"Kenan, pasok na tayo!" sigaw ni Recco mula sa baba kaya mas binilisan ko pa ang pagsisintas ng sapatos ko dahil late na kaming nagising— I mean umaga na kai kami nakatulog at bitin na bitin pa. Agad ko namang kinuha ang bag ko at mabilis na bumaba sa baba dahil kanina pa sumisigaw si Recco. Baka mamaya ay maingayan na si Luna at magising siya. Tiningnan ko si Luna at nakahiga pa rin ito at halatang natutulog. Sigurado ako na puyat din siya dahil maaga rin siyang nagising kanina. Hindi na siya nakapagluto ng almusal namin at buti na lang at nand'yan si Kenjie at siya na ang nagluto para sa amin. Nang maayos ko na ang sarili ko ay agad na akong tumayo at lumapit kay Luna. Tinitigan ko siya habang nakatayo. Tulog na tulog siya. Mukhang hindi magigising. Balak ko sana siyang gisingi

