PAGE 28

1636 Words

Simula nang araw na makita ko si Naomi ay napadalas ang pagsakit ng ulo, ang akala ko no'ng una ay dahil lang sa pagligo ko sa ulan pero ang pagsakit ng ulo ko ay sinasabayan pa ng pagkahilo kaya naman nasabi ko na hindi na normal ang nararamdaman ko. Isa pa si Luna, napadalas din ang pag-alis niya sa gabi dahil daw sa trabaho. Tumingin ako kay Recco na nanonood sa laptop na dala niya. Nakadapa siya sa may sofa habang may beer at may pagkain na nasa tabi niya. Siya ang nakakasma ko sa tuwing umaalis sila Drake at Luna. "Inaantok ka na ba?" tanong sa akin ni Recco habang nakatutok pa rin ang paningin sa pinapanood niya. "Hindi pa naman," sagot ko rito bago tumingin sa kisame. Wala na naman ngayong gabi sila Luna kaya nandito si Recco, pabor naman sa akin ang ginagawa niyang pag-alis-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD