Wala kaming ibang ginawa nila Joyce at Six kung hindi ang tumulala sa loob ng detention room habang hinihintay namin matapos ang dalawang oras. Walang nagsasalita kahit na isa sa amin, ako rin ay hindi ko masyadong pinapansin si Joyce dahil medyo nainis ako kanina nang sabihin niya ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Six. Sino ba naman ang hindi magagalit o maiinis kapag nalaman mo na pinagkakalat niyang nobyo ka niya kahit na hindi naman talaga totoo, paano na lang pala kung nakarating pa kila Recco at Drake ang bagay na 'yon? Siguradong mayayari ako kay Luna. Napabuntong-hininga na lang ako. Ngayon, imbes na nasa bahay na ako at namamahinga, hindi at nasa eskwelahan pa rin ako habang nakakulong sa detention room kasama sila Six at Joyce. Baka mamaya ay sunduin na ako bigla rito ni

