Sa buong klase na nagdaan ay hindi ko man lang nakita ang anino ni Joyce. Hindi kasi ako sanay na hindi man lang makita si Joyce kapag nandito ako sa campus. Tuloy ngayon ay naging tahimik ang buong paligid ko. Kahit na lunch break na ay hindi pa rin siya nagpapakita at nabanggit din kanina ng mga prof namin na cutting classes ang ginawa ni Joyce dahil may nakakita sa kaniya na nandito siya sa loob ng campus kaninang umaga at kapag pumasok na siya ay ipapadala siya sa detention room para sa penalty. 'Saan naman kaya siya pumunta?' Sabi ni Freed ay kasama ni Joyce si Six, nag-aalala ako na baka kung ano na ang nangyari kay Joyce habang kasama si Six. Dumiretso na lang ako sa cafeteria upang kumain. Hindi ko na hinanap sila Recco at Drake dahil wala naman silang sinabi na magsabay kam

