Simula

3240 Words
“Are you ready for the next chapter of your life, Sunny?” nakangiting tanong ng aking hairdresser. Sa tapat ng vanity table ay pinakatitigan ko ang aking sarili. Nandito rin ang ibang mga mag-aayos sa akin at maghahanda ng isusuot ko para sa darating na party. Nakasuot na lamang ako ng camisole ngayon habang ang aking buhok ay malayang nakalugay. Pinagmasdan ko ang sarili kong mga mata na laging pinupuna ng mga tao na katulad ng kay Mommy. Dahil daw rito, kaya madaling sabihin na magkahawig na magkahawig kaming dalawa. My mother is of Russian decent. I was born in Saint Petersburg, Russia, pero hindi man lumaki roon at dito na namalagi sa Pilipinas, they still followed some of the traditions. Si Daddy ang may lahing Filipino. I think he’s quite an influential person here. Dito na rin talaga ako lumaki at natuto. Binabagayan ang mga iyon ng saktong hugis at saktong kapal ng mga kilay at nilililiman ng mga mapipilantik na pilikmata. “Napakainosente talaga ng mukha mo, Sunny. Para kang anghel, oh! No wonder, mahigpit sa iyo si Don Valdemor, pati na rin ang mommy mo noong nabubuhay pa ito. Napakagandang bata mo ba naman!” ngiting-ngiti na puri ng nag-aayos sa aking buhok. “Takot lang nilang marami agad ang manligaw sa iyo. Alam mo na, sila rin ang mahihirapan,” segunda naman ng nagme-makeup sa akin habang sinisilip na rin ang repleksyon ko roon sa salamin habang nilalagyan ng mga paunang kulay ang mukha ko. Ngumiti ako at natawa nang marahan. Pinasadahan ko na rin ng tingin ang mga kolorete na nakahanay sa aking harapan. Eighteenth birthday ko ngayon. Nakakapaglagay naman ako ng ganito ngunit minsanan lang. Tuwing may okasyon, o kaya naman kapag niyaya ako ng kaibigan kong si Alina na mag-makeup. I don’t have my own. I barely have trendy clothes. Noong nabubuhay pa si Mommy, she was strict when it comes to this. She was raised in a traditional family, a little old-school. Kahit ang mansyon nga namin ay mukha na ring napaglipasan ng panahon at ng modernisasyon. “Debut mo na. Baka mamaya sa party mo makilala ang una mong manliligaw!” “Istrikto po si Daddy,” tanging sabi ko habang tinitingnan iyong lip gloss at nilabas. Napangiwi nang kaunti ang hairdresser sa aking sagot, siguro ay naisip din na sa estado nga namin ay normal lamang na maging ganoon kaistrikto si Daddy. “Pero gusto mo na sigurong mag-boyfriend, ‘no? Eighteen ka naman na! Minsan ay puppy love lang ang tawag doon! May nagugustuhan ka na ba?” Napakagat ako sa aking labi at sandaling huminto sa pagtitingin sa mga makeup. Napaangat ang mga mata ko sa salamin at parang may tinatakasang tingnan. Oh, it’s because I lied. Ang totoo, mayroon na akong boyfriend. Pero ang alam ng mga kaibigan ko, manliligaw ko pa lang. It’s a mutual understanding, pero sinagot ko na talaga siya nang palihim at kaming dalawa lang ang nakakaalam. Mamaya sa party ay nagbabalak na rin siyang pormal na magsabi kay Daddy na liligawan niya ako, kahit ang totoo ay kami na talaga. Wala naman akong problema at gusto ko rin naman siyang maging boyfriend kaya tingin ko ay ayos lang. I smiled a bit, napuna iyon ng nag-aayos sa aking buhok. “Mukhang may nagugustuhan na yata si Sunny! She’s smiling!” They were teasing me, asking who is the lucky guy. Ayaw ko namang sabihin dahil kung sakali, baka malaman ni Daddy at pagbawalan pa akong makita si Isandro. Well, I do like him. Mabait siya with a pleasing personality. He always smiles. Friendly rin siya at malakas ang karisma sa mga babae. He’s sweet and gentle. We go to the same private high-profile university. I was homeschooled during elementary and for part of high school, kaya sobra akong naninibago noong pumasok sa university. Isandro was one of my classmates who helped me get along with the others, kaya malaki talaga ang naitulong niya sa akin. And he’s really nice! “Pupunta ba sa party? Kung ganoon ay kailangang magandang-maganda ka ngayon. Siya ba ang last dance mo?” manghang tanong nila. Tinatablan na ako ng hiya, but at the same, I felt happy that they are interested to know the guy behind my smiles. Nakakatuwa dahil kung kay Daddy, kung malaman nito na boyfriend ko na si Isandro bago ko pa maipakilala sa kaniya, baka may nakatutok nang baril sa ulo nito. Oh, there were many boys who tried. Umaakyat sila ng ligaw, minsan ay bumisita pa rito sa mansyon pero dahil masiyadong nakakatakot si Daddy, wala talagang tumatalab. Nagugulat na nga lang ako dahil maayos naman sila, tapos bigla na lang maglalaho kapag pinakilala ko na kay Daddy. Iyon pala, tinatakot niya! Sa una ay para silang matatapang na prinsipe tapos isang tutok lang ng .45 caliber ni Daddy, bigla na silang mamumutla at halos tumakbo paalis sabay sabing... “I’m sorry, Sunny! H-Hindi pa pala ako handang makipagrelasyon. We’re too young for this!” Iba-iba na ang dahilan nila. Kung hindi busy sa family business, mangingibang bansa, o kaya naman ay na-realize na masiyado pa palang bata para mag-girlfriend. Wala rin naman akong magawa. Ayaw ko namang magalit kay Daddy but some of the incidents really made me cry and hate Daddy at some point. Pero ngayon, iba itong kay Isandro. Gusto ko na matanggap siya ni Daddy. Gusto ko siya... at sana ay siya na talaga ang makakatibag sa ugali ni Daddy na lahat na lamang ay tinataboy. “Opo, siya ang last dance ko.” “Wow... secret ba natin ‘yan at bawal pang malaman ni Don Valdemor?” natatawang tanong nila at animo’y excited. Ngumiti ako at tumango. “Pero mamaya sa party, baka magpakilala na siya kay Daddy...” “Naku, goodluck sa kaniya! At talagang balitang-balita ang bagsik ng daddy mo pagdating sa mga manliligaw mo, Sunny,” komento naman ng hairstylist. “Sana huwag siyang tumakbo kapag hinarap ang daddy mo at mga tauhan n’yong naglalakihan ang muscles!” sabay tawa ng makeup artist at kinikilig pa sa mga maton na alagad ni Daddy. Kinakabahan ako kung paano kakausapin ni Isandro si Daddy pero malaki ang pag-asa ko na hindi siya matatakot tulad ng ibang mga nanligaw. Kilala niya na rin naman ang ugali ni Daddy at siya na rin mismo ang nagsabing hindi niya ito aatrasan! Natapos ang pag-aayos ko at handa na ang lahat. Isang kulay pulang ball gown ang aking suot. Sa laki niyon ay halos sinasakop na ang pwesto kung saan man ako tatayo. Kumikinang-kinang pa iyon dahil sa disenyong glitters. Off-shoulder kaya lantad ang mga balikat ko at mas pinaputi pa ng dark red color na aking suot. I remembered when we talked one time. “Daddy, ito na po ‘yong napili kong isusuot sa 18th birthday party ko,” sabi ko at nilahad sa kaniya ang iPad kung nasaan iyong napili kong gown out of ten choices. Hirap pa akong pumili sa sobrang daming binigay pero nagustuhan ko itong gown na parang kay Belle sa Beauty and the Beast. Only that it’s deadly red! “Since when did you like this bloody hell of a color, princess?” disgusto na tanong ni Daddy sa aking napili. Napanguso ako at umupo na rin sa breakfast table. “That’s what I want, Daddy... tama na po ang pagiging kontrabida, please?” I said sweetly. Inasikaso agad ako ng mga maid at nilagyan ng pagkain ang aking plato. “Thank you...” Daddy sighed sharply. “Oh, what can I do? Suit yourself, princess. Kung ‘yan ang gusto ay iyan na nga.” “Thanks, Dad! You’re the best!” sambit ko at natuwa dahil pumayag siya. Akala ko ay kokontrahin niya na naman! “At sa pakikipagsayaw mo sa mga bastardo, magbabantay ang lahat ng tauhan natin. Kung may isang nangahas na hawakan ka sa maling paraan ay mapuputulan ng kamay at ngayon pa lang ay binabalaan na kita, my dear. Huwag ka nang magmakaawa sa akin na patakasin ang mga bastardong ‘yan,” istriktong sabi ni Daddy. Seryoso siya at alam ko ring hindi nagbibiro. Pinili naman nang maayos ang mga magsasayaw sa akin kaya alam kong walang magiging insidente na ganoon. Ngayon ay dumating na nga ang mismong araw na iyon. I’m wearing my red ball gown and about to make my way down the stairs, kung saan naghihintay na ang lahat ng mga bisita sa pagbaba ng birthday celebrant. Ramdam ko ang kaunting kaba sa akin pero mas naiisip ang magiging pag-uusap nina Isandro at ng aking ama. Sana talaga ay hindi na siya takutin pa... “Happy birthday, Sunniva! Enjoy your party!” paalam sa akin ng mga nag-ayos sa akin at tumulong sa paghahanda ko. Ngumiti ako sa kanila at bumeso na rin. Nauna na silang bumaba para hayaan ako sa aking grand entrance. I can already hear the guests downstairs. Kinagat-kagat ko na nang kaunti ang aking labi at huminga nang malalim. Nanatili akong kalmado at nang sandaling naglakad na nga pababa sa hagdan nang sinabi ng MC, hindi ko na agad naiwasan na ilibot ang aking tingin. And it was... magical. Bumungad sa akin ang alon ng mga bisita. Namamangha ang kanilang mga tingin habang nakatingala sa hagdan na aking tinatahak, sinusundan ng tingin ang bawat paghakbang ko pababa suot ang magarbong gown at nakapinid nang maayos ang buhok. Applause filled the air, their eyes brimming with awe. Kinabahan na naman ako ngunit gumuhit ang malumanay na ngiti sa aking labi. Especially when I found some of my few real friends, at higit sa lahat, si Isandro. Para akong totoong prinsesa habang bumababa dahil sa lahat ng mga matang nakamasid, sa magagarbong disenyo, at sa sahig kung saan nagkalat pa ang mga rose petals. The whole place looked very enchanting. Parang nanghahalina. “Everyone, this is my one and only daughter, my princess, Sunniva Valdemorovna Fedorova...” My father introduced me with pride. Ang lahat ay nakangiti pati na rin iyong mga kilala at kagalang-galang na mga bisita ni Daddy para dito sa party ko. “Wow... you have a very beautiful daughter, Valdemor,” ngising sabi ng isang sa pagkakaalam ko ay businessman, twice my age, at nakatitig sa akin. “Happy birthday, Sunniva...” Ngumiti ako at malugod na nagpasalamat dito. Marami rin akong ibang binati at kinausap kaya halos dumaan na lamang din sa aking isip ang kanilang mga pangalan. Noong eighteen roses, kung hindi schoolmate o classmate ay anak ng mga kaibigan ni Daddy ang nagsayaw sa akin. Mababait din naman sila pero wala rin talaga akong matandaan. They just danced me. Iyong iba ay nangangatog pa yata ang tuhod at hindi makatingin sa akin. Iyong iba ay ilang beses na muntik matalisod sa takot. Walang tumatak sa akin sa mga nagsayaw. Ayos lang. Si Isandro naman ang last dance ko. Nakangiti ako sa lahat. Kahit pagod na, nakangiti pa rin. At kahit nililibot ang tingin nang may pagkabahala, kalmado pa rin ang ekspresyon ko. Malapit na si Isandro pero hindi ko pa siya ulit nakita. Hindi ko na naiwasang mapatingin sa kinaroroonan ng dalawa kong kaibigan, sina Alina at Vina, at mukhang ganoon din ang kanilang iniisip dahil palinga-linga sa paligid. Nagkaroon ng sandaling katahimikan noong tinawag si Isandro para sa last dance pero wala siya. Nakaupo na ako at naghihintay. I couldn’t lift my eyes to the crowd. Ramdam ko ang gaspang sa aking lalamunan! Hindi lang sa kaba na baka mapahiya sa lahat ng nakatingin kundi dahil na rin hindi ko alam kung bakit wala pa si Isandro? Binigyan pa siya ng ilang sandali ng MC. Nagsikap akong tingnan muli ang mga bisita na mukhang napapansin na rin na wala pa ang last dance. Nakita ko na rin ang ekspresyon ni Daddy. Some of the guests are all looking at me, and I can’t help but look around. Hindi ko alam kung bakit sa aking pagkakaupo sa sofa, may iba akong pakiramdam sa paligid. There was something unsettling about it, like a magnet waiting to draw you near. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na ilibot ang tingin sa buong paligid pati na rin sa itaas na parte ng interior balcony. Just in time, dumating bigla si Isandro. He was trying to make his way through the guests para makarating sa aking pwesto! “Oh, sh*t, Niv! Sorry, I lost my freaking way! Nakakaligaw itong mansyon n’yo,” sabi niya at pawisan pa yata sa pagmamadali. He probably heard he’s being called already! Ngumiti na lang ako kahit nawawala na rin sa momentum. Parang may kung anong humahatak sa aking atensyon sa paligid na hindi ko matukoy kung saan. “Ayos lang, Sandro. Nakakalito talaga rito,” sabi ko dahil malaki talaga ang bahay. We even have a large double-level interior balcony, katapat ng grand staircase. “Shall we dance?” tanong niya at hinahagilap ang aking tingin. Inayos niya rin ang buhok at hinarap ako. Tumango ako ngunit medyo wala sa sarili. Hawak ko ang mga red roses na natanggap pero parang may kung anong mahikang nangyayari sa paligid. I feel very unsettled! Ngumiti ako kay Isandro. Kinuha niya nga ang kamay ko at nagsimula na rin ang tugtog. Everyone’s ready to watch us with this slow dancing. “You’re so beautiful, Niv...” Napakurap-kurap siya at hinagod ako ng tingin na may paghanga. Binalik ko ang tingin sa mga mata niya. “Thank you, Isandro... you look so good, too...” puri ko. He’s tall, has fair skin, and pretty hazel eyes. May pagka-blond din ang kaniyang buhok at dahil din sa friendly smile ay mas nagmumukha siyang mabait at alam mong palabiro. May lahing Italian ang kaniyang ama. Isandro Di Angelo is probably one of the most handsome men of my age. Nagsimula kaming sumayaw. Ngumingiti ako at dinidirekta sa kaniya ang aking atensyon sa kabila ng tila nanghahatak sa paligid. I don’t know why. It just felt like that. “I’m sure your dad will like me... wala nang makakahadlang sa ‘tin. Magkikita na tayo kung kailan natin gustuhin,” marahan niyang sinabi at malumanay rin ang ngiti habang isinasayaw ako nang dahan-dahan. For a moment, I felt like a true princess. Nasa aking harapan ang prinsipe at isinasayaw niya ako. Ngumiti ako at tumango sa kaniya. “Yes...” napapalunok kong sinabi at ayaw na pangunahan ng takot sa maaaring reaksyon ni Daddy. Nanatiling magkahinang ang mga mata namin ni Isandro habang sinasayaw niya ako. He spinned me and our eyes met again. Dahil sa ilaw na nakatutok sa amin, siya lang din ang nakikita ko. “Ang ganda mo talaga, Sunny...” bulong niyang muli. Ngumiti ako at nagpasalamat. Magkahawak pa rin ang kamay namin. Inikot niya akong muli ngunit saktong pagharap ko sa kaniya at bago pa muling maghawak ang mga kamay namin, biglang namatay ang ilaw sa buong paligid, dahilan para awtomatikong napahinto ang aming pagsasayaw dahil nawala rin ang tugtog! Natigilan ako. My lips parted. Biglang nagkagulo sa paligid at sa dilim, bigla ring nawala si Isandro! Tumili ang ilan at mukhang nagkatakbuhan na habang naiwan ako sa gitna! “Sunny!” sigaw ni Daddy na humalo lang sa sigawan ng mga bisita. Hinanap ko si Isandro sa dilim but it was impossible. Bigla na lang siyang nawala at parang may kumuha sa kaniya! Nilibot ko ang tingin sa paligid nang bumukas muli ang ilaw na nakatutok dito sa kinaroroonan ko. Sobrang dilim ng paligid at ako lang ang naiilawan. My eyes widened, my throat tightening, as I scanned the room and caught sight of the upper balcony. Sa tapat ko lamang ay nasisiguro ko na may nakatayo roon. I caught a glimpse of a... man’s figure. May malaking bintana roon na siyang pinanggagalingan ng tanging liwanag mula sa matingkad na buwan. Ako lang din ang makakakita lalo pa’t ako na lamang ang nandito sa gitna at nagkagulo na ang mga bisita sa party ko! Pilit ko iyong inaanig ngunit namatay ulit ang ilaw. Napalingon ako sa paligid. “I-Isandro?” kabado kong tanong. Ngunit bago pa ako makakilos muli, isang pares ng kamay ang umikot sa aking bibig at tinakpan iyon. Napasinghap ako at agad napahawak doon. Fear immediately dawned on me, at doon ay agad kong sinubukang manlaban at pumiglas! Nakulob ang sigaw ko. Alam kong malakas ang kung sinumang may hawak sa akin ngayon. I was being dragged out of my own party! Hindi na lang iisa ang naramdaman kong may hawak sa akin. May pwersa ang pagkuha nila para dalhin ako palabas. Sinubukan kong mas pumiglas ngunit nakukulong ang aking sigaw at nanunubig na rin ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit hindi rin sila nahihirapan man lang sa aking suot. It told me that maybe… maybe this was planned. They knew what to do! “Let me go—hmm!” Pilit kong inaalis ang nakatakip sa aking bibig ngunit sadyang malakas sila. Tears rolled down my cheeks, powerless against their hold. Nang akala ko ay tuluyan na nila akong madadala palabas ng portico, bigla na lamang silang napatigil. Madilim na rin sa labas dahil dito sa loob ginaganap ang party. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, but they immediately stopped dragging me. Halos napaluhod ako at bumagsak sa panghihina, napahawak sa sariling leeg at pilit na binabawi ang paghinga habang lumandas ang luha sa aking mga mata. Para nang sumasayaw ang paligid. My vision blurred as I struggled to catch my breath. Narinig ko na lamang ang pagtatanong nila sa kung sino at kasunod niyon ay isang malalim at malamig na boses ang nagsalita. “Let her go, or I’ll f*****g blow your skulls open.” It was cold and dangerously intense. Mahina ngunit malinaw. Nagtayuan ang balahibo sa aking batok dahil sa boses na iyon na nanggaling sa aming harapan! Nagsalubong ang mga kilay ko at sa nanlalabong mga mata at umagos na luha, pilit akong nag-angat ng tingin upang aninagin siya. He stood against the moonlight, and I could barely make out any details of his face. All I saw was his tall, dark, lethal silhouette. Hindi nagsalita ang mga lalaking tumangay sa akin. Tuluyan na rin akong napapaluhod dahil sa paglabo ng aking mga mata, I realized I had inhaled some chemicals that made me dizzy. “Don’t make me repeat myself.” Mas malamig at matalim iyon. Buo ang kaniyang seryosong boses na nakakapanindig-balahibo. Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay, binitawan na rin ako ng mga lalaking iyon. They ran, retreating like cowards. Naiwan kami ng taong iyon na nasa aking harapan. Tall and dangerous, he loomed before me. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang baril na nakatutok sa lalaking may hawak sa akin kanina. He wore a dark suit that hugged his frame. His black leather shoes glimmered in the shadows. He stood tall and still, yet his presence alone sent those men fleeing and made my blood run cold. Before I could even slip into unconsciousness, naramdaman ko na lamang ang kaniyang paninitig sa akin. Sinubukan kong mag-angat ng tingin at hindi ko na alam kung nagsalubong ba ang aming mga mata. He was just watching me as though he were a beast savoring the moment he found his prey. “Krasivaya…” he whispers raspily, a hint of a smile in his voice lingering in the darkness. W-Who is he?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD