Chapter 1: Cheer

3827 Words
"Love's involved with spending time together, but spending time apart, can lead to loving even more. " Niraramdam ko kaya't tutok na tutok ako sa mga binabasang movie lines ng lecturer namin. Kilala ko ang guro naming ito, sobrang istrikto at namamahiya ng estudyante kapag nagkataon. Kaya lahat kaming mga estudyante niya ay deretso lang din ang tingin sakaniya. Mayroon pa ngang iba na halos hindi na matiis at napapapikit na, wala kasi kaming ibang naririnig kung 'di ang boses ng lecturer o 'di kaya'y ang tunog ng electric fan. "Zai, naiihi ako," bulong sa'kin ni Xaerex na katabi ko. "Shhh!" Singhal ko sakaniya habang nakatingin parin sa harapan. "Ang sakit na," bulong niyang muli. Narinig ko ang munting paghalakhak galing sakaniya. Bumuntong hininga pa ako bago ko pa siya matalim na tiningnan. "Xaerex!" madiin kong tawag sa pangalan niya, "Kapag tayo nahuli niyang ni Hernandez, talagang malilintikan ka! Can't your small little thing down there wait?" "Ano'ng sabi mo? My thing down here isn't small or little. Baby, wanna see?" aniya at animo'y bubuksan niya ang zipper ng kaniyang slocks kaya patago ko siyang kinurot sa kaniyang tagiliran. Mas lalong tumalim ang tingin ko nang kumurba ang ngisi sakaniyang mga labi. Laking pasasalamat ko at nasa likuran kami at nagkataon na mayroon ng kausap ang lecturer namin sa kaniyang telepono. "Okay, okay, fine, I'll wait." pagsuko niya. Nang matapos ang klase ay agad niya akong hinila papuntang comfort room na malapit sa classroom namin. "Xaerex, you're such a dumbass! " sambit ko pagkalabas niya ng cubicle at agad siyang pinaghahahampas ng mga librong hawak ko. Kakaturo lang sa'min ng kabutihang asal pero 'di ko na napigilan ang mapamura dahil dito sa lalaking 'to. Humalakhak lang naman ang kumag at tumingin sa gymnasium kung nasaan sina kuya Zachario at iba pa nilang mga kaibigan. Naaninag ko rin ang pagmumukha ng dalawa kong kaibigan na halatang naghihintay sa'kin, pareho silang nakahalukipkip at masamang nakatitig sa gawi namin. Hinawakan ako ni Xaerex sa aking palapulsuhan saka mabilis na hinigit papunta doon. "Okay, then, the baby prince is here," salubong sa'kin ni Sachzna na kaibigan ko. "Ba't ang tagal mo?" sarkastikong tanong naman sa'kin ng kaibigan ko ring si Zerachiel. "Nag-extend kami ng 30 minutes dahil sa vacant naman daw namin sa next subject." walang ganang sagot ko. "Is that so? Ha! Kontrolado pala kayo ng teacher niyo? Vacant niyo 'yon, free time niyo!" pagsusungit ni Zerachiel na siyang ikinairap ko sa kawalan. 'Kahit kailan 'tong espanyol na 'to, laging mainit ang ulo.' Hinigit nila ako sa may bench at doon nila inilabas ang ilang snacks na binili nila kanina sa canteen. Rinig kong naghiyawan ang ilang kababaihan sa kabilang dulo ng bench. Agad naman akong napalingon doon. Si Xaerex ang hinihiyawan nila na halata namang nagpapacute pa dahil sa abot tainga ang ngiti niya nang tumingin sa mga naghihiyawang mga babae. 'Pasikat amp.' Half American ang tatay ni Xaerex kaya may kaunti siyang American features. Sobrang tangos ng ilong niya na siyang mas lalong nagpapa-mature lalo sa kaniyang mukha. Pareho ring makakapal ang kilay at ang mga pilikmata niya kaya mas lalong nako-compliment ang kulay hazel brown niyang mga mata. Pero ang nagbibigay ng charm talaga sakaniya ay ang mapupula nitong mga labi. At kahit na hinahangaan siya ng halos lahat ng mga estudyante dito, siya parin ang pinaka nakakainis na taong nakilala ko! Pinanood ko siyang makipag fistbomb kina kuya Zachario at kay kuya Kenshin. Nandito sila ngayon sa gymnasium dahil kailangan nilang maghanda para sa magiging laban nila sa basketball mamaya. At nandito kaming tatlong magkakaibigan para sa isang importanteng rason. "Woii, Zaicho Eldhin Fortalejo! Natanong mo na ba si Thiagago kung pwede siyang interviewhin?" naagaw ni Sachzna ang atensyon ko bago niya pa buksan ang crackers at lantakan ito. Matalim ko siyang tiningnan dahil sa muling pagtawag niya kay Thiago sa gano'ng pangalan. "Hindi pa," "Hoy! Eh, ano pa sa tingin mo ang ginagawa mo, ha? Three days nalang, ipapasa na natin 'yong output!" singhal pa niya sa'kin. Nag-iwas ako ng tingin bago pa marahang bumuntong hininga. 'Yan ang rason kung bakit kami nandidito. I can't blame myself for not asking him. Para akong naestatwang buhay kapag nasa harap ko siya. Hindi ko alam kung papaano niya nagagawang iparamdam sa'kin 'yon. "I'll ask him later, " kalamadong sagot ko at tumayo na, "Let's go, baka malate na tayo." anyaya ko sakanila at nauna ng maglakad. "Hey, Zaicho, wait!" Pag awat sa'kin ni Sachzna sa paglalakad ko, "Look who's here!" Lumingon ako sa gawi ni Sachzna at sa kaniyang likuran ay agad kong namataan ang isang lalaking naglalakad kasama ang isang batalyong kaibigan. Patungo sila sa direksyon nina kuya Zachario na malapit lang sa pwesto namin ngayon. As usual, walang kahit na anong ekspresyong nakapinta sa mukha ni Thiago habang umuupo. Makita ko lang ang suplado at singkit niyang mga mata at ang kaguluhan ng kaniyang buhok ay sobra na akong natutunaw. Samahan pa ng pagdidila niya ng kaniyang labi habang malumanay na naka upo at nakapandekuwatro. No wonder kung bakit kumpirmadong marami akong kaagaw sakaniya, masyadong mahaba ang pila para mapalapit ako sakaniya! Mukhang mahihiya si snow shite sa kaputian niya. Matangos ang ilong, matangkad at matipuno ang katawan. Samahan pa naman ng hugis pusong mga labi niya. Half korean siya kaya mas lalo siyang kinababaliwan ng karamihan. Agad akong lumapit sa pwesto nina kuya Zachario para kunwaring may sasabihin sakaniya. Narinig ko pang tinawag ako ng dalawang asungot pero hindi ko nalang sila pinansin at nagdere deretso nalang ako sa paglalakad. "Kuya," pag agaw ko ng atensyon ni kuya Zachy habang nagaayos ng kaniyang gamit. "Zai, ba't wala ka pa sa next class mo? Malapit ng mag nine." ani Kuya bago humarap sa'kin. Sandaling tumitig sa'kin si Kuya Zachy kaya't agad akong kinabahan. Lumingon siya sa paligid at 'di kalauna'y natagpuan niya ang rason kung bakit ako nandidito ngayon sa harapan niya, namalagi kasi ang titig niya sa gawi nila Thiago. Sumilip naman ako doon, malapit lang siya sa kintatayuan namin ni Kuya ngayon. Gano'n parin, wala paring nagbabago sa ekspresyon ng mukha niya, parang galit parin sa mundo! 'Kailangan ko 'tong kayanin. Kung hindi ay malilintikan ako kay Ms. Albayalde!' Pinanliitan pa ako ng tingin ni Kuya Zachy habang bahagyang nakangisi, nang aasar. "So, you're here because of him, am I right?" aniya at itinaas taas pa ang kaniyang dalawang kilay. "No! I'm here to tell you that you need to fetch me after my class. Vacant 'yong last subject namin," I lied. Mabilis akong nag iwas ng tingin. I can't keep a secret to this jerk. Sobrang kilala niya ako. "Okay, okay, pero 'yon lang ba talaga ang rason? " tanong niyang muli habang nanliliit parin ang mga mata niya sa'kin. Nakakaasar! Marahan akong bumuntong hininga bago ko siya matalim na tiningnan. "Fine!" pagsuko ko at bahagya pang pumadyak, "Tatanungin ko na si Thiago kung pwede ba siyang interviewhin. " inis ko pang inahing bago pa mabilis na nag-iwas ng tingin sakaniya. 'Yon ang isa sa mga importanteng activity namin ngayong second quarter. Malaki ang magiging puntos mo 'pag nagkataon. Mag iinterview kami ng isa sa mga varsity player ng school namin para gawing Journal. Hindi ko naipasa ang mga huling quizes ko kaya't kailangan kong bumawi dito sa project naming 'to. Dahil isa nga ako sa mga journalist ng school namin ay lalo akong napressure, hindi pwedeng mapahiya ako kay Ms. Albayalde. 'At sa tingin ko, oras na siguro para magparamdam ako sakaniya, hindi 'yong palagi ko nalang tinatago ang feelings ko. Tama, Zaicho!' "Eh, pareho naman kaming miyembro ng Helix, ah? Bakit hindi nalang ako ang interviewhin mo?" muling tugon niya habang suot suot nito ang nakakaloko niyang ngisi. Pumikit ako at pinilit na kalmahin ang sarili ko dahil baka mahampas ko na siya ng wala sa oras. 'Ang galing talaga ng isang 'tong pakuluin ang dugo ko.' Ibinukas ko ang mata ko at kita ko sa gilid ng mata ko ang matalim na tingin sa'kin ni Xaerex. Agad na akong naglakad patungo sa pwesto niya. "Thiago!" Ngumisi ako at nahihiyang kumaway pa. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na umupo sina Zerachiel at Sachzna sa tabi ni Kuya Zachy. Tumango lang si Thiago at hindi man lang nagsalita. 'Ang suplado talaga ng isang 'to.' Inayos niya ang kaniyang buhok at tumingin lang ulit sa mga ibang players na nagpa practice. Mas lumapit pa ako sakaniya hanggang sa nasa harapan niya na ako. "Thiago," tawag ko. Tila nilagnat ako sa sobrang init ng aking pisngi. At heto nanaman at naghaharumentado nanaman ang dibdib ko. Ganito na lang palagi. "Hmmm?" kalmado ngunit hindi ko mawari kung naiirita o naiinis ba siya sa pagharap niya sa'kin. Kinurot ko na muna ang may bandang balakang ko para sana mabuhayan ako. Ibinuka ko ang aking bibig para sana sabihin ang gusto ko, pero napangiwi ako nang biglang may bumagsak sa paanan ko. Humagalpak sa tawa ang dalawang kaibigan ko sa gilid na halatang kanina pa nila pinapanood ang mga galaw ko. Bola ang bumgsak sa'kin at si Xaerex ang may gawa nito. At halos patayin ko siya sa matalim kong tingin dahil sa ginawa niya. 'Ngayon pa niya talaga naisipang mang asar?' Agad siyang nagtaas ng dalawang kamay nang makita niya ang naging reaksyon ko habang nakasuot sakaniya ang nakakaasar na ngiti. Damn! "Ano, Zaicho? May sasabihin ka ba o wala?" medyo iritadong sambit ni Thiago sa akin. Ginapangan ako ng kaba dahil sa iritadong tono niya. Panira kasi 'tong si Xaerex. Maging si Kuya ay tumatawa na rin. "Uh, ano kasi," marahan akong napalunok bago muling magsalita, "Pwede ba kitang interviewhin para sa project ko?" nagpapasalamat ako sa diyos at hindi ako naging utal sa pagsambit ng huling sinabi ko. Pakiramdam ko ay sobrang pulang pula na ng pisngi ko dahil sa pinaghalong kaba at pagka ilang. Tiningnan niya ako sa aking mga mata bago tumango. Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang makita kong bahagyang lumitaw ang ngisi sa mga labi niya. Gusto ko nang tumakbo papalayo ngunit ang pagkakataon ang pumigil sa'kin. "Sige, sa bahay niyo nalang bukas," do'n ay sigurado akong kalmado siya sa pagkakasambit no'n. Sa bahay magcecelebrate bukas kapag nanalo sila mamaya. Pinilit kong ngumiti kahit nararamdaman kong nanginginig na ang buong sistema ko. Sobrang bilang lang sa mga daliri ko ang mga pagkakataon na nakangiti siya sa'kin katulad ng ginawa niya kanina. Kadalasan ay wala akong maagilap sa mukha niya kung interesado ba siyang makipag usap sa'kin. Wala sa sariling nag-iwas ako ng tingin at nagpaalam na sakaniya. Halos doble ang bilis ng paglalakad ko patungo kina Zerachiel at Sachzna na parehong hanggang tainga ang ngiti sa akin. "At nahandugan ka nanaman ng isang matamis na ngiti," ani Sachzna bago nila ako hinigit papaalis sa gymnasium. Kahit sobrang bahagya lang ng pag ngiti niya kanina, pakiramdam ko ay kumpleto na ang araw ko. Kaya't mas lalo akong ginanahan sa mga sumunod na subjects. "Ano'ng oras kami pupunta sa bahay niyo bukas?" kalmadong tanong ni Sachzna habang naglalagay ng pampapula ng labi. Kakatapos lang namin mag lunch dito sa canteen. Mamayang one thirty ang simula ng basketball nila kaya't kailangan naming mag madali dahil ala una y media na. "Agahan niyo para makapag handa tayo," nakangiting sambit ko. "Huwag mong sabihing kukuha ka pa ng Glam Team para lang paghandaan ang interview mo with Thiago?" taas kilay na asik naman sa'kin ni Zerachiel habang deretso ang tingin nito kay Sachzna na naglalagay parin ng pampapula ng labi. Agad ko rin siyang pinagtaasan ng kilay. "I mean preperation for the questions!" sambit ko bago siya irapan. "Ano na? Malapit ng mag 1:30," pagmamadali ko sakanila dahil sa mga kung anu-anong ginagawa nila. Pansin ko ring halos wala ng tao dito sa canteen. Malamang nasa gymnasium na silang lahat dahil do'n nila mapapanood ang mga sobrang hinahangaan ng halos lahat ng estudyante dito. Maging si Zerachiel ay naglagay narin ng pampakulay ng labi kaya't mas lalong nadepina ang makapal nitong labi. He's Zerachiel De Hera. Looks so handsome hut also likes a handsome ine. Half spanish siya and he's my first ever bestfriend. He's also gay like me pero kung hindi mo siya kilala ay mapagkakamalan mi talaga siyang straight parin dahil sa bukod sa medyo malalim ang boses niya, papasa pa 'tong varsity player. Walang sinabi 'yong kakisigan niya sa mga athlete dito sa campus namin. Unlike me! Minsan nga, napagkakamalan pa akong tomboy na naka-mio. Bukod sa sadyang hindi ako pinagpala sa height, skinny type lang kasi ako kaya hindi gaanong kita 'yong mga muscles ko. Both of us were attracted to male. Kaya kami naging magka vibe dahil sa pagkakaparehas naming gano'n, naiintindihan namin ang isa't isa. Kaya't gano'n na lamang ang suporta nito sa'kin sa pagpapapansin kay Thiago. 'Yon nga lang ay sobrang suplado nito. As in daig niya pa si Thiago kung supladuhan ako. Talagang awtomatikong tumitikom ang bibig ko kapag siya na ang nambabara sa'kin. Si Sachzna naman ay naglagay ng bahagyang mascara sa kaniyang pilikmata kaya't lalong nadepina ang kaniyang mahahabang pilikmata. Her japanese beauty is really shouting out loud because of her defined facial features and her bright skin color. She's Sachzna Aria Yleji, the japanera girl. She's also my besfriend since elem. Pero mas nauna kong nakilala si Zerachiel dahil grade three kami nang unang magkakilala sa parehas naming tutor habang si Sachzna ay grade six na ako nang maging transferee siya sa pinapasukan naming school ni Zerachiel. Sobra siyang suporta sa amin ni Zerachiel. She accepted us full heartedly. Pero sa sobrang kadaldalan niya, minsan ay napapahamak ako. Sobrang maingay at parang hindi mauubusan ng kwento. And because of that, I gave her a title. 'Reyna ng mga putakera.' Ilang minuto nga ay natapos na sila sa mga ritwal nila. Minadali namin ang isa't isa dahil marami na kaming nakakasalubong na mga teachers na patungo rin ng gymnasium. As usual, nagkalat ang mga kababaihan na may dalang banner at doon nga ay nakasulat ang pangalan ng mga pinagpapantasiyahan nilang players. Pagkarating namin ng gymnasium ay hindi nga ako nagkamali sa inakala ko. Sobrang daming tao! Kung may buhay lang siguro 'tong gym ay baka kanina pa siya nag hamok. Hawak hawak ni Sachzna ang kamay ko habang nauuna sa'ming dalawa si Zerachiel na nakipagsisiksikan sa mga tao dahil sa aming tatlo ay siya ang pinakalamang sa tangkad, pilit siyang nakikiraan para tuluyan kaming makapasok sa loob ng gym. "Zai!" tawag sa'kin ng classmate ko na si Aerish at kumakaway pa. Isinenyas niya ang tabi nito at nakita kong wala pang umookupa sa espasyo sa tabi niya. Sa unang palapag lang ng bleachers sila nakaupo kasama rin ang ibang classmates ko kaya't hindi kami mahihirapang umakyat kapag nagkataon. "Thanks, Ae!" pasasalamat ko sakaniya nang tuluyan na kaming makaupo doon. Kanina pa pala nagsimula ang laban, sinabi ni Aerish na iniba nila ang oras dahil may gagamit pang iba sa gym mamaya. Halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao nang makapuntos ang kabilang team. "I love you, Alpharo!" "Damn! He looks so hot!" "Woooh! Go, Daddy! Yeah!" "Ang sarap mong titigan, Daddy Alpharooo!" Ilan sa mga sigawan ng mga kababaihan at sangkabaklaan sa gilid. Maging si Sachzna ay nakikisabay rin sa paghiyaw kaya't panay ang pag hampas ni Zerachiel sakaniya. "Grabe! Never talaga ako nadissapoint ng asawa ko! Alpharo, pakasalan mo 'ko!" sigaw pa ni Sachzna dahilan para handugan siya ni Zerachiel ng isang batok. "Gaga, umiiral nanaman 'yang kalandian mo!" singhal pa ni Zerachiel. Natawa lang ako sakanila habang nanatili ang mga kamay ko sa magkabila kong tainga. Agad ko namang tinanaw 'yong Alpharo. Davis Alpharo, tama! Siya 'yong laging nakakalaban nina Kuya sa basketball! At balita ko ay siya ang captain ng kanilang grupo. Intramurals namin ngayon at kung sino man ang manalo ngayon ay maaring makapasok sa finals at maging pambato ng campus namin para makipaglaban sa ibang mga schools. Marami talagang babae at mga bakla ang nagkakandarapa dito sa Davis Alpharo na 'to. Just by looking at him now, he really looks handsome dahil sa lalim ng mata niya at natural na pamumula ng kaniyang labi at pisngi. 'Sus, walang wala 'yan kay Thiago ko!' Naabutan kong si Xaerex ang may hawak ng bola. Habang nagdidrible ang kaliwang kamay nito ay nagi-stretch naman ang kanan niyang balikat. Tinatagilid pa niya ang kaniyang leeg na halatang pinag aaralan ang magiging galaw ng kalaban. May wristband itong itim sa kaliwa niyang kamay at mayroon ring parang manipis na headband sakaniyang hairline na bumagay nga sa jersey din nilang kulay itim. At kagaya ng ibang kagrupo nito ay naliligo rin siya sa sariling pawis. "Xaerex, hurry up!" sigaw naman ni Thiago na halatang naiirita dahil sa tagal nito. Humalakhak lang si Xaerex at humakbang ng dalawang beses paharap at sobrang bilis nito kaya't nabigla ang dalawang lalaking nasa harapan niya. Bigla rin itong humakbang patalikod kasabay ng pagtalon nito ng malakas at pagtapon ng bola sa ere. Three points! Nagtakip ako ng dalawang tainga ko nang muling umusbong ang hiyawan ng mga tao sa buong gym. Bahagya pa akong napamura nang magsisigaw si Sachzna at inalog alog pa ako na ngayon ay halos nakatayo na para batiin si Xaerex. Tumatawa naman ito at sumasayaw pa. Napakurap ako nang tumingin ito sa akin. Nginisian niya ako. "Cheer for me, Zai!" sigaw niya sa'kin bago ngumuso. Inirapan ko lang siya, dahilan ng muling nagpahalakhak niya. 'Napakayabang!' Pumunta siya sa mga kagrupo niya at pinagsasasapak nila ito at nilait lait dahil sa kayabangan nito. Napako ang tingin ko kay Thiago na nakikisali sa pang aasar kay Xaerex. Abot langit ang ngiti niya at kita ko sa singkit niyang mga mata na sobrang saya niya. That explains why I had crush on him. He's insanely handsome! "Mygash! Magtataksil ako kay Alpharo!" Sigaw ni Sachzna at nag inarte pang parang maiiyak. "Alam mo, kaunti nalang at masasapak ko na 'tong babaeng 'to! Daig pa ang kiti-kiti sa sobrang gaslaw!" muling pagsusungit ni Zerachiel sakaniya. Umiiling iling akong nag-iwas ako ng tingin kaya't muling nahagip ng paningin ko si Thiago habang umiinom siya ng tubig. Ngayon ko lang napansin na nasa side pala nila kami kung nasaan 'yong mga gamit nila kaya't no'ng mag time out ay sobrang naging malapit sila sa'min. Habang lumalagok siya ay nakikita ko ang pagtaas baba ng kaniyang adam's apple. Hindi niya ako makita dahil kinakausap siya ng kanilang coach. "Zai!" napatingin ako sa lalaking tumawag sa'kin, abot tainga parin ang ngiti ni Xaerex sa'kin, "Pakiabot naman no'ng tubig ko." aniya at nginuso pa ang bag niya sa paanan ko. Nakapamewang pa siya at hinahabol rin ang kaniyang hininga. Agad na kumunot ang noo ko. Wala ba siyang kamay at ako pa talaga ang uutusan niyang kumuha nito? Inis kong hinablot ang tumblr niya at agad na iniabot sakaniya. "Thanks," natatawang sambit niya bago uminom sa harapan ko. Ramdam ko naman ang mga matang nakatingin sa'kin galing sa mga estudyanteng nasa pangalawa at pangatlong bleacher. Napapahiya naman akong napatungo. 'Nakakainis kasi 'tong isang 'to! Alam naman niya na napakaraming mukhang tuko dito ang nagkakandarapa sakaniya tapos ako pa na walang pakielam sakaniya ang pinag abot niya? Boys.' Third quarter na pala nang dumating kami, hanggang sa nagtuloy tuloy ang laban at si Xaerex ang siyang may pinaka maraming puntos sa grupo nila kaya't ganoon na lamang ang hiyawan ng mga tao at ang ilan ay talagang nagtatangkang lumapit pa sa side nila at umaasa na mapapansin nila ito. Nanalo ang team nina Xaerex kaya't abot langit ang ngiti nila nang pumasok sa locker room. Tapos na ang laban at nandito ako ngayon sa gilid ng locker room. Hinihintay ko si Kuya Zachario dahil sasabay ako sakaniya pauwi. Nauna na kasi sa'kin sina Zerachiel at si Sachzna dahil may mga importanteng lakad sila with their family. Half day lang ang klase namin ngayon at pumunta lang kami dito para panoorin namin ang laban nila Kuya. "Zaicho," napa ayos ako ng tayo nang marinig ang boses ni Thiago. Medyo nanlaki pa ang mga mata ko nang lingunin ko siya. "Pwede bang kukunin ko nalang 'yong questionare ng interview mo sa'kin tapos sa bahay ko nalang sagutan? Male late kasi ako bukas sa pagpunta sa bahay niyo, eh. May mass gathering pa kasi kami." nahihiyang sambit ni Thiago habang nagkakamot pa ng batok. 'Hindi naman ako makakatanggi sa'yo mahal ko.' "A-ah, oo naman sige! S-salamat, ha?" utal na sambit ko at agad kong iniwas ang tingin ko matapos kong sabihin 'yon sakaniya para hindi niya makitang nahihiya ako. Agad kong kinuha ang copy ng naprint ko kagabi. Alam kong hindi pa 'to finale dahil hindi ko pa ito naaayos at plano ko ngang magpatulong kina Sachzna bukas pero... bahala na. "Oh, kasali ka sa journalism natin dito sa school?" nakangiting tanong niya sa'kin. Pilit akong ngumiti sakaniya at tumango na lamang. Ayan nanaman ang ngiti niya. Sobrang hindi talaga ako sanay na itrato niya ako ng ganyan dahil kadalasan ay walang ekspresyon akong makikita sa pagmumukha niya kapag ako ang kahaharapin niya. "I see," bahagya niya munang binasa ang mga questions bago muling magsalita."I'll try to answer all of this. I'll go ahead?" mainahong sambit niya. Nagulat ako nang itaas niya ang dalawang kamay niya. Nanghihingi ng apir. Nakipag apir naman ako sakaniya pero napansin kong hindi katulad ng pakikipag apir niya kina Kuya Zachario ang ginawa niya pakikipag apir sa'kin, magaan lang ito at hindi masakit sa palad. 'Sana tinagalan mo man lang.' Hindi ko nasabi ang laman ng utak ko dahil agad siyang tumalikod at nagsimulang maglakad. Pinanood ko siyang lumayo habang nakasuot parin ang ngisi sa mga labi ko. Nang mawala na siya sa paningin ko ay nakapikit pa ako nang sumandal sa pader. 'Grabe, ang sarap sa pakiramdam!' "Zai!" halos mapahawak ako sa dibdib ko sa pagtawag sa'kin ng isang malalim na boses. Iminulat ko ang mata ko at sa harapan ko ay nakita ko si Xaerex na abot langit ulit ang ngiti sa'kin. Isang masamang tingin ang agad na inihandog ko sakaniya kaya't agad naman siyang nagcross arm nang makita ang reaksyon ko. "O, sorry! 'Pag kay Thiago sobrang kalmado mo tapos sa'kin para kang nakakita ng multo?" aniya sabay halakhak. Agad naman akong umirap sa kawalan. Kanina pa pala siya nakikinig sa'min? "Eh, kasi naman po, maayos niya akong tinawag! Ikaw para kang mangho hold-up!" inis na sigaw ko sakaniya. Tinawanan niya lang ako bago ito ngumuso. "Eh, ba't hindi mo man lang ako icheer kanina?" sambit niya habang nakanguso parin. 'At sino ka naman para icheer ko?' Tsh. Anlaki laking lalaki tapos gumaganyan? Baduy. "Thiago is not your name." sarkastikong sambit ko nalang saka tumalikod sakaniya pero napatigil ako nang hawakan niya ang mga braso ko at iniharap sakaniya. "Then cheer for me next time." maayos na sambit niya bago ngumiti. Inirapan ko lang siya bago tuluyang pumuntang locker room para hanapin si Kuya Zachario. Narinig ko naman ang paghalakhak na malakas ni Xaerex. Abnoy talaga amp!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD