Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatitig sa kisame. Iniisip si Luna kung kumain na ba siya, ayos lang kaya siya ngayon at kung ano ang ginagawa niya. Hindi ako makatulog dahil hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kila Recco. Hindi ako mapalagay, mas lalo akong nag-aalala. "How are you, Luna?" tanong ko sa aking sarili at itinaas ang aking kamay upang itapat 'yon sa buwan na nakasilip sa bintana ng k'warto ko. Ito na lang ang nagbibigay ng liwanag sa silid ko, ang buwan. "I miss you so much," bulong ko sa aking sarili habang nakatitig sa buwan. Habang nakatingin ako sa buwan ay walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang asawa ko, ang babaeng tanging nasa puso ko. 'Luna.' Hindi ko napansin na nakatulog na ako. Napabalikwas na lang ako nang bangon nang may

