Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya naisipan ko na bumaba muna sa baba upang tingnan ang mga kasama ko kung may gising na sila pero nakita ko na medyo madilim pa kaya mas minabuti ko na sa kusina na lang pumunta upang maghanda ng mga lulutuin. Medyo matagal na rin simula nang huli akong nagluto at na-miss ko na rin ang lasa ng luto ko, lalo na si Kenan. Pagpasok ko sa kusina nakita ko si Kenjie na nakaupo sa upuan sa lamesa habang nagkakape at nagbabasa ng d’yaryo, napatingin pa siya sa akin nang makapasok ako sa loob. “Ang aga mo naman nagising," bati niya sa akin kaya saglit akong napahinto sa paglalakad upang tingnan siya habang nagkakamot ng tiyan. "Maaga rin akong nakatulog, ikaw? Ang aga mo naman 'ata," ani ko at nagpatuloy sa paglalakad papuntang ref upang tingnan kung ano

