"This is your new place now," kaswal na wika ni Macky.
Marahang umikot ang paningin niJhirus sa kabuuan ng unit na iyon na nasa ikalimang palapag ng tenement building na iyon.
Maliban sa mahabang telescope, binocular na may zoom-in lens, at ilang two-way radio, digital camera, mga nakakahon pang surveilance camera na nakapatong sa mesang nasa tabi ng tinted na sliding window, ilang TV monitor, wala ng ibang gamit na naroon.
It was a studio type unit ba may sulat na limampung metro kuwadrado.Naroon na ring ang lababo at tabi ay isang pinto na para sa banyo.
Sa isang sulok ay may nakarolyong kitson at nakaplastic pang kumot at dalawang unan.
"What can you say?" untag ni Macky sa binata.
"Fine. Okay na ako rito."
"Good! Ipapa deliver ko na lng ang isang personal ref para makapag imbak ka naman ng pagkain at drinks mo para hindi mo na kailanganin ang lumabas palagi.
"Okay."
"So I have to go."
"Okay,bahala na ako rito. Tatawag na lang ako sa iyo every now and then para ipaalam ang mga development ng kaso."
"Okay do that."
Nang makaalis na si Macky ay humakbang na palapit ng sliding window si Jhirus at sumilip sa labas, particular sa katapat na bahay na iyon na nasa isang maluwang na solar sa kabilang panig ng kalsada.
It was a three story house na marahil ay one thousand square meters ang floor area sa bawat palapag.
At very huge house para sa tatlong miyembro ng pamilya na ayon sa report ay may -ari ng malking bahay na iyon.
Pero ngayon malayang namamasdan ni Jhirus ang paligid ng solar,ilang tao na mahigit dalawampu ang natatanaw niyang palakad lakd sa kabuuan ng solar na tila ba may binabantayan.
Bawat isa ay may sukbit sa balikat na malalakas na kalibre ng baril maliban pa sa mga nakasuksuk sa baywang ng mga ito.
Over-all black leatherbang suot ng mga ito at may suot na black cap. May naka fatigue uniform, at naka-full-battle gear na tila sasabk talaga sa giyera.
Sa unang tongin pa lang ay mahihinuhangmga security guard ito ng bahay na iyon.
Isa ang napatingin sa gawi ng building na kinaroroonan ni Jhirus. Bahagya siyang napaigtad sa isiping baka nkaita siya nito.
Pero sita rin ang nakaisip na imposible iyo dahil makapal na tinted ang salamin ng sliding window.
Naiiling na dinampot niya ang binocular para sipatin pang mabuti ang maluwag na solar.
Mahigpit ang bantay, ah. Mukhang walang malulusutan sakaling tangkain kong pasukin ang malaking bahay. Hmmm... exciting ito.Mukhang mag eenjoy ako sa bagong misyon ko. The more naa mapanganib, mas gusto ko. Tingnan nga natin kung hanggang saan ang galing mong lumusot, jhirus Montella,
hamon niya sa sarili.
Pagkuwa'y nagpatuloy siya sa pagmamasid sa palaigid, habang nagsisimula na rin siyang magplano ng mga dapat gawin.
Kunsabagay, may hihintayin siyang go-signal mula sa DPA nilang nasa loob ng malaking bahay na iyon.
Ihuhudyat nito kung kailan at gaano katagal siyang pwedeng pumasok sa maluwang na solar na iyon na hindi siya manganganib sa mga bantay at sa mga spy-cam na nakakalat sa paligid.
"What is the situation there, tracy?"
"Everything,s okay, sir.. So far, no ubtoward movements outside the vicinity. Okay naman ang mga tao natin. Aleryo sila sa lahat ng mga kaganapan. Nasa tamang lugar ang mga bantay. Okay din ang operation sa illalim. The stuffs will be deliver on the right time, I can assure you that, sir"
"That's nice to be hear. Talagang maaasahan kita. Anyway, after this operation ay makakapagbakasyon ka na ng dalawang linggo. Pangako ko iayan sa iyo."
"Thank you, Sir."
Marami pang sinabi at ibinilin ang kausap niya bago ito tuluyang nagpaalam.
Nang mai-off na niya ang kanyang cellphone ay muling hinarap ni Tracy ang mga monitor na kaharap.
Bawat bahagi ng malkaing bahay, maging ang loob at labas ng maluwang na solar ay may nakatutok na surveilance camera kaya napapanood niya ang bawat galaw at kilos ng mga tauhan niya.
So far, mukhang okay naman ang paligid.Pwede niyang iwanan muna ang security room para makasagap naman ng sariwang hangin sa labs.
Ilang bantay ang naraanan niya sa mahabang pasilyo, mayroon din sa kanugnog na teresa.
"Pagbutihin ninyong pagbabantay, ha?" bilin niya sa mga iti na magalang na sumasaludo sa kanya.
"Yes, Ma'am!"
Dumeretso na siya sa teresa kung saan mayroong divan na nakaharap sa parteng kanluran.
It's five-fifty-five in the afternoon, nagsisimula nang lumubog ang maningning na araw sa magakatabing bundok na abot- tanaw sa kanyang kinaroroonan.
That was her favorite scenery. Ang panoorin ang matulaing paglubog ng araw sa dapit hapon.
Hindi noya alam kung bakit, but she was amazed with the scenery.
Marahang umihip ang hanging-panghapon,dumapyo sa kanyang mukha at animo naglalarong tinangay ang mahaba niyang buhok.
Napapikit si Tracy. Bahagyang nagluwag ang kanyang kalooban naa kanina pa nagsisikip dahil sa maghapong pagkakakulong sa security room.
Hinayaan lang niyang tangayin ng hangin ang kanyang buhok at ipinikit ang mga mata....
Bahagyang napapitlag si Jhirus mula sa pagkakasilip sa binocular nang mahagip ng lens niyon ang isanf magandang pigura.
Saglit niyang inilayo sa mga mata ang binocular at tiningnan ang parte ng terasa na nakaharap sa kanluran.
Isang babae nga ang nakita niyabg nakatayo roon at nakapikit na tila ba siyang-siya na langhapin ang hanging dumadapyo sa maganda nitong mukha.
Pagkuwa'y muling sumilip sa binocular ang binat, at sa pagkakataong iyon, pinisil niya ang button ng zoom-in lens para mas makita niya ang mukha nito.
Oh! What a beauty, huh! Sino kaya siya?
Pagkuwa'y ilang samdali rin soyang nalibang na pagmasdan ang kagandahang iyon.
At nang akmang aalis na sa teresa ang babaeng tinatanaw, may umahong pagtutol sa kanyang dibdib.
Huwag!
sigaw ng kanyang isip.
Pero tumalikod na ang babae at humakbang papasok sa loob ng bahay.
Ilang sandali na itong wala sa kanyang paningin ay hindi parin niya maibaling sa ibang panig ang hawak na binocular.
Sino kaya siya? Ang ganda niya, ah! Ano kayang ginagawa niya sa lugar na iyon? Pero hindi naman siya mukhang bisita sa bahay na iyon, ah. At ang suot niyang damit.......over-all black leather na kagaya ng ....mga bantay na lalaki sa paligid.
Natigilang umalis sa bintana si Jhirus at naupo sa nag-iisang bangko na naroon.
Hindi niya alam kung bakit may nadama siyang kabigatan ng loob sa realisasyong kabilang ang babaeng iyon sa mga lalaking bantay ng maliwang sa solar na iyon.
Gabi, tahimik na tahimik ang paligid.
Walang maririnig maliban sa mga huni ng panggabing kulisap at iba pang hayop.
Mula sa kabilang panig ng kalsada ay isang anino ang mabilis na nakatawid at nakalapit sa mataas na pader na nakapalibot sa amluwang na solar.
Gumawi ito sa parteng may nakayungyong na malalabay na sanga ng punong nasa looban. Doon ito naglambitin sa isang sanga para makatuntong sa mataas pader na marahil ay may walong talampakan ang taas.
Pero hindi ganoon kadali tumuntong sa pader dahil may mga bubug na nakatanimsa ibabaw niyon maliban pa sa nakapaligid na barbed wires.
Pero napaghandaan na ng pangahas ang bagay na iyon. Ang suot nitong black leather na pantalon na nakapaloob sa boots na gawa sa isang uri ng synthetic material na hindi tatalaban ng anumang matulis o matalas na bagay.
Nabali lang ang mga bubog na tumusok sa talampakan ng suot nitong boots, habang napatid lang ang mga barbed wire na tinuntungan nito.
Ilang sandaling nagmasid sa kabuuan ng maluwang na solar ang anino, pagkuwa'y inilagay na nito sa isang panig ng sanga ng malaking puno ang isang maliit na spy-cam.
At nang matiyak nitong walang bantay sa parteng iyon ay lumundag na sa madamong bahagi.
Saglit na nakiramdam at naasid sa paligid, nang masigurong wala pa ring nakakapuna rito ay animo hangin na mabilis na tinakbo ang malayong distansiya ng pader at tagilirang bahagi ng malking bahay.
Matagumpay itong nakalapit sa gilid ng bahay, pagkuwa'y gamit ang arrow gun na ang bala ay may nakataling pinong lubid na animo string lang sa nipis, nagawa niyang makagawa ng magagamit na paglalambitinan para makaakyat sa teresa na nasa ikalawang palapag ng bahay na iyon.
Animo pusang naglambaras doon ang pangahas hanggang makaakyat sa teresa.
Gamit ang isang master key, nabuksan nito ang pinto papasok sa mahabang pasilyo na iyon.
Ang sumunod notong kilos ay mas naging mabilis at bihasa.
Lahat ng silid na naroon ay nagawa nitong pasukin at taniman ng spy-cam.
Ngayon ay ang mga silid naman sa ikatlong palapag ang kanyang papasukin.
Saan kaya rito ang kanyang silid?. Pero kung hahanapin ko kung saan siya naroroon, baka kapusin ako sa oras.
Naiiling na inignora na lang ng pangahas ang gustong gawin ng puso.
Minadali niya ang talagang pakay sa lugar na iyon.
Hindi lang ang ikalawa at ikatlonh palapag ang kailangang malagyan niya ng spy-cam, maging ang unang palapag at ang pinaka underground ng bahay na iyon ay kailangang matunton niya.
Ang pinakahuling bahagi ng kabahayang iyon ang importanteng mataniman niya ng spy-cam dahil naroon ang pinakamaselan na lugar na kailangang manmanan para makakuha sila ng matibay na ebidensiya kung ano talaga ang nagaganap sa malaking bahay na iyo....