Maaga akong nagising kaninang umaga. Alas sais palang kasi ng hapon kahapon ay tulog na ako. Ewan ko ba, pagkauwi ko kahapon dito sa bahay ay ramdam kong mas matimbang ang kawalan ko ng gana para sa sususnod na araw, which is ngayong araw na 'to.
Hindi kasi nawala sa utak ko ang naging huling tagpo sa pagitan namin ni Thiago, na hindi matutuloy ang interview namin. Hindi naman ako makatanggi dahil wala rin naman talaga akong karapatang pigilan siya sa pupuntahan niya. Ako ang humingi ng pabor kaya't dapat lang na hindi ako umangal.
Inis kong pinatay ang aircon nang marinig ko ang hagikhikan ng dalawang asungot kong kaibigan mula sa labas ng aking kwarto.
May mangyayaring inuman kasi dito sa bahay mamaya. Kadalasan, sa tuwing may celebration sa barkadahan nina Kuya Zachario ay dito nila sa bahay ginaganap dahil sa wala nga ang mga magulang namin. Kaya't ang mga kaibigan ni Kuya Zachy ay ka-close ko na rin.
All boys sila kaya lagi ko ring pinapapunta ang dalawa kong kaibigan. Lagi akong naa-out of place dahil hindi talaga ako makarelate sa mga pinag-uusapan nila, kung hindi tungkol sa mga babae ay tungkol naman sa mga parte ng mga sasakyan.
"Woi, mukhang hinayupak na adik! Hindi lang maagang darating si Thiagago, nagpapaka sabog ka nanaman!" singhal ni Sachzna sa mismong mukha ko.
Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Pero mabilis lang rin niya akong binatukan. Inis ko siyang inirapan.
'Kailan ba matututo 'tong babaaeng 'to na tawagin si Thiago ng maayos?'
"Alam mo, hindi ka naman siguro matatanggalan ng isang kidney kapag hindi dumating ngayong gabi si Thiago, 'di ba?" taas kilay na tugon naman ni Zerachiel.
Wala akong naisagot sa mga pambabara nila kung hindi ang pag-irap. Hindi ako makasagot dahil lahat ng lumalabas sa mga bibig nila ay katotohanan.
Iba talaga ang tama ko kay Thiago. Kung isa siyang gamot ay sobra na talaga akong na-overdose.
Natigil lang silang pareho sa panlalait nila sa akin nang dumating na ang meryendang niluto ni Manang. Wala pa naman ang mga ka-grupo ni kuya Zachy kaya't malaya kami ngayon na mag-stay dito sa kusina.
Pagkatapos naming kumain ay naisipan naming mag movie marathon since umalis rin si Kuya Zachy dahil bumili siya ng mga iinumin nilang alak at kinuha rin niya ang mga order nilang mga pagkain para mamaya.
"Romance naman, okay?" mabilis na inagaw sa akin ni Sachzna ang laptop.
Napangiwi nalang ako nang i-open niya mula sa aking laptop ang isang folder. Naglantana dito ang mga romance na mga palabas. Sa tingin ko ay ni-save ito ni kuya Zachy.
To be honest, hindi talaga ako fan ng mga romance movies, mas mahilig ako sa mga horrors at 'yong mga ma-aksyon na mga palabas. Para sa akin, predictable na ang kung ano'ng mangyayari sa ending kapag romance ang pinanood mo.
"Ayan!" pagmamalaki ni Sachzna bago pa ilapag sa lamesa ang laptop.
Wala na kaming nagawang pareho ni Zerachiel dahil tuluyan na ngang nag-play ang video sa tv.
Ilang minuto nang magplay na ang palabas ay mabilis rin naman kaming dinalhan ni Manang Nely ng mga sweets.
'Titanic?'
Hindi ko pa napapanood ang isang 'yan. Pero halatang interesadong interesado ang dalawang katabi ko dahil pareho na silang nakapangalumbaba ngayon.
Ngingisi-ngisi ako nang mapunta na ang palabas sa part na gumawa si Jack at Rose ng milagro sa kalesa ba 'yon o karwahe. Wala pa akong experiece sa gano'ng bagay. But just by looking at them now, nababanaagan ko sa mga mata ng dala ang tinatawag na 'genuine love'.
'Yong tipong parang hindi na sila nahihiya o naiilang man lang na makita nila ang kabuuan ng isa't isa. Gano'n ba talaga ang pag-ibig? Sabagay, hindi naman ang mga mata ang tumitibok para sa isang tao.
Inis kong kinurot ang tagiliran ko nang biglang sumagi sa isip ko si Thiago. Tila ba muling nang-asar ang utak ko dahil sa mabilis nitong iginuhit ang eksaktong tagpo ni Jack at Rose, pero mukha naming dalawa ni Thiago ang nakapintang mukha dito.
'Well, traydor nga talaga minsan 'tong utak ko.'
Hanggang sa napunta na sila sa nagkakagulo na ang lahat dahil nakapasok na ang tubig sa loob ng titanic.
Halos hindi na ako kumurap sa sobrang tutok ko sa panonood. Dahil dito sa parteng 'to ay nakikita ko kung papaano nagtangkang bumalik si Rose sa titanic nang makasakay na siya ng maliit na bangka. Tila ba nagdadalawang-isip siya sa magiging desisyon niya.
Madiin akong napalunok nang magtangka si Rose na sumampang muli sa titanic kahit na sigurado naman ng maililigtas niya ang sarili niya mula sa paglubog ng titanic.
Hindi naman ito nabigo at muli nga siyang nakabalik sa loob ng yate. Sinusubaybayan siya ni Jack kaya't nang makita niyang bumalik si Rose ay mabilis itong pumanhik sa baba ng yate para salubungin ang kaniyang minamahal.
Doon nga ay sinalubong niya ito ng mga matatamis na halik habang patuloy parin siyang tinatanong kung bakit siya bumalik.
Halos paghinga lang ang naririnig ko sa pagitan naming tatlo dahil talagang nasa tv lang nakabaling ang aming titig.
At dito na nga ang eksenang pakiramdam ko ay pati paghinga ko ay hindi ko na maramdaman. Nasa mismong tubig na sila. Pilit nilang ipinagkasya ang sarili nila sa hindi ko mawari kung anong klaseng kahoy 'yon. Pero nang makita ni Jack na hindi talaga kakayanin ng kahoy na 'yon, na kapag pumunta pa siya sa ibabaw ay lulubog ito, kaya't si Rose na lamang ang hinayaan nitong humiga doon.
"I love you jack," -Rose
"Don't you do that. Don't say your goodbyes. Not yet. Do you understand me?" -Jack
"I'm so cold." -Rose
"Listen, Rose. You're gonna get out of here. You're gonna go on," -Jack
"And you're gonna make lots of babies, and you're gonna watch 'em grow," -Jack
"You're gonna die an old... an old lady, warm in her bed," -Jack
"Not here. Not this night. Not like this. Do you understand me?" -Jack
Nararamdaman kong nangilid na ang ilang butil ng luha sa gilig ng aking mga mata. Rinig ko rin ang ilang munting hikbi galing sa dalawang katabi ko.
Ilang minuto nga ang makalipas ay natapos namin ang movie. Mabilis na nalipat kina Sachzna at Zerachiel ang titig ko. Lumobo ang pisngi ko nang makitang pareho silang nakatitig sa kawalan.
'Ngayon niyo sabihing ako ang oa sa ating tatlo!'
"Winning that ticket, Rose, was the best thing that ever happened to me... It brought me to you... You must do me this honor, Rose. Promise me you'll survive. That you won't give up, no matter what happens, no matter how hopeless. Promise me now, Rose, and never let go of that promise. "
'Yan ang linya ni Jack na pinaka tumatak sa'kin.
Pa'no nagagawa ng mga taong magsakripisyo para sa mga taong mahal nila? Gano'n nalang ba katindi ang epekto sakanila ng pagmamahal? Na willing silang isugal o i-alay pati ang buhay nila para lang mailigtas ang mga mahal nila? Kalokohan.
Pero do'n biglang pumasok sa utak ko si Thiago. Oo, may gusto ako sakaniya, matagal na. Pero 'pag ba umabot ako sa puntong 'mahal' ko na siya ay magiging willing rin ba akong ibigay ang buhay ko para iligtas siya 'pag nagkataon?
Sabagay, hindi ko pa nararanasan ang magkaro'n ng karelasyon. Pero paano kung hindi napanalo ni Jack ang ticket na 'yon at hindi makakatungtong sa titanic, maaring mag krus ba ang landas nila ni Rose?
"Sobrang tragic naman ng ending ng Titanic!" wala sa sariling naiusal ko.
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay may narinig akong malaking boses na tumikhim mula sa likuran ko.
"Para sa'kin hindi naman tragic 'yong ending no'n," napakunot ako nang marinig ko sa malalim na boses na 'yon ang kaseryosohan, "Dahil namatay si Jack nang nahahanap niya 'yong taong inilaan ng tadhana para sakaniya. Pero 'yon nga lang, sobrang ikli ng panahon na 'yon. Pero atleast, positibo akong namatay siya ng may ngiti. Dahil kahit papaano, sa huling pagkakataon, nagawa niyang maiparamdam kay Rose ang pagmamahal niya."
Laglag panga akong napatingin sa may bandang likuran ko. Do'n ay nakita ko si Xaerex na may hawak pang paper bag na halatang mga bote ng alak ang laman dahil sa mga hulma nito sa ilalim.
Napakurap ako nang makitang gumuhit sa mga labi niya ang malaking ngisi. Mabilis na umarko ang kilay ko nang kumaway pa ang kumag.
"Tinatanong ko ba ang opinyon mo?" sarkastikong tanong ko sakaniya.
Hindi siya sumagot pero nanatili parin sa mga labi niya ang malaking ngisi. Tumawa lang din siya bago pa ibaba ang hawak nitong paper bag.
Sa sobrang pag iisip ko tungkol sa pinanood naming movie ngayon ay hindi ko napansing nandito na pala sina kuya Zachy.
"Hi, Zaiyie!" muli naman akong napatingin sa likod ko at doon ay nakita ko si Kuya Kenshin na kakapasok lang.
Nahihiya naman akong ngumiti sakaniya bago tumango.
"O, Sachi, nandito ka pala?" tukoy niya sa kapatid niyang nakatulala parin sa kung saan.
"Kuya, parang bagong-bago naman 'to sa'yo! Siyempre may okasyon kayo kaya automatic na kami ni Zerach dito, ano!" mariing sambit ni Sachzna sa kapatid niya.
Oo magkapatid sila. Ang cool 'di ba? Kapatid ng bestfriend ng kuya ko ay matalik ko ring kaibigan. Kaya't maski pag-sleep over dito sa bahay namin ay pinapayagan niya si Sachzna dahil alam niyang magbestfriends kami.
Siya lang ang nakakasundo kong kaibigan ni Kuya Zachy. Kagaya naming tatlo nina Sachzna at Zerachiel, matatalik rin silang magkakaibigan, si Kuya Zachy, si Kuya Kenshin, si Thiago at si Xaerex.
Ka-batch ko si Xaerex at classmate ko siya sa isang subject kaya't may oras kaming magsama. The worst part is, mag katabi kami! At sa tuwing magkasama kami, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang patayin ako sa galit. Sobrang lakas niya mang-asar. Hindi naman ako makaganti dahil tikom talaga ang bibig ko dahil sa isang bato pa lang ng pang-aalaska niya ay talagang sumasabog na ako.
Mas matanda siya sa'kin ng dalawang taon dahil naging repeater siya pero hindi ko siya magawang tawaging 'kuya' dahil sa ugaling niyang pang elementary.
"H-Hi, Zerach." halatang nahihiyang bati ni Kuya Kenshin kay Zerach.
Tumango lang naman si Zerach bago muling nag iwas ng tingin.
'Suplado!'
At 'di kalauna'y iniluwal ng pintuan ang ilan pa sa mga ka teammates ni Kuya Zachy.
Mabilis na lumibot ang paningin ko para hanapin si Thiago. Si Aiken ang siyang huling pumasok at siya na ang nagsara ng pintuan. Wala sa sariling napatungo ako.
'Zaicho, sabi niya hindi siya maagang darating 'di ba?'
Hindi ko rin napansin na madilim na pala sa labas kaya't muli akong nakaramdam ng gutom dahil kaunti lang ang nakain kong meryenda kanina.
"Halina kayo't nakahanda na ang pagkain! Kumain na muna kayo!" biglang nakangiting tawag sa'min ni manang kaya't agad ko rin siyang nginitian.
Pinauna ko na munang papuntahin doon ang mga nagsidatingang mga ka-teammates nina Kuya. Isa-isa nila akong binati kaya't sinusuklian ko sila ng ngiti.
Tumungo narin kaming tatlo sa long table. Nasa gilid ko si Zerachiel at sa gilid rin niya ay si Sachzna.
Nagsi-upo narin ang ilan at napalingon ako sa lalaking humila ng katabi kong upuan. Tumikhin ako bago pa magsalita.
"Diyan si Kuya," walang ganang sambit ko.
Pero parang walang narinig si Xaerex at nakangisi parin siyang umupo doon.
Inis ko naman siyang inirapan nang ituro niya si Kuya Zachy na nasa kabilang side ng long table. Nakaupo na nga ito doon habang nakikipag-usap kina Aiken.
"Ba't ang sungit mo lagi?" tanong niya at narinig ko ang munting paghalakhak galing sakaniya.
"May batas bang bawal magsungit?" inis kong tanong sakaniya bago pa magsalin ng juice sa baso ko.
"Wala naman," aniya at nagsalin rin siya ng juice sa baso niya, "Pero 'pag ako ang naging presidente, papalawigin ko ang gano'ng batas. Ayokong laging nagsasalubong ang bushy mong kilay sa'kin." nakangisi paring tugon nito.
Hindi ko nalang siya kinibo at nagsimula nalang ring kumain.
Tahimik lang kami ni Zerach na kumakain habang nakikisali si Sachzna sa pakikipagtawanan at daldalan sa mga 'to.
Mabilis kong inubos ang pagkain ko at dumeretso na sa sala. Agad akong nagsalpak ng earphones at nagsound trip nalang.
Ilang kanta rin ang natapos ko at doon ay nakita kong nagsitayuan na nga ang mga kagrupo ni Kuya at agad na umakyat papuntang roof deck. Bahagya naman akong napamura nang may biglang humablot sa earphone na nasa tainga ko.
"Zai! Sa kwarto mo muna ako. Napu-poops na talaga ako!" madiing bulong sa'kin ni Sachzna na siyang ikinatawa ko ng bahagya.
"Sige, isama mo naring iflash 'yang katawang lupa mo." nakangising tugon ko.
Sinamaan niya lang ako ng tingin at agad na hinila si Zerachiel na halatang napamura rin sa bigla-biglang paghila ng ulupong na 'yon sakaniya.
Umiling nalang ako bago tumayo at nagtungo sa dining area namin.
"Manang ako na po diyan, alam ko pong pagod po kayo, madami-dami rin 'yong niluto niyo, eh." nakangising anyaya ko kay manang saka ko tinangkang kunin sakaniya ang pamunas ng lamesa.
Alam kong pagod si Manang Nely dahil sa dami ng putaheng niluto niya kanina. Sobra kasi ang pag-aalaga nito sa'ming dalawa ni Kuya dahil simula nang umalis sina Mommy't Daddy ay sakaniya niya na kami pinaalaga.
"Hay nako, Zai, anak. Hindi na, umakyat ka na do'n sa roofdeck at mas kailangan ka ng kuya mo para may kasama siyang mag-ayos." nakangiti paring sambit ni Manang Nely.
'Manang isang batalyon po silang nandodoon, marami-raming kamay din ang nandodoon para tumulong kay Kuya. Hays.'
"Sige na po manang, please?" sambit ko at ngumuso pa, "Magpahinga nalang po kayo at ako nalang po ang magtutuloy niyan, long table pa naman po din 'yan." pagpupumilit ko pa sakaniya.
Malalim naman siyang bumuntong hininga bago nakangising bumaling sa'kin.
"O, siya, sige. Sa tingin ko, wala rin naman na akong magagawa. Basta pagkatapos mo diyan ay umakyat kana rin doon, ha?" bahagya pa niyang itinututok sa akin ang kaniyang hintuturo.
Ngumiti naman ako sakaniya bago tumango. Pinanood ko na munang pumasok si Manang Nely sa kaniyang kwarto.
Pinagpatuloy ko nga ang pagpupunas sa lamesa. Tahimik lang ako at dahil nga sa long table ito ay malamang medyo matatagalan ako.
Halos magulantang naman ako sa gulat nang may biglang tumabi sa'kin at... nagpupunas rin?
Sinulyapan ko ang lalaking 'yon at nakangisi lang din naman siyang tumingin sa'kin.
"At parang nakakita ka ulit ng multo?" ani Xaerex bago humalakhak.
"Tch. Hindi ka multo, demonyo ka," mahinang bulong ko pero parang naging sapat 'yon para marinig niya.
"Tch. Hindi ka multo, demonyo ka," pag-uulit niya sa sinabi ko pero pinasingkit nito ang boses niya na parang isang bata.
Inis akong lumayo sakaniya at pumunta sa kabilang dulo ng table.
Ano bang pumasok sa kokote niya't naisipan pang tulungan ako dito?
"Umalis ka na nga? Kaya ko 'to!" inis na bulyaw ko sakaniya.
Pero lalo lang akong nainis nang kumurba ang ngisi sa mga labi niya.
"Ba't ba ayaw na ayaw mo akong kasama?" nakanguso pang sambit niya, "Tinutulungan na nga kita, eh." ngunguso-nguso paring sambit niya na parang musmos na inagawan ng candy.
"Sinabi ko bang tulungan mo ako?" sarkastikong tanong ko sakaniya.
"Masama bang tulungan ang prinsesa ko?" aniya kaya't muli ko siyang sinulyapan.
Inirapan ko siya nang muli itong humalakhak.
'Malala na talaga ang topak ng asungot na 'to.'
Tahimik kong ibinalik sa lalagyan ang ginamit kong pamunas ng lamesa bago pa mag hugas ng kamay sa lababo.
Kita ko sa gilid ng mata ko na deretso ang tingin niya sa'kin at patuloy parin sa pagpupunas sa kabilang dulo ng long table na'to habang.. nakangiti.
'Abnoy!'
Lumabas ako doon nang hindi siya kinikibo o nililingon man lang.
Agad akong umakyat at mabilis na pumasok sa kwarto ko at doon ay hindi ko nakita sina Zerachiel at Sachzna.
Bumuntong hininga ako nang mapagtantong baka dumeretso na sila sa roofdeck. Doon madalas nagha hang-out sina kuya dahil doon ay open area ng bahay namin kaya't masarap ang simoy ng hangin.
"Zaicho!" tawag sa'kin ni Sachzna.
Agad akong napasulyap sa gawi nila. Nakaupo sila sa isang sofa na nasa gilid ng table nina Kuya Zachy na nagsisimula ng magbukas ng mga inumin.
"Ba't antgal mo?" tanong sa'kin ni Zerach pagka upo ko sa tabi niya.
"Tinulungan ko pa kasi si Manang mag ayos," walang ganang sambit ko.
"O, heto ang sainyo." agad kong tiningala si Kuya Kenshin nang magsalita siya.
Inilapag niya sa tabi ng maliit na lamesa namin ang sangkatutak na juice.
"Kuya, minsan lang naman, eh! Kahit mild drinks lang!" nakangusong reklamo ni Sachzna.
"'Yan! Sobrang mild lang ng juice. Mabubusog ka lang, hindi ka malalasing." tatawa-tawang sambit ni Kuya Kenshin.
"Mild liquors not juice for kiddies," seryosong sambit ni Zerach kay Kuya Kenshin.
Agad kong sinulyapan si Zerach dahil sa pagkaseryoso ng tono niya. Hindi naman makatingin si Kuya Kenshin sakaniya.
"I-I didn't buy mild liquors, mga beer 'yong nandoon." halatang ilang si Kuya Kenshin sa pag sambit no'n.
Tumalikod na siya sa'min at agad na nagtungo sa lamesa nila.
"Juice nanaman? Kakulay na ng ihi ko 'yan, eh!" inis parin na sigaw ni Sachzna saka itinuro ang kulay violet na juice.
Natawa naman ako sakamiya. Kumuha ako ng isang juice at agad na ininom ito.
"Where have you been?!" rinig kong sigaw ni Kuya Zachy kaya't napatingin ako sa gawi nila.
Si Xaerex ang tinutukoy niya na ngayon ay tumatawang lumalapit sakanila.
"Pawis na pawis, o! Mukhang may ginawang mirakulo ito sa cr!" singhal ni Kuya Fourth, isa sa mga kagrupo nila. Nagtawanan naman silang lahat.
"Gago! Nag yosi lang ako saglit." sambit niya bago inumin ang isang beer na binuksan ni Kuya Zachy para sakaniya.
'Liar!'
Kaninang umalis ako do'n sa dining table ay hindi pa natatapos ang pagpupunas ko. At umalis lang ako doon dahil sa inis ko sakaniya. So, meaning tinapos niya 'yon?
'Probably.'
Lumipas ang ilang oras na panay ang tawanan nila dahil sa pinag-uusapan nila tungkol sa mga naging babae nila.
"Oh damn noob!" malutong na mura ni Kuya Zachy, "Aerish? The queen bee one? Tch! I confessed on her, pero sabi niya hindi pa daw niya priority 'yon." nanlulumong aniya bago pa muling uminom ng beer.
"Si Aerish ba na classmate natin 'yon?" biglang tanong naman ni Sachzna bago sumipsip sa straw ng juice na hawak hawak niya.
"Sira, may iba pa bang queen bee sa campus?" sarkastikong sagot naman ni Zerach.
"Ano bang malay ko diyan sa 'queen bee' na 'yan!" ani Sachzna at parehas kaming pinagtaasan niya ng kilay.
Kahit pa hindi aminin ni Sachzna ay alam na alam kong may gusto ito sa kuya ko. Ramdam ko na wala lang itong lakas ng loob na umamin. Kaya't gano'n na lamang itong mag maktol sa tuwing magkwekwento si Kuya Zachy tungkol sa mga babaeng natitipuhan niya.
"Oo, super crush 'yon ni Kuya Zachario, eh!" asar ko pa sakaniya.
Inis naman siyang magbuntong hininga at tumingin lang sa kung saan.
Patuloy parin silang nag uusap ng mga bagay bagay. Kung hindi tungkol sa mga babae ay tungkol naman sa mga parte ng kotse. Busy si Sachzna at Zerachiel sa pagpindot sa kanilang mga cellphone habang ako ay deretso lang ang tingin sa gawi nina Kuya at nakikinig na lang kahit na wala kahit ni isa akong maintindihan.
Nasa gano'n akong sitwasyon nang biglang bumukas ang pintuan. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ko ang kaniyang kabuuan.
Gano'n parin. Magulo parin ang kaniyang buhok pero mas nakadagdag 'yon ng kagwapuhan niya. Basa ang kaniyang labi dahil ugali nga nitong dilaan ang kaniyang bibig. Naka simpleng army green na t-shirt lang siya tsaka pants pero sobrang lakas na ng dating niya.
"Sorry, I'm late." ani Thiago bago makipag apiran sakanila.
Pinanood ko siyang umupo sa tabi ni Kuya Kenshin. Umiwas ako ng tingin at napalunok pa nang bigla siyang tumingin sa gawi namin.
"Zaicho!" tawag niya sa pangalan ko.
Ayaw ko mang tumingin dahil baka mapansin niyang sobrang naiilang ako sakaniya pero gusto ko rin namang malaman ang gusto niyang sabihin.
Pilit ang ngisi ko sakaniya bago ko siya tanguan.
"Oh, f**k!" malutong niyang mura bago pa masampal ang sarili nitong noo, "Nakalimutan ko sa kotse 'yong para sa interview mo, kukunin ko nalang mamaya?" kalmadong sambit niya bago ngumiti.
'Basta't sasamahan kita sa pag kuha, mahal ko.'
Hindi ko maisalita ang sinasabi ng utak ko kaya't binigyan ko na lang siya ng maaliwalas na ngiti bago muling tumango saka nag iwas ng tingin.
Hindi ko alam kung ba't sobrang naiilang ako. Marahil ay hindi lang talaga ako sanay sa mga inaasta niya sa'kin ngayon. Noon, saka lang niya ako papansinin kapag may ipapasabi man o kung mayroon lang dapat na talagang importanteng sasabihin.
Lumipas ang ilang oras ay gano'n parin ang ginagawa nila, panay ang tawanan at nag-uusap usap tungkol sa mga babae. Boys nga.
"Ikaw, Xaerex? Kamusta kayo ni Lite?" abot langit ang ngiti ni Kuya Zachy nang itanong niya 'yon.
Matagal ng nanliligaw si Xaerex sa pinsang naming si Lite. Balita ko ay kaya naging ganyan katalik ang pagkakaibigan nila Kuya Zachario at Xaerex dahil nga sa panliligaw ni Xaerex kay Lite. Pinsan kong buo si Lite at hindi kami gaanong close. Dahil madalas kaming mag-away sa mga bagay-bagay kahit na noong mga bata palang kami.
'Tch! Parehas kasi silang abnoy kaya hindi na malayo kung magkagustuhan talaga sila.'
"Ayos lang, malapit ko na yatang makuha ang pinsan mo," mayabang pang sambit ni Xaerex bago pa ngumiti ng bahagya.
Kita ko ang pamumungay ng mga mata nito at namumula narin ang magkabila nitong pisngi kaya't halatang lasing na siya.
Agad naman nila itong kinantsawan at pinag aasar.
"Zai, si Thiago!" madiing bulong sa'kin ni Sachzna.
Kunot noo ko siyang binalingan at nakita ko itinuro niya ang gawi ng pintuan gamit ang kaniyang hintuturo. Agad naman akong napalingon doon.
Palabas si Thiago ng roof deck. At malakas ang kutob kong kukunin na niya ang papers para sa mga interview ko.
Mabilis akong nagpaalam sa dalawa bago magsimulang lumakad para sundan si Thiago.
Siguro ay nakaramdam na ang isang 'to na kailangan na niyang ibigay 'to sa'kin dahil naka ilang bote na siya ng alak.
Pagkalabas ko ay hindi na muna ako humakbang ng mabilis sa hagdan dahil sa may narinig akong boses at alam ko na nasa pangalawa palang siyang hagdan.
Mayroon ring pader na naghihiwalay sa dalawang magkaibang hagdan kaya't hindi ako makikita ng taong 'yon kapag nagkataon.
"Mommy, huwag mo ng pauwiin 'yan! I hate seeing him here!" Boses 'yon ni Thiago.
Pansin kong inis siya dahil sobrang diin ng pagkakasambit niya sa bawat salita ng pangungusap na 'yon, halatang pinipilit niyang huwag sumigaw.
"What?! Nagpatanggal siya ng main organ? So he's a transwoman now? Oh, great!" muling singhal niya.
Transwoman? May idea ako tungkol doon pero hindi ko alam ang totoong kahulugan nito.
"Mommy, stop! Huwag mo na siyang kampihan, please?! Hindi ko 'yan kapatid, okay? Kahit kailan ay wala namang naiambag 'yang baklang 'yan sa pamilya natin!" halatang gigil na si Thiago sa pag sambit no'n.
Agad namang nanlaki ang mga mata ko sa huling linyang sinabi niya. Muli akong napahakbang pababa at mas lalong inilapit ang tainga ko sa pader para mas maging malinaw sa'kin ang pakikinig ko.
"s**t," halatang pigil si Thiago sa pagmumura dahil malamang ay Mommy niya ang kausap niya, "Tinatanong mo ako kung bakit ayaw ko 'yang umuwi dito, Mom?" aniya bago ko narinig ang malamin niyang pag hinga.
"Because I hate gays!" Tila ba hindi na napigilan ni Thiago ang sarili niya at nasambit niya 'yon ng pasigaw.
"Because I hate gays!"
"Because I hate gays!"
"Because I hate gays!"
"Because I hate gays!"
"Because I hate gays!"
Agad namang nag echo ang huling linyang sinambit niya sa utak ko. Laglag panga akong napatitig sa pader na pinaglapatan ko ng aking mukha para mas mapakinggan ko ang huling sinambit ni Thiago. Napahawak ako sa bakal na nasa gilid ko.
Napatulala ako sa kung saan. Pilit kong isinasautak ang huling impormasyong nakalap ko mula kay Thiago.
'Did I just hear it right?'
Hindi ko alam kung ano'ng balak ng mapang-asar kong utak. Mabilis kasing gumuhit sa utak ko ang lahat ng mga pagpapapansing ginawa ko noon sakaniya. Lahat-lahat ng pagsusuplado niya sa'kin. Kung paano niya ako itaboy at minsan ay pinapahiya pa niya.
Kaya pala gano'n nalang kabilang sa daliri ko ang pag ngiti at pagiging mabait niya sa'kin dahil... dahil sa ayaw niya sa mga taong kagaya ko?
Halos manlaki naman ang mga mata ko nang makitang humakbang siya sa hagdang kinaroroonan ko ngayon.
Halata ko ang bakas ng pagkainis sa mukha niya habang paakyat. Pero agad rin itong napalitan ng pagkagulat nang makitang nakatayo ako doon.
"Zai, kanina ka pa diyan?" Malumanay niyang tanong.
'Oo! Kanina pa ako dito at narinig ko kung paano mo isampal sa'kin na ayaw mo sa mga taong katulad ko!'
"H-Hindi, kakalabas ko lang. Inutusan lang ako ni Kuya Zachy na kunin 'yong ibang alak sa kusina." Hindi ko maideretso ang pagsisinungaling kong 'yon.
Agad akong nag-iwas ng tingin sakaniya dahil deretso ang tingin niya sa mismong mga mata ko.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi sakaniya ang laman ng utak ko at nagagawa pang magsinungaling para lang hindi siya mag-alala.
"I see." Sambit niya bago umiwas rin ng tingin sa akin. Halatang naiilang siya dahil pakiramdam ko ay hindi siya naniniwala sa naging dahilan ko.
Muli siyang humakbang paakyat kaya kusa ring gumalaw ang mga paa ko pababa kaya't nadaanan ko siya. At doon ay naamoy ko ang pabango niyang kinababaliwan ko, siyang dahilan ng pangingilid ng mga luha ko.
Halos takbuhin ko na ang daan papuntang kusina. Hindi ko alam kung ba't don ako dinala ng mga paa ko pero pakiramdam ko ay walang kahit na sino mang gagambala sa'kin dito.
Agad akong umupo sa may long table at ipinatong ko ang ulo ko sa mga palad ko. At sa pagkakataong 'yon ay hindi ko na napigilan ang sarili kong pakawalan ang mga luhang kanina'y nagbabadya lamang.
All this time ay parang umaasa lang din pala ako sa wala? Dahil ang kung ano'ng nakaguhit na pangarap ko sa aking utak kasama si Thiago ay mananatiling pangarap nalang.. dahil kailanman ay hinding-hindi niya ako matitipuhan.
Kapatid pa nga lang niya ay hindi niya na magawang tanggapin, paano pa kaya ako na walang ginawa kung hindi ang magpakita ng motibo sakaniyang gustong gusto ko siya?
Ipinatong ko ang dalawang siko ko sa lamesa at do'n ay agad kong inihilamos ang dalawang palad ko. Tuloy tuloy parin ang pagbuhos ng aking mga luha dahil sa hindi ko alam kung paano patahanin ang sarili ko.
'Zaicho, kahit kailan ka talaga lokaret ka!'
Nasa gano'n akong sitwasyon nang may biglang humawak sa balikat ko.
Kaya agad kong pinunasan ang mukha ko gamit ang sleeve ng hoodie ko bago ko sulyapan ang taong 'yon.
"Hey, why are you crying?" sobrang kalmadong sambit niya.
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya saka hinila ang upuan sa tabi ko at umupo siya doon.
"Hindi ko alam na umiiyak pala ng ganyan kalala ang mga masusungit na katulad mo." Dagdag pa nito kaya't binalingan ko siya.
'Nandito ba ulit ang isang 'to para mang asar?'
"'Wag mong sabihing mas matangkad ka sa'kin dahil nananapak rin ako." Inis kong sambit habang pilit na kinakalma ang sarili ko.
Rinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Xaerex kaya lalo akong nainis.
"See? Nagsusungit ka parin kahit hikbi ka ng hikbi diyan," rinig ko sa tono ng boses niya ang pagkalasing, "Tell me, why are you crying?" aniya pa bago isinandal ang likuran niya sa upuan.
Kita ko ang pagpungay ng mga mata niya kaya't lalong nadepina ang mga malalalim nitong mga mata.
"It's none of your business," walang ganang sambit ko bago tumayo at dali daling umakyat. Wala akong rason para makipag usap pa sa isang 'yon.'
Pagkarating ko ng kwarto ko ay agad kong idinukdok ang mukha ko sa unan ko at doon ay muling bumuhos ang mga luha ko.
'Because I hate gays!'
Doon ay muling sumibol sa utak ko ang linya ni Thiago na talaga namang dinurog ako ng malala.
How can I love a person who doesn't look fair on my humanity? Thiago, why are you so mean?!