PAGE 3

1259 Words
Tiningnan ko sila habang nakatayo sa may labas ng bahay ko. Nakatingin lang sila sa bahay ko. “Ito na ’yon?” tanong ni Recco habang pinagmamasdan ng mabuti ang bahay na tinitirahan ko. Up and down naman ito ’yon nga lang ay pandalawang tao lang talaga ito. “Hindi na masama,” komento naman ni Drake. “Pero makakatira ka ba sa ganitong—” “Cool,” bulong ni Luna bago maglakad papalapit sa akin. “Are you leaving here for four years, right?” tanong niya sa akin kaya naman tumango ako sa kaniya “Y-yeah,” sagot ko rito. Nakakapagtaka na alam niyang apat na taon na akong nakatira rito, magkakilala ba kami o kilala niya ba ako? Weird. “Come here.” Kumapit si Luna sa aking braso na kinagulat ko dahil nararamdaman ko ’yong ano niya! Malambot! Hinila niya ako papasok sa bahay ko. “Gusto mo bang ipa-renovate natin ang bahay mo?” tanong niya sa akin habang inililibot ang paningin sa loob ng bahay. “H-hindi naman sa akin ’to,” bulong ko sa kaniya. Pasimple ko ring sinusubukang alisin ang pagkakakapit niya sa akin pero halata namang wala siyang balak na bumitaw. Masyado na akong nagkakasala. Napalunok ako bago mag-iwas ng tingin. “Kung gano’n ay nagbabayad ka pala ng renta sa bahay na ’to?” tanong niya muli sa akin at humarap ako sa kaniya na dapat pala ay hindi ko na ginawa dahil nakita kong nakatingin din siya sa akin habang may maliit na ngiti sa labi. “Tama ba?” ‘Bakit parang masaya pa siya?’ “’Di ba?” Ilang ulit akong napapikit nang magsalita siyang muli. “O-oo, tama, gano’n nga,” kabadong sagot ko sa kaniya at laking pasasalamat ko naman nang kusa siyang humiwalay sa akin. Naglakad-lakad siya habang sinusuri ang mga gamit na nasa loob ng bahay ko. Alam kong konti lang ang gamit ko rito dahil una sa lahat wala naman akong pambili ng mga gamit at pangalawa wala talaga akong hilig sa pagbili ng gamit. Namuhay ako ng apat na taon dito na ganiyan na ang mga gamit ko. Hindi naman na nagsalita ulit si Luna kaya naman mas minabuti ko munang lumabas upang tingnan sila Recco at Drake na hindi na sumunod sa amin nang pumasok kami sa loob ni Luna. Nakita ko silang nakasandal lang sa pader at halatang naghihintay lang. “May gusto ba kayo? Juice? Tubig?” tanong ko sa kanila at napalingon naman sila sa akin. “Salamat na lang,” sagot sa akin ni Recco kaya naman nangunot ang aking noo. “No, thanks,” sagot naman ni Drake na ikinatango ko. Nagkibit-balikat na lang ako bago tumayo sa tabi nila. Hindi ko alam kung ano ba ang kailangan kong gawin. Biglaan ang mga nangyayari sa paligid ko. Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat nang ’to. Kahapon ay na-kidnap ako at ikinasal sa taong hindi ko naman kilala at ngayon ay nandito na kami sa bahay ko dahil naghahanda na siyang lumipat dito. Hindi ko siya magawang pigilan dahil natatakot ako sa kung anong p’wede niyang gawin, alam ko na kaya niyang tapusin ang buhay ko kapag sinuway ko siya at ayaw kong mangyari ’yon. Kenan, ano bang gulo ang napasok mo? “Gusto lang ni Luna na magkaanak siya.” Para bang tumayo ang lahat ng balahibo ko dahil sa sinabi ni Drake. “Anak lang.” “What do you mean? Na ang sp*rm ko lang ang gusto niya?” tanong ko sa kaniya at nagkibit balikat naman siya sa alin. “Kung ’yan ang pagkakaintindi mo ay hindi ko na kasalanan ’yon,” anito at nalipat kay Recco ang aking paningin nang siya naman ang magsalita. “Kung ako sa’yo, bibigyan ko na agad ng anak si Luna para maging masaya siya,” sambit ni Recco. Hindi ko alam kung trip lang ba nila ako o sadyang totoo ang kanilang sinasabi? Base sa mukha ni Drake ay mukhang hindi naman siya nagbibiro. Napalunok ako bago mariing mapapikit. “Kung gano’n ay bakit hindi na lang ang sp*rm mo ang ibinigay mo sa kaniya?” tanong ko kay Drake. Nakita ko na bigla siyang namula at si Recco naman ay hindi na napigilan pa at bumulalas ang isang malakas na tawa sa kaniyang bibig. Wrong move. Binalik ko ang tingin ko kay Drake at ang sama ng tingin niya sa akin kaya naman napataas ako ng kamay dahil daig niya pa ang tatapos ng buhay sa uri ng kaniyang mga tingin. “Mukhang nagkakasaya kayo.” Napahinto sa pagtawa si Recco nang marinig namin ang mga yabag at boses ni Luna na papalapit na sa p’westo namin. “Anong mayro'n?” tanong ni Luna at tumabi sa akin. “Ah, ang galing kasing babanat ng joke ni Kenan, napatawa ako,” natatawang wika ni Recco kaya naman nangunot ang noo ko. Nag-joke pala ako? Tiningnan ko si Drake at bumalik na sa dati ang kaniyang mukha pero bahagya pa rin siyang namumula. Hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Drake na anak lang ang gusto ni Luna pero hindi naman gano’n kadali ’yon. Hindi ko pa siya gaano kakilala. Tiningnan ko si Luna na nakikipag-usap kay Recco, malungkot si Luna at anak lang ang makakapagpasaya sa kaniya? Kapag ba nabigyan ko na siya ng anak ay lalayuan niya na ako? Babalik na ba ulit sa normal ang buhay ko? Pero paano kung magkaanak nga kami at hindi siya pumayag na maghiwalay kami? Paano na ako? Hindi ko na matutupad ang mga pangarap ko dahil may papasanin na agad akong responsibilidad. “Namumutla ka, ayos ka lang?” Agad akong napatingin kay Luna na nasa harap ko na pala. Ayaw ko pa. “O-okay naman,” sagot ko sa kaniya. “That’s good, saan pala ang magiging k’warto natin?” tanong niya at bigla naman akong kinabahan dahil sa tanong niya. “H-ha?” tanong ko rito. “Saan ang magiging k’warto natin? Gusto ko sanang umidlip kahit na konti,” aniya at napahikab nga siya kaya naman napabuntong-hininga na lang ako bago tumayo upang samahan siya sa k’warto ko na magiging k’warto niya na rin. “Sa taas,” mahinang sabi ko. “Recco, Drake. Akyat muna kami sa k’warto,” paalam ni Luna sa mga kasama niya kaya naman pasimple rin akong tumingin sa kanila at nakita ko ang nakakalokong ngiti ni Recco at si Drake naman ay nagpapatuloy lang sa pagkain na parang walang tao sa kaniyang paligid Bumuka ang bibig ni Recco pero walang boses ang lumabas do'n ngunit nabasa ko ang gusto niyang sabihin. "Galingan mo." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Recco dahil baka mamaya ay iba ang sinabi niya, mali lang ako ng pagkakaintindi. Naglakad na kami ni Luna papaakyat sa taas kung nasaan ang nag-iisang k’warto ko. Hindi kami nagsasalita habang paakyat kaya naman kung ano-anong bagay na naman ang pumapasok sa isip ko. What if r*pe-in ako ni Luna? ‘Hindi.’ Umailing ako sa naisip ko. Malabong mangyari ’yon. Pero paano kung gawin niya talaga? Napahinto ako sa paglalakad nang bigla ring huminto si Luna sa paglalakad. “Salamat, matutulog muna ako,” sabi niya at humarap sa akin. “Sige, tulog muna ako.” Binuksan niya ang pinto ng k’warto ko at pumasok do’n. Nang masigurado kong nakapasok na siya ay napasandal ako sa pader bago maghabol ng hininga, hindi ko napansin na pinipigilan ko na pala ang paghinga ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko, para akong aatakihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD