Umikot ako sa harap ni Luna upang ipalita sa kaniya ang suot kong mamahaling tuxedo. "Pangit," sabi ni Luna bago ulit lumapit sa mga tuxedo na nakasabit lang sa tabi niya. Hindi ko alam kung anong mayro'n at kailangan ko pang magpalit ng damit na ganito. Para tuloy kaming a-attend sa party at kailangan ay naka-formal attire pa kami. "Try this one." Ngayon ay inabot naman sa akin ni Luna ang isa ulit na tuxedo na kulay itim naman. Tiningnan ko ang suot kong kulay pulang tuxedo bago kunin ang hawak na kulay itim na tuxedo ni Luna at pumunta sa fitting room upang magpalit ulit. Hindi ko alam kung anong style ba ang hinahanap ni Luna para sa sa akin dahil parang pang-sampung beses ko nang nagpapalit ng tuxedo dahil kay Luna. Hinubad kong muli ang suot kong tuxedo at pinalit ang binigay

