehm habang nagkukubli sa braso. “Pwede kayang sumama kami sa mission mo? Hehe,” biro pa nito sabay kindat.
“Correct! Dapat meron din tayong sariling bakasyon. Seryoso,” sabat ni Lani habang nagsandok ng sinangag.
“Anong bakasyon? Parang field work lang din ‘yon. Parang nag-aaral lang din ako—pero sa malayong lugar,” tugon ni Angge, sabay ngiti.
“E kahit na! Hello, sa Quezon pa ‘yan. Ang gaganda kaya ng beach doon. Naiinggit ako,” hirit ni Lani, na parang bata na kinukulit ang nanay.
“Beach agad? Sa lamig ng panahon ngayon beach talaga?, baka magkasipon lang ako sa tabing-dagat,” natatawang sagot ni Angge.
“Magbaon ka ng maraming jacket ha,” paalala ni Ehm habang sinasalin ang kape sa tasa. “Alam naming ginawin ka.”
“Oo nga, baka pagbalik mo dito yelo ka na!” tukso ni Lani. “Kumuha ka na lang sa cabinet ko, may mga jacket ako ro’n, gamitin mo lang kung kailangan mo.”
Napangiti si Angge habang pinagmamasdan ang dalawa. Ito talaga ang nagpapagaan sa loob niya—ang pagkakaibigang hindi lang puro tawa, kundi may genuine na malasakit. Isang buwan din siyang mawawala para sumama sa medical mission, at sa totoo lang, itong dalawang ito talaga ang unang-unang mamimiss niya.
Nilapitan ni Nora si Angge matapos makitang lumabas na ang professor nila mula sa lecture hall.
“Oh, may kailangan ka?” tanong ni Angge habang maayos na isinisilid sa bag ang kanyang mga gamit.
“Grabe, dzai... may chika ako,” bulong ni Nora na may halong gigil.
“Hmm? Ano na namang kabaliwan ‘yan?” tugon ni Angge, hindi man lang tumingin habang inaayos ang kaniyang mga gamit.
“Natatandaan mo si Joaquin? ‘Yung taga-Engineering Department?”
“Si Joaquin? Hmm, Oo naman. Bakit?”
“Well… may girlfriend na pala na yun.” Saad ni Nora, sabay sulyap sa reaksyon ni Angge.
Bahagyang napahinto si Angge. Sandaling natahimik habang nakapako ang tingin sa zipper ng bag niya.
“Oh ano naman ngayon?” tanong niya, pilit na pinananatiling walang bahid ng interes ang tono.
“ Ito naman walang ka-rea-reaksyon. Naging usap-usapan kasi sa Archi Department. Apparently, ‘yung girl daw, super ganda, super sexy, at—take note—mayaman. But wait, there’s more! Ayon sa tsismis, medyo complicated na raw sila ngayon. May third party issues. May babaeng umaaligid.”
Bahagyang napangiti si Angge—‘yung tipong pilit at walang emosyon.
“Hmm. Flirt pala ‘yung Mr. Gwapo,” puna ni Nora. “Although, sa itsura niyang ‘yon, hindi mo na rin siya masisisi. Kahit hindi siya kumilos, siya na mismo ang nilalapitan.”
Tahimik lang si Angge.
“But who knows,” dagdag pa ni Nora, “Baka naman matino talaga si Joaquin. Baka helpful lang siya, kaya iniisip ng iba na may ‘landi’ factor. Alam mo naman ang mga tao—mahilig mag-assume."
Napansin ni Nora ang katahimikan ni Angge. “Hoy, ang tahimik mo na diyan,” sabay sundot sa braso nito.
“Wala tayong pakialam sa kanila, Nora. Kaya ayusin mo na ‘yang gamit mo. May lunch break pa tayo bago ‘yung meeting,” sagot ni Angge, malamig pero mahinahon.
“Ayy grabe ka, may isang oras pa naman ‘no,” balik ni Nora habang bumalik sa kanyang upuan. “Kala ko pa naman interesado ka.”
“Huh? At bakit naman ako magiging curious sa buhay ng ibang tao?” tanong ni Angge, kunwari’y inosente.
“Eh baka lang naman…” sagot ni Nora, ngiting-ngiti.
“Ewan ko sa’yo,” irap ni Angge bago tumalikod at naglakad palayo.
Agad namang sumunod si Nora. Sabay silang nagtungo sa canteen, na para bang walang seryosong nangyari—pero alam ni Nora, may tinamaan kahit konti si Angge.
Hallway, Conference Room – University Medical Wing
“Hi, pogi. Kanina ka pa ba naghihintay?” biro ni Cain habang papalapit kay Joaquin na tahimik na nakasandal sa dingding malapit sa conference room. “Dito mo pa talaga naisip mag-abang. O baka naman may hinihintay kang kapalit ko?”
Napailing si Joaquin. “Ang kulit mo. Sina Carlo hinihintay ko.”
“Ah,” tumango si Cain. “May kinalaman ba ‘to sa mga volunteer for the medical mission?”
“Oo. Nag-sign up daw sila. Kailangan niyo ng engineering students para sa biotech setup, ‘di ba?”
“Yup. Pero ‘di ka kasama?”
“Ngayon ko lang nalaman.”
“Ang alam ko final na ang list ng volunteers,” sabi ni Cain, naglalakad na palayo. “Sayang. Pero alam mong may magagagawa ka. Montecarlo ka kahit anong kaila mo. Alam ng faculty ‘yan. Kung gugustuhin mo, may paraan.”
Asar na nilingon ni Joaquin ang pinsan ng mapmapansin sil Angge at Nora na papalapit sa conference room.
“Doc Cain. Joaquin,” bati ni Angge ng makita ng dalawa.
Tumango si Joaquin, pero sinundan niya ito ng tingin habang papasok ang dalawa.
Cain smirked. “Maiwan na kita. Mukhang magsisimula na ang meeting.” Tinapik siya sa balikat bago pumasok.
Engineering Department
“Joaqs! Saan ka galing?” tanong ni Rony nang makita siya. “Kanina ka pa namin kinokontak, off ka.”
“Low batt,” sagot ni Joaquin. “Nandito ba si Carlo?”
“Ako ‘to, bakit?” saka isinara ng pinto ng locker.
“Sino sa inyo ang nag-volunteer para sa medical mission?”
Nagtaas ng kamay sina Rony at Kevin.
“Bakit hindi niyo sinabi sa akin?”
“Akala namin wala kang balak sumali,” sagot ni Carlo. “Taon-taon na ‘to, never ka naman nagpakita ng interes.”
Natahimig siya ng bahagya doon.
“Gusto kong sumali ngayon.”
Napatingin ang tatlo sa kanya.
“Sure i-line-up kita for next year,”
“Ngayon.”
Kinuha ni Joaquin ang listahan, saka tumingin kay Rony.
“Masakit tiyan mo, ‘di ba, sa araw na yun diba?”
“Huh?” kunot-noong sagot ni Rony.
“Sumama ka sa’kin,” seryoso ni Joaquin.
Dean’s Office
“Come in.”
Pumasok si Joaquin kasama si Rony.
“Yes? Montecarlo. Agoncillo. Anong kailangan niyo?” tanong ni Dean Marquez habang hindi inaalis ang tingin sa papel sa mesa.
“Sir,” panimula ni Joaquin, “magwi-withdraw si Rony sa medical mission. Ako po ang papalit sa kanya.”
Tumingin si Dean. “Final na ang list. Submitted na sa insurance company yan.”
“Alam ko po, sir. Pero kung may paraan pa... willing akong ayusin kahit ano pong kailangan para makasama.”
Tinitigan siya ng dean. Tahimik. Tila sinusukat kung gaano ka-determinado ang kaharap.
“Okay,” ani Dean Marquez. “I’ll make the calls. Pero this is your responsibility now.”
“Thank you, sir.”
Tahimik silang lumabas ni Rony.
“Whew. Biglaan ‘yon ah,” sabi ni Rony "Pero okay lang ba talaga sayong sumama?"
Hindi na nakakibo si Joaquin.
Nasa rooftop ang magpipinsang sina Joaquin, Cain, Warren, Jose, at Matteo. Tahimik silang nakatanaw sa papalayong sasakyan ng kanilang abuelo.
“Tuwang-tuwa si Señor nang malamang nag-reach out ka, Joaqs,” ani Matteo.
“Hindi naman ako sa Señor lumapit, ah,” sagot ni Joaquin.
“Hindi rin naman lingid sa’yo na major sponsor ng unibersidad na ’to ang abuelo natin,” sabat ni Jose.
Napabuntong-hininga na lang si Joaquin.
“Ilihim mo mang Montecarlo ka, pero dumadaloy pa rin sa’yo ang dugo ng pamilyang ’to,” ani Warren.
“Kung alam lang ni Señor na isang babae lang pala ang makakabalik ng apo niyang pasaway—sigurado ako, matagal na--" nahinto siya ng mapansin ang masamang tingin ni Joaquin.
Napalingon ang lahat sa sinabi ni Cain.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ni Jose.
“Oops,” ani Cain na tila natauhan.
“Kati ng dila mo,” singhal ni Joaquin.
“Ano ’yon? Bakit ikaw lang ang nakakaalam?” usisa ni Matteo.
“May pinopormahan kasi ’yan na nur—aray!” natatawang salo ni Cain sa bag na ibinato ni Joaquin.
“Wala ni isa sa inyo ang magsasabi sa mga nakakatandang Montecarlo ng narinig niyo sa madaldal na ’to,” seryosong babala ni Joaquin habang kinukuha ang bag at dumiretso na sa pinto pababa.
“Ang chismoso niyo kasi,” reklamo ni Cain.
“Loko, ikaw ang nag-umpisa,” tugon ni Matteo.
“Kinukwento ko lang naman sa inyo. Ang usi niyo kasing lahat, kakalkalin pa,” natatawang sagot ni Cain.
Napailing na lang sina Warren, Jose, at Matteo saka tahimik na sumunod bumaba mula sa rooftop.
Palabas na ng campus si Angge patungong waiting shed para maghintay ng jeep. Balak niyang mag-grocery para sa mga personal na gamit na kakailanganin niya para sa makalawa.
Huminto sa harap niya ang itim na Sportivo ni Joaquin. Ibinaba nito ang bintana sa driver’s side.
“Papasok ka na ba sa trabaho mo?” tanong ni Joaquin nang maibaba ang bintana.
“Ha?” Gulat na sagot ni Angge.
“Ihatid na kita,” ani Joaquin, nakangiti.
“Ah, hindi na. May pupuntahan pa ako. Bye,” mabilis na sagot ni Angge saka dali-daling pinara ang jeep na nag-overtake sa sasakyan ng binata. Pagkahinto ng jeep, sumakay na siya.
Halos wala na siyang maupuan sa dami ng pasahero, pero mas nanaisin na niyang makisiksik kaysa sumabay kay Joaquin at mapagchismisan pa sa campus nila. Hindi man siya ang direktang tinutukoy ng mga makakating dila, ayaw na niyang masangkot sa mga intriga. Madrama na nga ang buhay niya, hahaluan pa ng mga usapan na hindi naman siya ang may kagagawan.
Marami-rami ang napamili niya. Maliban sa mga toiletries na kailangan niya, namili rin siya ng kaunti para sa bahay nila.
Pagdating sa bahay, nandoon si Ehm at nagluluto ng hapunan nila.
“Namili ka?” tanong ni Ehm.
“Oo, kaunti lang para sa dadalhin ko. Saka konting stock dito,” sagot ni Angge habang inilalapag ang isang eco bag na dala. Dinala naman niya sa kwarto ang isa at nagbihis muna ng pang-bahay bago bumalik sa kusina.
“Wala pa si Lani?” tanong ni Angge habang inilalabas ang mga gulay na pinamili.
“May birthday na pinuntahan,” sagot ni Ehm, iniwan ang inululuto at tinulungan siyang magsalansan.
“May pasok pa bukas, ‘di ba?”
“Hm, oo. Pero hindi naman daw siya mag-papagabi ng sobra. Kakain lang daw sila sa labas.”
“Ah…”
“Bru, okay ka lang ba dito sa bahay? May pupuntahan lang sana kami ni Paulo,” tanong ni Ehm.
“Ah, oo naman… Anong oras ba kayo makakauwi?”
“Mga 10 ng gabi, nandito na ako.”
“Ah, sige. Ingat ka. Ako na bahala dito sa niluluto mo. Kaya pala nakapag-alis ka pa,” sagot ni Angge.
“Oo eh… Hehe, thanks, bru,” sabi ni Ehm, saka nagbeso kay Angge bago umalis.
“Magingat ka, ha!” habol pa ni Angge.
Pinanood na lang ni Angge si Ehm na umalis. Mag-aalas sais na ng hapon, kaya naman medyo madilim na sa labas.
"Boss, wala na daw siya doon sa restaurant," salubong ni Omar.
"Sino?" tanong ni Joaquin habang lumapit sa lamesa ng mga ito at kumuha ng isang lata ng beer.
Kararating lang niya galing school. Dumiretso siya sa talyer dahil wala naman siyang ibang pupuntahan. Nadismaya siya nang hindi man lang niya nakausap si Angge.
"Nagtanong kasi kami ni Omar doon, boss, kung bakit hindi na namin nakikita si Miss Maganda," sabi ni Berto.
"Nag-part time lang daw pala doon si Miss Maganda ng isang linggo," sagot ni Omar.
Tatango-tango lang si Joaquin. Parang umiiwas ito ng makita siya. Nakita niya na halos wala na siyang maupuan sa jeep pero pinilit lang nito na isiksik ang sarili. O baka naman talagang may ibang lakad lang ito.
"Boyfriend kaya nya?" tanong sa sarili.
"Boss, mukhang malalim ata ang iniisip mo?" tanong ni Jess.
Napalingon si Joaquin sa kanila.
"Wala 'to," sabi ni Joaquin bago sinaid ang beer na hawak at inilapag ang basyo sa lamesa. "Mauuna na ako sa inyo. Kuya Jess, ikaw na muna ang bahala. Baka hindi na ako makadaan bukas. Magaayos pa ako ng gamit sa boarding house."
"Sige, magingat ka," sabi ni Jess.
Kinawayan lang ni Joaquin ang mga ito habang papalayo.
"Malayo ba pupuntahan ni Boss?" tanong ni Omar.
"Matatagalan lang siya makauwi. Sumama kasi siya sa medical mission ng school nila," kwento ni Jess.
"Ah… Interesado pala siya sa mga ganun?" sabi pa ni Berto.
"Ano naman ang akala mo kay bosing?" sagot ni Amboy. "Mag-inom na nga lang tayo."
Nakasalubong ni Joaquin si Carlo sa parking lot ng condo. Karamihan ng mga nakatira dito ay mga estudyante mula sa iba't ibang unibersidad sa Maynila, kaya't buhay na buhay ang buong building. Hiwalay ang building para sa mga lalaki, at dito nakatira rin sina Romy at Kevin. Magkakapit-bahay sila sa isang floor.
"Himala, ang aga mong umuwi," banat ni Carlo, tinitingnan si Joaquin mula ulo hanggang paa.
"Matuwa ka na lang na maaga akong umuwi, wifie," sabay tapik ni Joaquin sa balikat ng kaibigan habang papasok sila ng condo. Sumama si Joaquin kay Carlo nang magtungo ito sa isang convenience store.
"Beer?" alok ni Carlo, alam na niyang medyo iba ang mood ng kaibigan.
"Pass muna, pare. Maaga kami bukas," sagot ni Joaquin, seryoso.
"Ah, bukas na nga pala yun. Bakit parang wala ka sa mood?"
"Pagod lang, dami ng report na kailangan tapusin." Pagkalabas nila ng store, tinungo nila ang isang high-end na kapihan sa tapat lang ng convenience store.
"Ice Americano, please, for take out," sabi ni Joaquin sa kahera.
"Cappuccino," ani Carlo.
"For take out din, sir?"
"Yes, please."
"Copy, sir. Wait to call your number, sir. Thank you." Nang makuha ang kanilang order, umakyat na sila patungo sa kanilang floor.
Paglabas ng elevator, nakita nila si Kevin na may kausap sa cellphone. Tinanguan lang sila nito, sabay tuloy-tuloy sa unit nito.
"Hay..." buntong-hininga ni Joaquin habang dumadaan sa pintuan ng unit. Walang kalatoy-latoy, dumiretso siya sa kama. Ang bawat unit dito ay 35 square meters lang—hindi malaki, pero functional. Pagpasok mo sa unit, may banyo sa kanan, kusina sa kaliwa, may dining table at maliit na sala, at siyempre, isang king-size na kama—kasihindi siya fan ng masikip na kama. Halos kasing laki na ng unit ang kama niya. Sa tapat nito, isang malaking wardrobe. May maliit ding balkon.
Habang nakadapa sa kama, inabot niya ang cellphone na nagri-ring sa side table.
"Hello," sagot niya, hindi pa tinitingnan ang caller.
"Papasok kami, ha?" sabi ng boses sa kabilang linya, hindi na naghintay ng sagot ni Joaquin bago ibinaba ang tawag.
Maya-maya, pumasok sina Kevin at Carlo.
"Joaqs," tawag ni Carlo, sabay gising sa kanya. "Bumangon ka nga, seryoso na."
"Ano ba? Inaantok ako," sagot ni Joaquin, sabay alisin ang kamay ni Carlo sa balikat.
"Bumangon ka, may importante kaming sasabihin sayo," sabi ni Kevin.
"Bakit ba?" tanong ni Joaquin, pilit na gumalaw paharap sa mga ito bago sumandal sa headboard ng kama.
"Remember Camille?" tanong ni Kevin.
"Sino yun? Babae mo?" tanong ni Joaquin, sabay abot ng iced coffee. "Alam ba ni Jade yan?"
"Sira, yung kaibigan mo sa architectural department, yung maganda at sexy," sagot ni Carlo.
"Kakilala ko lang yun. Oh, bakit?" tanong ni Joaquin, hindi pa rin maintindihan ang sitwasyon.
"Kalat na kalat daw sa department nila na boyfriend ka na niya," sabi ni Carlo, may pagka-suspense ang tono.
"Sino naman ang nagpakalat niyan?" tanong ni Joaquin, medyo naiintriga.
"Ewan ko, nalaman ko lang kay Amy," sagot ni Carlo.
"Kaylan pa kayo naniwala sa mga chismis," sagot ni Joaquin.
"Yun din ang narinig ko kay Jade. Nagkalabuan lang daw kayo kasi may bagong babae ka nang pinopormahan," sabi ni Kevin, nang hindi maiiwasang magsalita nang prangka.
Bigla niyang naisip si Angge.
"Pero hindi ko naman girlfriend si Camille," sabay tingin kay Kevin.
"Alam namin, pare," sagot ni Kevin, hindi na nagtataka. "Pero nakakapagtaka lang na si Camille, ang lakas ng loob magkalat ng ganong kwento."
"Alam na kaya niya?" tanong ni Joaquin.
"Nino?" tanong ni Carlo.
"Si Noralyn?" tanong ni Kevin, sabay tawa.
"Ah..." sabay sabing "Lumayas na nga kayo dito," sagot ni Joaquin, ang tono ay may halong pikon.
"Tulungan mo naman kami magpatawa," sabi ni Kevin, patuloy na tawa. "Kanina wala kang pakialam, ngayon naman sobrang seryoso mo."
"Mukha ba akong natatawa?" seryosong sagot ni Joaquin, saka inilagay ang ulo sa headboard at minasahe ang sintido gamit ang isang kamay. "Yun kaya ang dahilan kung bakit umiwas siya sa akin?"
"Sino ba tinutukoy mo, si Noralyn o si Camille?" tanong ni Carlo.
"Si Noralyn, pare," sagot ni Kevin.
"Si Camille, walang duda," sagot ni Carlo.
Hindi na nakapagtimpi si Joaquin at patulak na pinapalabas ang mga kaibigan sa unit. Habang palabas, natatawa pa sila, ngunit alam nilang may something seryoso na nangyayari sa kaibigan.
Maaga pa lang ay naroon na si Angge sa campus. Alas tres ng madaling-araw, ngunit tila ba kasabay ng araw ang pag-usbong ng kanyang kasabikan. Suot ang maaliwalas na two-piece linen coords, isang minimalist na backpack ang nakasukbit sa kanyang likod, habang maayos na naka-roll ang kanyang sleek na maleta sa tabi niya.
Ihatid sana siya ng taxi, ngunit mapilit ang dalawa niyang kaibigan. Kahit nakapantulog pa, tila mga magulang kung magpaalala.
"Ay, ang pepper spray, nasa front pocket ha," ani Lani habang binubuklat ang bag ni Angge.
"Wag kang sumasama sa mga hindi mo kilala. Stay with a group, please," bilin naman ni Ehm habang maingat na inaayos ang bahagyang mamasa-masang buhok ni Angge.
"Para kayong mga stage parents," natatawang sabi ni Angge.
"Sige na, mama at papa. Aalis na ang anak n’yo," biro pa niya habang hinila ang maleta at humalik sa pisngi ng dalawa.
"Ang laki na ng anak ko," ani Ehm, kunwa’y umiiyak.
"Next year magpapakasal na 'yan!" dagdag ni Lani, halatang hindi rin mapigilan ang tawa.
"Hoy! Umuwi na nga kayo. Antok lang yan!" sigaw ni Angge habang pailing na naglakad papunta sa bus.
Pagdating sa parking, nauna siya sa karamihan. Nang makita siya ni Nora, agad itong lumapit.
"Anong bus mo, Angge?"
"Bus 1, seat 5. Ikaw?"
"Bus 2, seat 14," may halong lungkot ang sagot ni Nora.
"Hindi tayo magkasama?"
"Hindi eh. Doon kasi nakaupo si Doc Simon."
"Huh? So?"
"Katabi natin sila sa upuan. Hindi mo pa ba alam?"
Umiling lang si Angge, tila biglang bumigat ang pakiramdam.
"Mukhang magiging mahaba ang biyahe ko..." bulong niya sa sarili, kasabay ng pagbuntong-hininga.
Ipinagkatiwala na nila ang kanilang mga maleta sa compartment bago sumakay. Pinili ni Angge ang window seat. Ilang sandali pa, umakyat si Cain at agad siyang binati.
"Hi, seatmate," wika nito, may pilyong ngiti sa labi.
Kasunod naman nitong umakyat si Joaquin. Tahimik lamang itong naupo sa harapang upuan, sa tabi ni Kevin. Walang imik.
"Okay lang bang ako sa bintana?" tanong ni Angge, hindi makatingin nang diretso.
"Yeah, sure," sagot ni Cain, bago ngumiti ng may lambing. "Mas gumaganda ka kapag nakalugay ang buhok mo, Gimeno."
"Ah... Haha..." Hindi agad nakasagot si Angge, naramdaman niyang biglang uminit ang pisngi niya.
"O, mukha ba kitang binobola?" tanong ulit ni Cain, ngiting-ngiti.
"May sinabi ba ako?"
"Nakikita ko sa mata mo," bulong ni Cain bago pumwesto ng maayos at ipinikit ang mga mata.
Napatingin si Angge sa kanya.
"Baka malusaw ako rito..." sa isip niya habang inaayos ang sarili.
Tahimik na pinakikinggan ni Joaquin ang buong usapan, hindi mawari kung bakit parang naiirita siya sa presensya ni Cain sa tabi ni Angge.
"Grabe ang lamig ng panahon ngayon, no, Joaquin? Parang yelo na ako," biro ni Kevin pero wala siyang narinig na sagot.
"Joaqs?"
"Ha? Sorry, ano yun?" saka lang niya napansin na nandoon na pala si Kevin sa tabi niya.
"Wala. Sige, concentrate ka muna sa drama mo d’yan," natatawang sagot ni Kevin. "Gusto mo lagyan natin ng earphone sa likod? Para rinig mo pa lalo?"
"Ewan ko sa’yo," umiling na lang si Joaquin.
Habang tuloy-tuloy ang biyahe sa Skyway, pilit na pinipigilan ni Angge ang antok. Pinagmamasdan niya ang tanawin, sinusubukang ilihis ang atensyon. Ngunit sa huli, nanaig ang antok. Nakahilig siya sa bintana, hanggang sa maramdaman niyang may kumilos sa tabi niya.
Bahagyang dumukwang si Joaquin mula sa harap at maingat na iniangat ang ulo ni Angge, saka inilagay ang maliit na travel pillow sa pagitan ng ulo nito at salamin ng bintana.
"Thank you," mahina niyang nasambit, halos pabulong. Hindi niya alam kung narinig ito ng binata, ngunit umaasa siyang hindi siya napansin ng iba.
"Ako wala?" sarkastikong tanong ni Cain nang mapansin ang ginawa ng pinsan.
"Bato gusto mo?" malamig na tugon ni Joaquin, saka umayos ng upo.
Napailing na lang si Cain, napatawa sa reaksyon ng pinsan.
Naalimpungatan si Angge nang huminto ang bus sa isang stopover sa SLEX. Habang inaayos ang buhok na basta na lang pinusod, nagsalita si Cain.
"Bababa ka?"
"Oo. May ipapabili ka?"
Umiling ito at tumayo para makadaan siya. Pagkababa, hindi niya inaasahang sasalubungin siya ni Joaquin.
Lalampasan na sana niya ito pero sabay silang naglakad.
"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ni Joaquin, walang pasakalye.
"H-ha? Hindi. Bakit naman kita iiwasan?"
"Yun din ang gusto kong malaman."
"W-wala namang dahilan..." pilit niyang ngiti.
"So we’re good?"
"Oo naman."
"Good. Anong gusto mong kainin?"
"Ha? Ah, ‘wag na. Busog pa ako."
"Alam kong hindi ka pa nag-aalmusal."
Napatingin si Angge sa kanya, bahagyang kinabahan. May kung anong hindi niya maipaliwanag sa mga titig ni Joaquin—malalim, prangka, at tila nakikita siya nang buo.
"Kumain ka muna. Antayin mo ako dito," mahinahong sabi ni Joaquin bago mabilis na tumakbo papunta sa coffee kiosk. Pagkatapos ay lumipat siya sa katabing Subway stall at bumili ng sandwich.
Naiwang nakaupo si Angge, hindi mapakali. Isang linggo pa lang mula nang makilala niya si Joaquin, pero parang ang dami na niyang iniisip tungkol dito. At ngayon, may narinig pa siyang may girlfriend daw ang binata.
Ilang minuto lang ay bumalik si Joaquin, dala ang tray ng inorder. Tahimik siyang umupo sa harap ni Angge.
"Thank you," malamig na sabi ni Angge, iniiwas ang tingin.
Hinubad ni Joaquin ang university jacket at maingat na ipinatong iyon sa balikat ni Angge.
"Giniginaw ka. Suotin mo 'yan."
"Okay lang ako." Pero hindi naman niya tinanggal ang jacket.
Tahimik silang kumain, si Angge ay abala sa pagpapalamig ng kape niya, habang si Joaquin ay hindi mapigilang mapatingin sa kanya.
"Angge, okay ka lang ba?" tanong ni Joaquin, may bakas ng pag-aalala.
"Hmm? Oo naman. Bakit?" pilit niyang ngiti.
"Parang naiilang ka sa'kin," deretsong sabi ni Joaquin.
"Hindi ah. Baka ikaw ang naiilang," balik ni Angge, pilit na nililihis ang usapan.
"Ako? Bakit naman?" tumikhim si Joaquin. "Dahil ba sa sinabi ni Macy?"
Biglang natigilan si Angge. "So totoo?"
"Ano'ng totoo?" kunot-noong tanong ni Joaquin.
"Yung... girlfriend mo. Hindi magandang makita ng iba," bumigat ang tono ni Angge.
"Wala akong girlfriend, Angge."
"Pero—"
"Si Camille? Siya rin ang nagkalat?" Napailing si Joaquin. "Wala siyang alam. Kaibigan ko lang sya."
Sa paraan ng pagtitig ni Joaquin, parang totoo.
"Bakit hindi mo sinabi agad?" mahina niyang tanong.
"Isang linggo pa lang tayong magkakilala. Akala ko hindi naman big deal sa'yo."
Napatingin si Angge sa kape niya, bahagyang napangiti sa sarili. "Hindi naman talaga... Pero nakakailang."
"Nakakailang dahil iniisip mong may girlfriend ako?" tanong ni Joaquin, bahagyang natatawa.
"Hindi ko naman iniisip 'yun!" agad na tanggi ni Angge, pero namula siya.
"Sabi mo eh." Ngumiti si Joaquin, pero may lambing sa boses niya. "Tara na sa bus. Hindi kita pipilitin magpaliwanag."
Nakahinga ng maluwag si Angge, ngunit habang naglalakad sila pabalik ng bus, hindi niya maiwasang mapaisip—bakit ba siya naapektuhan nang malaman niya?
Sa loob ng bus, napansin ni Cain ang tensyon sa dalawa.
"Angge, okay ka lang?" tanong ni Cain, nakangiti.
"Ah... oo po, doc," pilit na ngiti ni Angge.
"Sayang naman ng ganda ng ngiti mo kung ganyan lang," biro ni Cain bago nag-duling-dulingan.
Napatawa si Angge, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Pero sa gilid ng mata niya, nahuli niyang nakatingin sa kanya si Joaquin—at agad nitong iniwas ang tingin.
Pagkarating nila sa dulong bahagi ng Quezon, huminto ang bus sa isang lugar na tahimik at liblib. Napapalibutan iyon ng mga punong kahoy, at sa gitna ay may mga container van na nakapuwesto na parang pinagplanuhan. Sa gitna ng mga ito ay nakatayo ang isang dambuhalang tent na tila nagsisilbing main area ng lugar.
Napatigil si Angge, at sa unang pagkakataon mula nang umalis sila, nawala ang bigat sa kanyang dibdib. Napalitan iyon ng saya at excitement. Agad siyang humugot ng cellphone at nag-picture. Isinend niya agad ang larawan sa group chat nila nina Ehm at Lani.
"Nandito na kami!" chat ni Angge, sinamahan pa ng smiling emoji.
Mabilis na nag-reply si Lani. "Wow! Ang ganda naman dyan."
"Nagdala ka ba ng mosquito repellent?" agad namang tanong ni Ehm, na parang nanay.
"Yes, mom…" pabirong sagot ni Angge.
"Enjoy, bru!" chat ni Ehm, sinamahan ng heart emoji na agad namang pinusuan ni Angge at Lani.
Napangiti si Angge at sandaling nakalimutan ang kaba at pag-aalangan na naramdaman niya kanina kay Joaquin. Saglit siyang huminga ng malalim, tapos hinila na ang maleta niya at sumunod sa iba pang volunteers papunta sa quarters na nakalaan para sa kanila.
Habang naglalakad, napansin niyang maayos ang pagkakaayos ng lugar. May mga nakaimprentang signage para sa mga pasilidad: Clinic Tent, Supply Area, Volunteers’ Quarters. Malinis at organisado ang paligid, at may ilang medical staff na abala sa pag-aayos ng mga supplies.
"Angge!" tawag ni Dr. Cain Montecarlo mula sa unahan. "Dito kayo naka-assign na tent. Kayo ng iba pang student volunteers."
"Yes, doc!" masiglang sagot ni Angge. Napalitan ng excitement ang kaba niya.
Habang inilalagay niya ang maleta sa loob ng tent, napansin niyang nasa malayo siJoaquin, nakikipag-usap sa ilang kalalakihan na mukhang bahagi ng logistics team. Napatitig siya saglit, pero agad na umiwas nang makita nitong tumingin din sa direksyon niya.
"Kalma, Angge," mahinang bulongsasarili.