"Go, eat it up," utos ko kay Luna nang tingnan niya lang ako nang bigyan ko siya ng noodles na niluto ko para sa kaniya. Kung kanina ay tinanggal ko ang jacket na suot niya dahil sa init niya ngayon ay apat na jacket na ang magkakapatong na ang nakabalaot sa katawan niya dahil lamig na lamig siya. "Wala namang lason 'yan," sabi ko rito at inirapan naman niya ako bago hawakan ang kutsara at sumandok sa mangkok ng noodles pero hindi pa man nakakarating sa mismong bibig niya ang kutsara ay wala ng laman ito dahil sa sobrang panginginig ng kamay ni Luna ay tumatapon ang laman ng kutsara. Gusto ko sana siyang pagtawanan pero napaiwas ako ng tingin nang pukulin niya ako ng masamang tingin. "Try to laugh and I'll punch you." Kahit na paos ang boses ay ramdam mo ang pagbabanta sa boses niya ka

