SCYTHE'S POV
"UMINOM KA NG gamot sa tamang oras kung gusto mo pang mabuhay, Scythe!"
Umikot ang mga mata ko sa narinig. Hindi naman sa masama ang loob or hindi rin naman ako galit. Sadyang hindi ko lang gusto na inuulit-ulit sa akin ang dapat kong gawin.
Hindi naman ako umimik, naging abala ako sa pagsisilid ng aking mga gamit sa malaking maleta na dala nila. Wala namang saysay kung nagsasalita pa ako, siguradong hindi rin naman ako mananalo. Sa galing ng taong 'to na mambaliktad ng sitwasyon, sigurado akong sa huli, tikom muli ang bibig ko.
Ngayon na ang discharge ko sa hospital na ito. Base sa naging resulta, may ilang linggo pa ang kakailanganin ko upang tuluyang maging malinis ang aking lalamunan. Ito ay dahil sa madalasang pag-ubo na umaabot ng dalawa hanggang tatlong linggo. At hindi ito normal ayon sa doktor. Sa tuwing sisikip ang aking pahinga, sa tuwing uubohin ako nang matagal, wala akong puwedeng puntahan kung hindi ang hospital na ito.
Sila ang naka-monitor sa kundisyon ko kaya hindi ako maaaring lumipat basta-basta sa ibang hospital. At wala rin naman akong balak. Ayaw ko nang pahirapan ang aking sarili sa pagiging pasaway. Mas gusto kong sumunod dah gusto kong gumaling.
Lahat ng puwedeng gawin upang gumaling ako, ginawa ko na. I am really frustrated to get rid of this kind of illness. Hindi ko naman ito ginusto. At pakiramdam ko naman, walang may gusto na mangyari ito sa akin sino. Sadyang malas lang ako siguro at sa akin pa napunta ang ganitong klaseng sakit.
Halos milyon na rin ang nagastos ng pamilya ko, gumaling lang ako. Minsan nga, pinaghihinaan na lang ako ng loob dahil ang daming tao na nasagasaan ko ang personal na buhay para lang bantayan at alagaan ako. Hindi ko naman gusto at sinasabi ko naman sa kanila na huwag nang magsayang ng oras sa akin dahil hindi naman ako magpapasaway. Pero mas gusto nilang paglaanan ako ng oras. Bagay na talagang ikinatutuwa ngunit ikinalulungkot ko rin. They cared for me too much at hindi ko alam kung paano susuklian iyon.
Alam kong marami na ang taong nakapaligid sa akin, nagmamahal at gumagabay. Ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi humiling.
Hindi naman siguro kalabisan sa Diyos kung hihilingin kong makasama si Marcus hanggang sa huli kong hininga. Hindi naman siguro kalabisan kung hilingin ko na sana… ako na lang ulit.
Labis kong pinagsisisihan ang pag-iwan ko sa kaniya. Lalo na nang makita kong may iba na siyang kasama. Lalo na nang makita kong iyong pagmamahal niya ay nasa iba na na dating sa akin. Ang pag-aalaga niya, ang paghihintay niya, ang mga ngiti sa kaniyang mata na dati sa akin, na kay Jennie na.
Masama siguro. Kung hihilingin ko na maghiwalay sila para sa akin na siya ulit mapunta. At hindi ko lubos-maisip kung paano ko naiisip ito kahit na alam kong may masasaktan kapag natupad ang hiling ko na ito.
So I should just wait for him… wait for him to come back.
"Nakikinig ka naman ba? E, kanina pa ako nagsasalita rito, wala ka manlang imik?" Saglit ko siyang tinapunan ng masamang tingin, pagkatapos ay inismiran.
Hindi ko alam kung ilang salita na ang naubos niya at kung gaano na siya katagal nagsasalita. But I am aware of my actions. I know I am spacing out.
"N-narinig ko lahat ng sinabi mo, Kuya. H-hindi naman siguro required… na ulitin ko pa?" Hindi na ako tumingin sa kaniya nang sabihin ko 'yon. Isang damit pa ang isinuksok ko sa aking bag atsaka ito tuluyang sinara. Napansin ko namang ayos na lahat ng aking gamit. "Ehem… t-tara na. Gusto ko nang umuwi," saad ko habang gumagaralgal ang aking mahinang tinig dahil sa paos.
Hindi ko maaaring pwersahin ang sarili ko sa pagsasalita. Hindi rin pwede na masyado kong hindi ginagamit ang aking lalamunan. Kung magsasalita man ako, kailangan mahina lang. Sapat lang upang marinig nila ako.
Noong mga nakaraang linggo, hindi talaga ako nakakapagsalita. Mabuti ngayon at um-okay okay na ang pakiramdam ko. Ang lalamunan ko at ang baga ko.
Nauna akong maglakad sa kay kuya palabas ng kwarto. Sakto namang nakasalubong ko si Doctor Tuazon na siyang tumitingin sa aking kondisyon. Hindi ko naman siya private doctor pero kung asikasuhin niya ako, para bang isa akong miyembro ng pamilya niya. Ni hindi niya nga ako tinuring na iba. Ako pa nga ang prayoridad niya na lubos ko namang ipinagpapasalamat.
Hindi rin siya naniningil ng doctors fee. Tanging ang mga bills lang sa mga gamot na sinasaksak sa akin at ang pananatili ko rito ang siyang binabayaran ng pamilya ko. Lubha iyong nakabawas sa gastusin namin.
"Doc, alis na po ako," paalam ko at yumuko nang bahagya upang magbigay galang. Natawa naman siya sa inasal ko kaya natawa rin ako.
Sa kakanood ko ng kdrama kapag wala akong magawa, minsan nagagaya ko na ang pagsasalita nila at gestures. Iyon kasi ang paraan ko para mabigyang aliw ang sarili kapag tulog ang nagbabantay sa akin at nakahiga lang ako sa puting hospital bed na iyon.
"Huwag ka na sanang bumalik dito, Scythe. Nakasasawa nang makita ka rito," natatawang biro niya sa akin saka tinapik nang bahagya ang balikat ko. "Take your medicine on time. Don't skip meals and be healthy," seryosong dagdag niya pa. Bumaling naman siya kay Kuya Sehun.
Nagpalitan sila ng isang makahulugang ngiti bago kami muling nagpaalam at nagtuloy na sa paglalakad.
"Narinig mo 'yong sinabi ni Doc Tuazon?" pangungulit niya na naman sa akin. Hindi ko siya pinansin at mabilis na nilisan ang gusaling iyon. Naramdaman ko pa ang bilis ng kaniyang yabag na halatang hinahabol ako. "Tingnan mo 'tong babaeng 'to! Hoy, hintay!"
Bahala ka sa buhay mo. Masyado mong ginugulo ang isip ko.
Sa paglalakad palabas ng ospital ay hindi ko maiwasang hindi maging ignorante muli sa tunog ng mga sasakyan. Para bang sa tuwing lalabas ako ng ospital na ito ay palaging may bagong balitang sasalubong. May bagong pangyayari ang siyang hindi ko alam kung kailan nag-umpisa.
Pabalik-balik ba naman ako sa hospital na ito. At kung minsan, hindi lang linggo ang tinatagal ko kundi buwan. Kaya naman, magtataka na lang ako palagi sa paglabas ko. Dahil ang dating lupang tinatapakan ko, nagiging sementado.
"Ma'am Scythe, uuwi na po pala kayo?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Bumakas naman ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang isang may-edad na lalaki. Moreno at singkit ang mga mata. Papunta siya rito sa gawi ko. Kinuha niya ang ilang gamit na nasa akin na hindi naman kabigatan kaya dinala ko pero kinuha niya pa rin.
"Oo, gusto ko na rin kasing gumaling," sagot ko kay Mang Lupe. Isang head utility sa ospital na ito. Sa lahat ng utility man ay siya ang pinaka-close ko. Sa ilang taon kong pabalik-balik sa lugar na ito ay hindi nakapagtatakang malapit sa akin ang mga taong nandito. Maski ang batang nagtitinda ng kendi sa tapat ng ospital na ito ay kilala ako. Gano'n na nga siguro katagal ang sakit ko. Sana man lang, may lunas pa para mawala ito.
"Kumusta po, Mang Lupe?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa kung saan ang gawi ko.
"Masaya ako at aalis ka na rito, Ma'am."
Napangiti ako sa tinuran niya. "Hindi man ito ang huli nating pagkikita, sana sa susunod, hindi na sa lugar na ito."
Pinagmasdan kong muli ang hospital sa abot ng natatanaw ko. Hindi man ang kabuuan niyon, sapat na iyon upang makabisado ko sa aking isip ang disenyo nito. Ayaw ko nang bumalik dito.
Kinamusta ko lang sandali si Mang Lupe at nagpaalam na ako sa kaniya. Malungkot man ang kaniyang mukha ay alam kong masaya rin siya dahil palabas na ako sa gusaling ito. Maiiwan ko man siya ngunit alam niyang lalakas ako. Hindi naman ito ang huling beses na magkikita kami. Sa susunod, pupunta ako rito. Hindi bilang pasyente kundi bilang isang kaibigan na bibisita sa kanila at kukumusta.
Habang naglalakad sa pasilyo palabas ay siya namang pagkunot ng noo ko dahil sa aking nakita. Malayo pa man sa entrance, kakatwang nakilala ko na kung sino ito. Si Jennie na siyang papasok naman habang palabas ako. Hindi ko mawari ang kabang namutawi sa aking dibdib nang magtama ang paningin namin. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito ngayon pero parang may nagtutulak sa akon na alamin ang dahilan ng pagpunta niya rito. Ilang segundo lang ay nasa harap na namin ang isa't-isa.
"Oh, Scythe? Hi! I'm Jennie. Nakikilala mo pa ba ako?" masiglang bati niya.
Wala namang rason para hindi ko siya pansinin kaya naman, nginitian ko siya at tumango. "Oo, ikaw iyong girlfriend ni Marcus, 'di ba?"
Gumuhit ang ibayong sakit sa puso ko nang sa akin mismo manggaling ang salitang iyon. Para bang nagsasalita ako ng mga bagay na ayaw ko namang sabihin. And it really breaks my heart into pieces. Talagang galing sa akin iyon?
Wow! Masyado naman yata akong masokista?
Pero kahit na ganoon, hindi ko naman ipinakita sa kanya na nasaktan ako. Hindi ko rin naman alam kung may alam ba siya sa nakaraan namin ni Marcus. O kung alam niya ba na ako ang pinakamamahal ni Marcus noon.
"Palabas ka na? Buti naman. Congrats, Scythe! Hope you get well really really soon," dagdag niya pa. Hinahanapan ko siya ng butas para mahimigan ang kaplastikan sa kaniya pero sadyang hindi ko iyon nakikita.
Pakiramdam ko tuloy, ang sama-sama ko dahil pinag-iisipan ko ng masama ang isang taong napakabait naman.
Hindi ko maitatangging may pagka-ilang sa sistema akong nararamdaman. "T-thanks, Jennie." Iyon na lang ang nasabi ko dahil para akong nahiya sa pagiging mapanghusga kong tao. Kaya siguro ako binigyan ng ganitong sakit dahil hindi ako kasimbait ng kaharap kong babae ngayon.
Kaya siguro siya nagustuhan ni Marcus dahil maganda na nga siya, mabait pa. Bagay na hindi ako.
Hindi ako mabait. At lalong hindi ako maganda. Lalo na sa sitwasyon ko ngayon dahil masyado nang bumaba ang timbang ko. Masyado na akong pumayat dahilan upang hindi ko na makilala nang maayos ang sarili ko. Lubha akong nakakaawa kung titingnan. Ganoon talaga siguro dahil nangangayayat na ako. Maputla na rin ako at nangingitim ang mga mata ko dahil may mga oras na hindi ako makatulog.
Walang-wala na ako kumpara kay Jennie kaya paano ko ipaglalaban si Marcus?
Nanatili lang kaming nakatayo habang nakaharap sa isa't isa. Awkward ang pakiramdam dahil animo'y balisa siya at hindi mo maintindihan kung may sasabihin pa o wala na. Kaya naman, ako na ang bumasag ng katahimikan. Mukhang ayaw niya pa namang umalis sa harap ko at puntahan ang kanyang pakay. Minabuti ko na lang na usisain ang dahilan ng pagpunta niya rito para naman, matahimik ang isip ko mamaya. Sigurado kasi akong iisipin ko ang dahilan ng pagpunta niya rito kahit hindi naman dapat.
"Anyway, w-what are you doing here?" tanong ko para naman humaba ang usapan namin. Buhat pa man no'ng palapit pa lang siya ay napansin kong mag-isa siya. Nilinga-linga ko pa ang paligid ngunit hindi ko makita ang dapat sana'y kasama niya. "Hindi mo yata kasama… iyong… boyfriend mo?"
Na ex-boyfriend ko. Siyempre hindi ko na isinama iyon. Malay ko ba kung may alam siya sa amin ni Marcus.
Nasamid ako sa sarili kong sinabi kaya naman, pumihit ako patalikod sa kaniya saka roon umubo nang umubo. "I'm s-sorry," saad ko. Napalitan ang mala-anghel na mukha ni Jennie ng isang nakabusangot na itsura.
"Ah— that?" Nakita ko ang pagdadalawang-isip sa mukha niya kung sasabihin ba niya sa akin ang dahilan ng pagparito niya o itatago na lang sa sarili. Sasabihin ko na sana sa kaniya na huwag nang sabihin kung hindi naman siya kumportable ngunit bigla siyang nagsalita ulit. "I feel dizzy everyday. Headaches and stomach aches really ruined my day. Isabay mo pa ang pagsusuka ko kahit wala naman akong kinakain!" inis na turan niya na napahawak pa sa kaniyang tiyan.
Bigla ay kinabahan ako sa kaniyang tinuran. Wala pa man o hindi pa man kumpirmado ay malakas ang kutob ko na tama ang aking hula.
Nanlaki ang mga mata kong tiningnan siya. Taka naman itong tumingin sa akin. Hindi ko maiwasang mapaisip ng kung ano dahil sa sinabing niyang dahilan at narito siya.
Sumiklab ang apoy sa aking katawan na animo'y nilalagnat ako nang malala. Parang gusto kong bumagsak na lang sa kinatatayuan ko ngayon. Parang bigla akong nanghina matapos mailarawan sa aking isip ang kaniyang sinabi. Hindi ko kaya, parang hindi ko matanggap. Hindi ko maigalaw ang aking mga kamay. Nakapako lamang ang paningin ko sa kamay niyang hawak-hawak ang kaniyang tiyan.
Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kaniya at sa tiyan niya. "Ah— I'm sorry but…" inihinto ko ang dapat sana'y sasabihin nang maramdaman kong muli ang pangangati ng lalamunan. Inis akong tumalikod saka bumuga nang sunod-sunod na ubo roon. Nang matapos ay muli akong humarap sa kaniya. "W-when was the last time you had a m-menstruation?" kabadong tanong ko.
Sana mali ang iniisip ko. Sana hindi ito ang dahilan niya. Sana iba. Sana hindi iyon. Sana may nakain lang siyang hindi angkop sa tiyan niya ay ganiyan ang nagiging reaksyon.
Sana hindi siya buntis. Sana hindi iyon tulad ng iniisip ko.
Bigla ay parang gusto kong maiyak habang hinihintay ang sasabihin ni Jennie. Naging mabagal sa akin ang paghihintay dahil ramdam ko ang magkahalong pananabik sa kaniyang sasabihin at takot na malaman ang totoo.
Ilang beses akong huminga nang malalim at panaka-nakang dahan-dahang ibinubuga iyon para mabawasan man lang ang kabang nararamdaman ko.
"Oh t-that? Kailan nga ba?" Inilagay niya pa ang hintuturo sa kaniyang pisngi at kunot-noong tumingin sa kawalan. Halatang iniisip niyang mabuti ang tanong ko. "I think…" pambibitin niya. "Oh my God!"
"Bakit?" sunod-sunod akong napalunok.
"My last menstration was about two months ago. Oh my God!" bulalas niya.
Doon ako nagsimulang pawisan nang malamig. Pagpawisan maging ang mga palad ko at ramdam ko maging sa talampakan ko. Parang gusto ko na lang maglumpasay sa harapan niya. Lalo na nang makita ko ang pagngiti dulot ng kasiyahan sa labi niya.
Gusto kong hilingin na hindi totoo ang naiisip naming dalawa ngunit pakiramdam ko, wala naman ng kwenta ang paghiling niyon gayong maski siya, ramdam nang may laman ang sinapupunan niya
Baka nga buntis siya… at si Marcus ang ama.
At ang masakit pa...
Iyong hinihiling ko, sa ibang tao natupad.
Oo, hiling ko kasi iyon. Sa oras na tuluyan na akong gumaling at wala na akong iniinom na gamot, gusto kong magkaroon ng anak kay Marcus. Kahit anak lang, kahit hindi na kasama sa magiging buhay namin ang ama nito. Kahit walang sustento. Kahit hindi kami magkakasama sa bahay. Ang gusto ko lang ay anak, mula sa lalaking mahal ko.
At kahit hindi pa ako magaling, gusto kong mangyari iyon. Para kahit mawala man ako sa mundong ito, may papalit sa akin na siyang pwedeng mahalin ni Marcus kahit hindi na ako.
"W-well… baka iisa tayo ng iniisip. S-sige na. Uuwi na ako. Magpa-check up ka na. Balitaan mo na lang ako sa resulta. C-congratulation in advance kung totoo man ang nasa isip ko," saad ko saka pilit na ngumiti sa kaniya. Hindi ko naman pinaramdam at pinahalata na hindi tunay na masaya ang ngiti ko. Dahil ayokong maramdaman niya na hindi ko gusto ang pagbubuntis niya.
Ayos lang naman sa akin. Nalulungkot lang ako. May dahilan ulit upang ipamukha sa akin ng mundo na hindi na kami pwede ng lalaking mahal ko.
"Mukha ngang parehas tayo ng iniisip, Scythe," aniya kasabay ng pagtawa. Animo'y kinikilig pa. "ige na. Mauuna na ako. Pagaling ka!"
"ANG TAGAL ninyo naman!" Bakas ang pagkainip sa mukha ni kuya nang mahinto ako sa kaniyang harapan. Tiningnan ko lang siya saka sumakay sa kotseng nasa tabi niya.
Hindi ko namalayang nauna na pala siya sa akin dito sa labas. Ang akala ko kasi, nasa likod ko pa siya. Hindi ko namalayan na ang tagal ko nga pala sa loob ng hospital dahil ang dami ko pang nakasalubong. Napansin kong naroon na rin sa loob ng sasakyan ang mga gamit kong kinuha ni Mang Lupe kanina. Siya na pala ang naghatid dito.
Nagulat ako nang matanawan sa loob ng sasakyan ang bunso naming kapatid na babae. "Oh? Akala ko si Bruno ang susundo sa amin?" tanong ko kay Sceena. Hindi siya nakatingin. Abala siya sa paggugupit ng kaniyang kuko na pudpod na.
"Hindi siya puwede ngayon. Umatake na naman ang sakit niya," maarteng saad nito at muling itinuon ang atensyon sa paggupit ng kuko.
"Kahit kailan talaga 'yon," anang kuya na nasa shotgun seat. Bakit kaya hindi pa siya ang magmaneho? Talagang tiwalang-tiwala siya sa driving skills ng bunso naming kapatid? Sabagay, siya nga pala ang nagturo dito.
He must be really proud. Pero hindi, eh. Magkaaway ang dalawang iyan. Utos lang ng daddy na turuan ni kuya si Sceena na magmaneho ng kotse kaya wala namang nagawa ang panganay kundi ang sundin si daddy. Kaya heto, kunwari lang silang maayos pero ang totoo, halos magsaksakan na silang dalawa.
Bumuntong hininga ako. Sumakay na ako ng kotse sa may likurang bahagi kung saan nakalagay ang ibang mga gamit ko.
"Oh, siya. Ihahatid ko muna kayo at may pupuntahan din ako." Inilapag niya ang hawak na nail cutter sa maliit na compartment ng kotse atsaka nagsimulang magmaneho.
"Bakit kasi ikaw pa sumundo sa amin?" tanong ni kuya kay Sceena.
Inirapan siya ng bunso naming kapatid.
Noon pa man ay hindi na sila magkasundo dahil isang panganay at bunso naman si Sceena. Hindi sila puwedeng magbigayan dahil may pare-parehas silang katwiran. Bagay na sa tingin ko, para lang sa mga isip-bata ang utak. Masyado silang masakit sa pandinig lalo na kapag nagsusumbatan. Pareho kasi silang may mga sinasabi dahilan para upang ipaglaban ang kanilang karapatan at posisyon sa bahay.
Si kuya raw ang panganay kaya siya dapat ang nasusunod. Dapat lahat daw ng iutos niya ay susundin naming dalawa ni Sceena dahil mas bata kaming dalawa sa kanya. Kumbaga, siya raw ang leader at kami raw ang followers.
Si Sceena naman ang bunso kaya dapat siya lagi ang pinagbibigyan. Kumbaga, siya ang baby. And the baby should be a baby. Lahat dapat ng gusto, nasusunod.
At akong pangalawa…
… ay walang pakialam sa kanila. Nasa gitna lang nila akong dalawa. Wala naman kasi akong pwedeng kampihan. Ang hirap maging pangalawang anak tapos nasa gitna pa. Hindi ko alam kung kanino ako kakampi dahil pinapakampi nila ako sa kanilang dalawa. Sino raw ang mas gusto ko sa kanilang dalawa.
Lagi ko na lang sinasabi na wala. Parehas silang ayaw ko. Dahil hindi naman sila papayag na pareho ko silang gusto. Dapat daw isa lang. Edi wala na lang para walang talo. So childish!
"May magagawa ba naman ako? E, si Daddy ang nag-utos. Wala na naman akong palag, 'no!" Paghihimutok niya saka itinuon ang atensyon sa kaniyang cellphone. Saglit niya itong pinasadahan ng tingin at muling inilapag.
Tama siya. Si Daddy lang ang may kakayahang pasunurin siya. Hindi ko alam kung bakit malaki takot ni Sceena kay Daddy dahil mabait naman ito sa amin. Hindi kami pinapalo at lahat ng gusto, ay nakukuha namin.
"Edi sana tumanggi ka,"
"Labag sa loob kong sunduin kayo't may sari-sarili naman tayong kotse! Ikaw, Kuya! Ilang linggo na ang kotse mo sa talyer, wala ka pa ring balak kunin?" malakas na turan ni Sceena. Hindi naman siya pinatulan pa ni Kuya. "Aba! Ang ganda-ganda ng kotse mo, ipagkakatiwala mo lang sa mga tao sa talyer? Ba't hindi ka mag-aral kung papaano ayusin ang sariling kotse—"
"Ang daldal mo, Sceena! Bilisan mo na't gusto ko nang magpahinga!" pigil ko sa kaniya.
Walang araw na hindi tumalak ang isang ito. Nakakapagtakang hindi siya iniiwan ng boyfriend niya nang dahil sa talas ng kaniyang dila. Kulang na lang, gawin niyang kutsilyo ang dila niya paghiwa dah napakatalas niyon. Masyadong madaldal at bungangera.
Well, baka sumabog bigla ang boyfriend niya kapag nagkataong iwanan nito si Sceena. At hindi lang boyfriend niya, baka magliyab ang bahay nito sakaling iwan niya ang kapatid ko. Palaban pa naman ugali nito.
"Sino ba namang may ayaw magpahinga? Tsk!" Dinig ko pang aniya kahit bumubulong lang ito. Hindi ko na lang pinansin dahil ayokong ma-stress sa dalawang nasa harap ko.
Ilang minuto pa ang lumipas ay narating na namin ang bahay. Sinalubong naman kami ni Mommy at Daddy. Nagpakuwento ng kung ano-ano kay Sceena.
Hindi na ako nakihalubilo pa sa kanila dahil mas gusto kong manatili sa kuwarto. Doon ko kasi mas nararamdaman ang salitang 'pahinga'. Kakatwang nasa kwarto na nga ako sa loob ng hospital, pagdating dito sa bahay, kwarto pa rin ang hinahanap ko.
Nagpaalam na ako sa kanilang magpapahinga ngunit nang lumapat ang aking likod sa malambot na kama, hindi ko maiwasang isipin ang pagbubuntis Dara.
Muling sumilay sa akin ang lungkot. Dahil alam kong kapag pinagpatuloy ko ang hangarin na makuha si Marcus, makasisira ako ng isang pamilya.
Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba… o bibitiw na lang ako nang tuluyan?
Nasasaktan ako sa katotohanang iniwan ko siya nang walang sapat na dahilan. At ngayong babalik ako sa kaniya, parang ako pa ang pinakanasaktan.