Napapalunok ako habang nakatingin sa labrarian namin na ngayon ay nakadukmo at halatang natutulog sa lamesa niya. Kailangan na kailangan ko nang mag-review dahil nalalapit na ang exam namin. Dahan-dahan ang bawat paggalaw ko, iniingatan na hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Pati paghinga ko ay pinipigilan ko na habang papunta sa book shelve kung saan nakalagay ang libro na kailangan ko ulit. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako bawal pumasok sa library pero sa tuwing nakikita ako ni Madam Sales namin ay nagagalit siya sa akin kaya mas minabuti ko nang hindi na lang muna pumunta sa library. Nakahinga ako nang maluwag nang makarating na ako sa tapat ng book shelve at agad kong nakita ang hinahanap kong aklat. Nang makuha ko ito ay pumunta ako sa isang tagong lamesa kung saan hin

