Hindi ko alam kung papaano ako nakaramdam ng antok kagabi pero sigurado akong mahaba-haba ang naging tulog ko.
Pero hindi ko parin maiwasang hindi mabanas. Alas sais pa lang kasi ng umaga pero pakiramdam ko ay mabigat na agad ang simula ng araw ko.
'Because I hate gays!'
Muli akong napabuntong hininga nang maalala ang linyang 'yon ni Thiago. Hindi ko alam kung nang-aasar ba ang utak ko dahil pinaalala pa ito. Marahan akong pumikit at pilit ko nalang na iniwaksi ang isiping iyon saka bumangon na at dumeretso sa banyo.
Mabilis lang akong naligo at nagpalit bago bumaba. At doon nga ay naabutan kong kumakain na ng agahan si Kuya Zachy at naka uniporme narin.
"Goodmorning, Zai, anak. Kumain kana dito." masayang bati sa'kin ni manang na abala sa pagpupunas ng mga antique vase sa sala.
"Goodmorning po, manang." nakangising bati ko rin sakaniya bago ako dumeretso sa kusina at tumabi kay Kuya.
"Oh, ba't ang aga mong natulog kagabi?" bungad sa'kin ni Kuya Zachy.
Natigilan naman ako sa sobrang seryoso ng naging tono niya. Lumunok pa ako bago pa muling magsalita.
"M-Masakit ang ulo ko." pagdadahilan ko.
Nagsimula narin akong magtimpla ng gatas at maglagay ng pagkain sa aking pinggan.
"Tch. Huwag mong ugaliin 'yong ganyan," seryosong sambit niya, "Hindi ka na ginising nila Zerachiel at ni Tweetie Bird dahil malalim na raw ang tulog mo." sabi pa niya na siyang ikinatawa ko ng bahagya.
"Ano'ng tinatawa tawa mo diyan?" seryoso parin ang mukha niya nang lingunin ako.
"Kuya, Sachzna or Sachi hindi Tweetie Bird." sambit ko sakaniya bago pa matawa ulit.
"Eh, dinaig pa niya si Tweetie Bird sa ingay niya, eh!" sambit niya bago muling sumubo ng bacon.
Sabagay, sa ingay ba naman ni Sachzna ay malamang mapagkakamalan mo talaga siyang tindera sa palengke.
Hindi ko na kinibo si Kuya dahil panay lang din naman siya sa panenermon niya kapag nagsimula pa ako ng usapan.
Maging sa kotse ay tahimik lang ako at deretso lang ang tingin ko sa mga sasakyang nadadaanan namin.
Nasa gano'n akong sitwasyon ako nang muling magsalita si Kuya.
"Darating sina Malach next month," seryosong sambit ni Kuya na deretso parin ang tingin sa daan.
Agad naman akong nabuhayan ng laman nang marinig ko 'yon.
"Talaga?! Ba't next month pa daw?" nakangisi kong tanong sakaniya.
"Eh, sa pa-importante ang mokong na 'yon, eh." halatang inis siya sa
pagkakasambit no'n.
Matalim ko siyang tiningnan bago pa muling magsalita.
"Kailan ba kayo mag-aayos ni Kuya Malach?" iritadong tanong ko habang deretso parin ang matalim kong tingin sakaniya.
Nakita kong nag igting kaniyang mga panga. Sobrang seryoso ng mukha nito. Halatang galit siya.
"Huwag mo ng tanungin kung kailan. Dahil ako mismo, hindi ko alam kung kailan ko mababangasan ang mukha no'ng gagong 'yon." may halong pagbabanta ang tono niya.
Inis akong nag iwas ng tingin sakaniya.
'Ang tatanda na nila para sa ganyang klase ng away!'
Kapatid nila ako pero hindi gaano ka-detalyado sa utak ko ang dahilan ng kanilang pag-aaway. Si Kuya Malach ang panganay namin. Sobrang close namin sa isa't isa. Siya 'yong kinalakihan kong nagtatanggol sa'kin laban sa mga taong nagtatangkang manakit sa'kin. Dahil sa mga business ng pamilya namin, maraming kalaban ang parents ko at kadalasan ay ako ang puntirya nila. Siya 'yong kakampi ko sa lahat ng bagay. Kaya gano'n na lamang ang panlulumong naramdaman ko nang isama nila Mommy at Daddy si Kuya Malach papuntang America.
Hindi ko rin alam ang eksaktong detalye kung bakit gano'n na lamang kagalit sila Mommy at Daddy noong huling araw na magkasama kami ni Kuya Malach, no'ng minsang makitang tinuturuan ako ni Kuya Malach magmotor sa harap ng bahay namin. Nasa second year high school palang ako noon kaya't hindi ko pa maintindihan masyado ang pinagsasasabi nila Mommy at Daddy.
~FLASHBACK~
"Kuya!" tawag ko kay Kuya Malach nang makita ko siyang nagsisimulang imani-obra ang motor sa harap ng bahay namin.
"Oh, baby? Why you're still here? Marami ng lamok dito." bakas ang pag aalala sa mukha ng Kuya Malach ko.
"I wanna learn that thing, eh!" nakanguso pang sambit ko at pumapadyak-padyak pa ang mga paa.
Nakangisi namang bumaba ang Kuya ko sa motor niya at nagsimula siyang maglakad papalapit sa'kin.
"Kuya, you're sweat!" sigaw ko bago ko pa ituro ang noo niya nang makita ko ang mga butil ng pawis dito.
Bakas rin sa damit ni Kuya ang pawis. Kanina pa kasi siya naglalaro ng basketball, eh.
"Hmm.. My baby is concern, huh?" nakangising sambit ni Kuya nang makalapit siya kaya nakita ko ang dalawang malalalim niyang biloy sa magkabilang pisngi.
Nakanguso naman akong tumango. Ginulo lang niya ang buhok ko bago pa ako akbayan at higitin papunta sa kaniyang motor.
Isinakay niya ako sa harapan niya at pumunta siya sa likuran ko. Agad niyang inilagay ang dalawang kamay niya sa dalawang manibela kaya ngayon ay tila ba nakakulong ako sa dalawang braso niya patalikod. Sobrang lapit namin sa isa't isa, as in. Kaya naaamoy ko ang kaniyang pabango kahit pa na pawisan si Kuya.
"Baby, are you ready?" nakangising tanong pa niya sa'kin.
"Yes, Kuya!" masayang sagot ko sakaniya.
Hinalikan pa niya ako sa ulo bago niya pinaandar ang motorsiklo.
Panay ang pagbuntong hininga ko habang nilalanghap ang masarap na simoy ng hangin habang umaandar kami ni Kuya Malach. Inikot lang namin ang buong subdivision bago pa nagdesisyong umuwi.
"I really want to go out with you, baby. Pero sa paningin ng lahat, mali, sobrang mali." may ibinulong si Kuya pero dahil sa sobrang hina nito ay hindi ko ito marinig.
Pagkarating namin ni Kuya sa bahay ay kunot noo kong pinagpapalit palit ang paningin ko kina Mommy at Daddy na halatang kanina pa nakatayo at naghihintay sa harap ng aming bahay.
"Malach!" galit na sigaw ni Daddy kaya't bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
"K-kuya, t-they're mad." mangiyak ngiyak kong bulong sakaniya.
"Baby, don't worry, you're knight is here." bahagya pa siyang ngumiti.
Agad na kinalas ni Kuya ang pagkakakulong niya sa'kin sakaniyang braso bago pa ako bumaba sa kaniyang motorsiklo.
"Zachy, dalhin mo si Zaicho sa kwarto niya at huwag na huwag mong hahayaang makalapit ulit siya dito kay Malach." hindi sumigaw si Daddy pero nasa tono niya ang awtoridad.
Agad namang lumapit si Kuya Zachy sa'kin at hinawakan ako sa braso. Bago pa niya ako higitin papalayo ay tumingin na muna ako kay Kuya Malach.
"K-kuya.." hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo na ang mga luhang nagbabadya lamang kanina.
Binigyan niya lang ako ng isang makahulugang ngiti. Alam kong mapapagalitan ulit siya nina Mommy at Daddy. Hindi ko alam kung bakit! Hindi!
"Zai, let's go." maging si Kuya Zachy ay matalim ang tingin kay Kuya Malach.
Napayuko na lang ako at sumunod sakaniya. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan nila si Kuya Malach. Pakiramdam ko, sa tuwing didikit ako sakaniya, maraming taong magagalit.
"You're so disgusting! Sinabi ko na sa'yong layuan mo si Zaicho! Kapatid mo 'yon, Malach! Kapatid mo! Hindi mo ba kayang intindihin 'yon!" rinig ko pa ang panggigigil ni Daddy nang isigaw iyon sa mismong mukha ni Kuya Malach.
Sobrang naaawa ako sakaniya. Sobra. Gustong gusto ko siyang yakapin para iparamdam sakaniya na hindi siya nag iisa. Pero kahit na magtangka ako, alam kong sa'kin magagalit sina Mommy't Daddy.
Sa bawat salitang bibitawan nila kay Kuya Malach, ni isa ay wala akong maintindihan!
~End Of Flashback~
Napayuko ako nang mangilid ang luha ko nang maalala ang pangyayaring 'yon.
'Yon na kasi ang huling pagkikita namin ni Kuya Malach dahil kinabukasan no'ng araw na 'yon ay agad silang bumyahe kasama nina Mommy at Daddy papuntang America. Simula no'n, tuwing uuwi sina Mommy at Daddy dito sa pilipinas ay hindi nila kasama si Kuya.
"Sobrang miss na miss ko na si Kuya Malach," wala sa sariling naisambit ko.
Rinig ko naman sa gilid ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Kuya Zachy.
"Zai.." kalamadong tawag sa'kin ni Kuya, "Kung alam mo lang." dagdag pa niya.
Sandali ko siyang tiningnan dahil sa linya niyang 'yon, hindi ko siya kinibo at muli kong itinuon ang pansin ko sa daan. Napapamura nalang ako sa utak ko dahil sa dami ng mga tanong dito.
Hindi na rin ako kinibo ni Kuya at tinuon na lamang ang pansin nito sa pagda drive.
Kahit kailan ay hindi niya ako binigyan maski isang detalye kung bakit gano'n na lamang ang galit nito kay Kuya Malach.
Hanggang sa makarating kami ni Kuya sa school ay wala pa rin kaming kibuan.
Pagkababa ko ng kotse ay nagtanguan lang kami bago ko siya talikuran at naglakad na papuntang building namin.
Panay naman ang ngiti ko sa mga taong bumabati sa'kin habang naglalakad ako papuntang classroom namin.
Hindi ako sikat, pero kilala ako ng karamihan dito sa school dahil nga sa Kuya ko si Zachario 'Zachy' Fortalejo, captain ng Helix, pangalan ng basketball team nina Kuya.
Pagkadating ko ng room ay wala pa naman ang lecturer namin. Sa bandang likuran ay namataan ko sina Zerach at Sachzna na nagdadaldalan. Nang makita nila akong naglalakad papalapit sakanila ay saka lang sila tumigil sa tawanan at deretso ang tingin sa'kin. Tahimik lang akong umupo sa tabi nila.
"O, ba't naka poker face ka?" kunot noong tanong ni Sachi.
Bumuntong hininga ako at tinanggal na sa balikat ko ang nakasabit ditong bag.
"Badtrip si Kuya, eh. Galit galitan ang eksena niya." inis kong sambit sakanila bago pa sumandal sa upuan.
"At tsaka, ano'ng nangyari sa'yo kagabi, ha? Sinundan mo lang si Thiago pero hindi ka na bumalik!" muling singhal sa'kin ni Sachzna.
"May nangyari ba?" taas kilay na tanong rin ni Zerachiel.
Pinagpapalit palit ko ang tingin ko sakanilang dalawa dahil parehas silang nakatingin sa'kin ng deretso.
"S-Sumakit nga ang ulo ko," walang ganang pagdadahilan ko bago ako nag iwas ng tingin.
"Hindi naman ulo mo ang tatawag sa'min para sabihing may masakit sa'yo, 'di ba? Ba't 'di mo kami sinabihan?" sarkastikong tanong ni Zerachiel.
Bumuntong hininga ako bago ko sila muling tingnan. Nakanguso si Sachzna sa'kin at nakapangilid pa ang kaniyang ulo at halatang hindi kumbinsido sa naging dahilan ko.
"Sabihin mo na," sambit pa ni Sachzna habang nakapangilid parin ang ulo, "Ulul, kukutusan kita!" mariing sigaw niya, maging si Zerachiel ay nakataas ang kilay at deretso ang tingin sa'kin.
Napaayos ako ng upo. Kahit kailan talaga ay hindi ako makakatago maski isang sikreto dito sa dalawang 'to.
"Eh, kasi," panimula ko bago pa magbuntong hininga, "S-si Thiago narinig ko ayaw niya sa mga taong katulad ko." deretsong sambit ko bago pa bahagyang yumuko.
"Ano'ng mga taong katulad mo?"
Inis kong pinagtaasan ng kilay si Sachi.
"Gays!" singhal ko.
Rinig ko naman ang sobrang lalim na pagbuntong hininga ni Zerachiel saka pa sumandal sa upuan niya.
"As in direct to the point?" mariing tanong niya.
Tumango lang ako. Sandaling katahimikan na muna ang bumalot sa'min. Halatang pilit nilang dalawang sini sink in sa mga utak nila na nanggaling kay Thiago ang gano'ng mga salita.
"Gago, foul 'yon!" may pag-aalala sa tono ni Sachi.
"Tsk. Thiago is out of his mind. Ba't naman niya 'yon sasabihin sa'yo kung alam naman niyang masasaktan ka?" biglang tanong ni Zerachiel.
"No. Hindi niya siguro alam na nando'n ako sa kabilang hagdan, tapos talagang sinigaw niya sa kausap niya sa cellphone that he hate gays." pagpapaliwanag ko pa.
Muling katahimikan ang namayagpag. Nakatingin lang silang dalawa sa kung saan, nag-iisip.
"Eh, ano na ngayong plano mo?" pagbasag ni Sachi sa katahimikan.
Nagkibit balikat lang ako bago tumingin sa harapan.
"If that's the case, Zaicho. Habang maaga pa lang ay i-uncrush mo na 'yang Thiago na 'yan," seryosong sambit ni Zerachiel kaya't agad akong napalingon sakaniya, "If he can't accept the fact that your super gay, parang binigyan ka na rin niya ng rason para tigilan mo na siya." seryoso paring sambit niya.
Napatango tango naman si Sachi bago siya magsalita.
"Okay, sabihin na natin na may chance maging kayo ni Thiagago? Do you think mage-exist kayo sa society kung IKAW lang ang nagmamahal?" sambit ni Sachi bago pa tumingin ng deretso sa'kin, "We care for you a lot, Zai. If he can't accept you now that you're still not in a relationship, how much more if you invest more love to him, right? Gago, lalo ka lang masasaktan." seryosong sambit niya sa mga mata ko. Halatang sobrang nag aalala ang isang 'to.
Nasa gano'n kaming sitwasyon nang batukan ni Zerachiel si Sachi, agad namang nanlaki ang mga mata ni Sachi at parehas naman kaming natawa ni Zerach sa naging reaction niya.
"Sachzna Aria Yleji, girl, you're aging!" nakangising sambit ni Zerach at pumapalakpak pa.
Sinamaan lang ng tingin ni Sachi si Zerach na siyang ikinatawa pa niya ng mas malakas.
"Tama siya, you're being matured now." malumanay kong asar rin sakaniya.
"Sira! Malamang nasa bingit ka ng pagkawasak!" singhal niya sa'kin bago ako irapan.
Sobrang dalang kasing magsalita ng mga kung ano anong seryosong bagay nitong babaeng 'to. Kaya hindi ko masisisi si Zerach.
Maya maya pa ay dumating na ang lecturer namin. Hindi ako makapag focus sa mga dinidisscuss ng lecturer namin sa harapan dahil sa iniisip ko ang mga sinabi ng kaibigan ko.
Bakit kaya gano'n nalang ang galit ni Thiago sa mga taong katulad ko? Konektado ba ang rason niyang 'yon kung bakit halos lahat ng eksena naming dalawa ay puro lang pagsusuplado niya?
Pero bakit nagiging mabait siya sa'kin ngayon?
Inis kong ibinalik ang mga gamit ko sa bag ko. Tapos na ang klase namin at aamin ko, kaunti lang ang naintindihan ko dahil wala sa loob ng classroom ang utak ko.
"Gusto mo ihatid ka na namin?" kalamadong anyaya ni Zerachiel.
"Hindi na, kabilang building pa kayo, eh. Sa batibot nalang tayo mamaya." sambit bago pa tuluyan ng magpaalam sakanila.
Hindi kasi kami magka classmate sa subject namin na TLE dahil iba ang pinili nilang dalawa na strand. Ang kinuha ko ay Drafting habang silang dalawa ay Cookery.
Gano'n parin, marami paring bumabati sa'kin sa tuwing may makakasalubong ako at wala akong magawa kundi ang ngumisi lang pabalik sakanila.
Pagkarating ko sa TLE Department ay kunot noo kong pinagmasdan ang ilang mga classmates kong nagsisilabasan sa classroom namin.
"Zaicho!" nakangiting tawag sa'kin ni Shaina, isa sa mga classmate ko.
Nginisian ko siya pabalik at saka itinaas ang dalawang kilay bilang tugon sa pagtawag niya sa'kin.
"Tawag ka ni Sir Hernandez," nakangisi paring sambit niya.
"S-salamat." sambit ko bago ko siya hinandugan ng isang pilit na ngisi.
Agad ko namang tinungo ang daan papuntang classroom namin. Wala akong ideya maski isang katiting kung bakit ako pinatawag ng aming lecturer kaya't kunot noo kong pinihit ang seradula ng pintuan ng aming classroom.
"S-sir?" pag-agaw ko ng atensyon niya nang makitang abala ito sa pagta type sa kaniyang laptop.
"Come in,"
Marahan pa akong napalunok nang hindi siya tumingin sa'kin nang sambitin 'yon. Walang halong ekspresyong nakapinta sa mukha nito na siyang nagpaparamdam sa'kin ng sobrang pagka ilang.
'Kahit kailan talaga hindi matatanggal ang sobrang pagka terror ng isang 'to!'
Iniwas ko ang tingin ko sakaniya saka agad na umupo sa upuan na kaharap ng desk table niya.
"You're the little brother of Zachario Fortalejo, isn't it?" kalmadong tanong niya.
"Y-yes sir."
"Oh, I see," simpleng tugon niya bago tumikhim, "So meaning, meron ka ring paninindigan gaya ng kapatid mo, tama ba ako Mr. Fortalejo?" hindi ko siya matingnan ng deretso dahil sa sobrang tabang ng naging tono niya.
"O-opo, sir. B-bakit po?"
"Next month will be the birthday of our Dean, and he wants to celebrate it here in our campus," pag uumpisa niya kaya't muli akong napalingon sakaniya.
'Ano namang kinalaman ko sa birthday ng Dean? Ako ba ang mag aayos ng catering?'
"At nag request siya sa aming mga head per Department na magkaroon ng tig isa or dalawang representative to perform on the day of celebration." sambit pa ni Sir bago pinagsalikop ang dalawang palad niya.
"At kahapon, may lumapit sa akin, and that person suggested you to be one of those performers," sambit niya sa mismong mga mata ko.
Bahagya namang umawang ang bibig ko sa huling linyang binitawan ni Sir Hernandez.
"Ba't po ako?" kunot noong tanong ko habang nakaturo pa sa sarili.
"Ayaw mo?" nakataas kilay na asik ni Sir Hernandez.
Umayos ulit ako ng pagkakaupo nang marinig ko ang pagka irita sa tono niya.
"Ayaw mo no'n? You have an additional points to your academics," aniya pa.
"P-pero sir I can't danc-"
"Pero sinabi ni Mr. Aragones na kumakanta ka." pagputol niya sa pagsasalita ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa narnig kong pangalan.
"Si Aragones po?"
"Yes, si Mr. Xaerex Aragones, sinabi niya sa'kin na sinabi mo daw sakaniya na gusto mong magperform sa stage," sambit niya bago bahagyang ngumsi, "Kaya't tinatanong kita kung may paninindigan ka gaya ng Kuya mo, dahil siya, nagawa niyang pamunuan ang Helix." sambit niya bago pa sumandal sakaniyang upuan.
Wala akong nagawa kundi ang matawa sa kawalan.
'Xaerex is such a jerk!'
Marahan akong pumikit upang pakalmahin kahit paano ang sarili ko dahil ayaw kong makita ni Sir Hernandez na hindi ako sang ayon sa naging desisyon niya.
'Tch! Wala naman na akong magagawa!'
"S-sige po, Sir. I'll try my best po." sambit ko nalang bago ako unti unting tumayo at lumabas na sa classroom.
Malalim ang bawat paghinga ko dahil sobrang kumukulo ang dugo ko sa galit.
'This is not funny anymore, Xaerex!'
Nagawa niyang magsinungaling para lang mang asar?
Inis kong tinungo ang daan patungong batibot. Wala siya sa classroom kanina kaya't hindi ko siya nasinghalan.
'Magperform ka mag isa mo!'
Pagkarating ko ng batibot ay agad kong sinalpak ang earphone sa tainga ko. Malamang mahigit isang oras pa akong magi stay dito sa batibot dahil matatagalan pa ang klase nina Zerachiel at Sachi.
'Gusto kong manapak ng tao!'
Ano'ng pumasok sa kokote ng isang 'yon para gawin sa'kin ang gano'ng kalalang kalokohan?
Inis kong inihilamos ang aking dalawang palad sa mukha ko. Gusto ko lang naman ng peace of mind sa tuwing papasok ako dito sa campus na 'to! Pero bakit hindi magawang ibigay sa'kin ni Xaerex 'yon?
'Tapos ngayon binigyan pa niya ako ng isang mas malaking problema?'
"I swear, you'll pay for it Xaerex!" inis kong singhal sa hangin bago pa tumitig sa kung saan.
Para akong tanga dahil hinahanap ko sa kawalan ang bawat sagot sa tanong ng utak ko.
Nasa gano'n akong sitwasyon nang maramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko sa tabi ko.
Hindi nakasave sa cellphone ko ang tumatawag sa'kin ngayon dahil numero lang ang nandodoon.
Kunot noo ko naman itong sinagot.
"H-Hello?" pilit kong kinalma ang sarili ko nang sambitin 'yon dahil hanggang ngayon ay naginginig parin ang sistema ko dahil sa kalokohang ginawa ni Xaerex.
"Hello? Who's this?" muling sambit ko nang walang sumagot sa kabilang linya.
Nangunot naman ang noo ko nang marinig ang isang malalim na boses na tumikhim sa kabilang linya.
"Parang kailan lang," tila ba namamaos na sambit ng isang taong may malalim na boses.
"I don't have time to fool around so please tell me, who are you?" iritang tanong ko.
Rinig ko ang isang bahagyang paghalakhak. Maging ang tunig ng malalim na pagbuntong hininga ay tumatas sa tainga ko.
Ilang sandali'y katahimikan ang siyang namayagpag. Inakala kong magsasalita ulit 'yong kungsino mang lalaking 'to nang makarinug ako ng huni ng oag ngisi. Pero hindi, tinawanan nga lang ako ng kumag.
"I'm confused! Who's this?" hindi ko na napigilan kaya't bahagyang tumaas ang boses ko.
Gusto ko pa sama siyang singhalan at pagmumurahin na. Pero mabilis na naurong ang dila ko nang marinig kong muli ang paghalakhak nito saka sinundan niya ng pagtikhim bago pa siya muling magsalita.
"Bye for now, Sui." ang huling naging sambit nito bago ko narinig na pinatay na nito ang tawag.
Pagkatapos no'n ay para akong sira na napatulala at napatitig lang sa kung saan.
'Isang tao lang ang tumatawag sa'kin ng 'Sui'.'
"Malach, is it you?" Wala sa sariling naitanong ko sa aking sarili.