Tahimik lang ako habang kumakain kaharap sila Luna, Rcco at pati na rin Drake. Kararating lang nila galing sa pamimili at pag-uwi nila ay may dala na silang pagkain na kakainin namin para sa umagahan. Hindi ko magawang makisali sa usapan nila dahil pakiramdam ko ay nawala ako sa mood dahil sa nangyari sa akin kanina, hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang mga bagay na narinig at nakita ko kanina sa isip ko. Sinulyapan ko si Luna at mukhang bumabalik-balik na rin ang dati niyang sigla dahil nagawa na niyang bumangon at bumaba rito sa kusina upang kumain. "Kenan, bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" tanong sa akin ni Recco nang mapansin niyang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko. Binitawan ko ang hawak kong tinidor at nagbuntong-hininga. Naguguluhan na talaga ako. "Wala akong gan

