~Now playing For Now by Lauv~
I know it's hard to feel so
Close to someone
That's so far away
But for now, I'll love you through the phone..
And for now, our friends will fill this home..
I'm really gonna miss you, but I'll kiss you through the screen..
For now, 'til you come home to me..
Agad na naagaw ng pansin ko ang liriko ng tugtog na 'yon mula sa isang speaker na nasa gawi ng isang batalyong mga estudyante sa gilid ng batibot.
'How did that happen? He is far away and he does not have my number.'
Kung sakaling si Kuya Malach man 'yon, bakit hindi pa niya sinabi sa'kin ng deretso? At akala ko ba ay next month pa sila uuwi?
Marahan nalang akong napapikit at do'n ay pilit kong iniwaksi ang mga nakakabanas na mga eksena ngayong umaga.
Pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko sa sobrang dami ng iniisip kaya't sinadya kong nanatiling nakapikit at isinandal pa ang likod ng aking ulo upang makaramdam ako kahit papaano ng pagka kalma.
Nasa gano'n akong sitwasyon nang marinig ko ang ilang mabibigat na yapak. Agad kong iminulat ang mga mata ko. Hanggang sa naagilap ko ang isang lalaking mayroong abot taingang ngiti habang papalapit sa gawi ko.
"Hi, Zaiyie!" nakangiting sambit ni Xaerex.
Matalim ang naging tingin ko sakaniya nang nakatayo na siya sa harapan ko.
"O, tingnan mo? Naka make face ka nanaman," natatawa pang sambit nito bago magtangkang umupo sa tabi ko.
Bago pa siya tuluyang makaupo ay inis akong tumayo at lumipat sa kabilang dulo ng batibot.
At do'n ay kunot noo niya akong tiningan. Muli ay naramdaman kong umakyat ang init sa ulo ko nang marinig ang bahagyang paghalakhak galing sakaniya.
"Hindi naman ako silent killer para katakutan m-"
"Bakit ka nagsinungaling?" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at sarkastiko kong naitanong sakaniya 'yon.
"What do you mean na nagsinungaling?" hindi pa makapaniwalang tanong niya.
Para akong timang na umiiling iling bago bahagyang natawa dahil sa para siyang batang inosente kung sagutin ako.
"You know what? People like you should not be given even the slightest attention! Napaka papansin mo, alam mo ba 'yon? Hindi ka na nakakatuwa." inis na singhal ko sakaniya.
Ramdam ko ang panginginig sa mga labi ko nang isigaw ko ang linyang 'yon sa mismong mga mata niya.
Do'n ay nakita kong napalitan ng pagkagulat ang mukha niya. Natigilan siya sa sigaw kong 'yon.
Sandali na munang katahimikan ang namayagpag bago ako inis na tumayo at nagsimula ng maglakad papalayo doon.
"Hey," malumanay na pigil ni Xaerex sa'kin, "A-are you mad?" kalmadong tanong niya.
'Obvious ba? Engot ka talaga.'
Inis akong huminto sa paglalakad ko bago ako humarap sakaniya.
"Sino'ng matutuwa sa ginawa mo?" rinig kong may galit nga sa tono ng pananalita ko.
"I just want to hel-"
"And who the hell are you to dictate things for me?" madiin kong tanong muli sakaniya.
Sa sobrang inis ko ay hindi ko masisisi ang sarili ko kung hindi lang pagsigaw ang magawa ko sakaniya ngayon.
Tiningnan niya ako sa mata. 'Yong itsura niya kaninang nang aasar ay napalitan ng sobrang kalmadong ekspresyon ng mukha, kita ko sa mga mata niya ang guilt.
"Kakausapin ko si Sir Hernande-"
"Do you think papayag pa 'yon? You said it already! Paano mo pa mababawi 'yong mga katarantaduhang sinabi mo sakaniya?" hindi ko na napigilan ang sarili ko't isinigaw kong muli 'yon sa mismong mukha niya. Halos tapusin ko na ang buhay niya sa sobrang talim ng pagkakatingin ko sakaniya.
"Ang hirap kasi sa'yo, hindi mo sineseryoso ang mga bagay bagay! Palibhasa sa sobrang papansin mo, maging si Sir Hernandez ay napapayag mong gawin ang mga kagaguhan mo!" muli kong sigaw sakaniya.
I know that Sir Hernandez is gay and Xaerex took advantage of that to tease me.
Natigilan siya sa sigaw kong 'yon. Hindi na muna ako nagsalita at hinintay ko ang magiging sagot niya. Maya maya'y nag-iwas siya ng tingin sa'kin. Kita ko pa kung paano nag igting ang kaniyang mga panga.
Marahan pa akong bumuntong hininga. Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Tila ba nawalan ako ng enerhiya sa pagkakasigaw ko no'n sakaniya.
Sandaling katahimikan na muna ang namutawi sa pagitan naming dalawa bago pa siya muling magsalita.
"Hmm.. Yeah," sobrang lumanay niyang sambit habang tumatango tango pa, "I-I'm sorry, Zai," aniya pa bago muling tingnan ako sa mga mata.
Hindi ko alam pero nang tingnan ko ang mga mata niya ay tila ba ako naman ngayon ang nakaramdam ng guilt. Sobrang kita ko dito ang lungkot.
Pilit kong iniwas ang aking tingin bago pa tumalikod mula sakaniya at nagsimula ng maglakad papalayo ng batibot.
Kung mayroon mang may kasalan dito, siya 'yon dahil siya mismo ang nagsimula kaya't huwag na huwag niyang ipaparamdam sa'kin na sobrang foul ng mga sinabi ko.
Marahan pa akong pumikit at pilit kong pinapakalma ang sistema ko dahil medyo nanginginig pa ang mga kamay ko.
Inis kong nilandas ang papalabas ng building at saktong pagliko ko mula dito ay agad kong namataan ang isang lalaking nakasandal sa pader at nakatingin sa mga taong dumadaan. Halatang may hinihintay.
Lumilinga linga ito sakaniyang paligid at bumabati sa mga taong ngumingisi sakaniya. At medyo nanlaki naman ang mga mata ko nang mahuli ako ng paningin niya.
Gustuhin ko mang mag iwas ng tingin pero mismong mga mata niya ang tila ba nagsasabing 'wag ko siyang lubayan ng titig.
Ngumiti si Thiago ng pagkalaki laki bago pa siya magsimulang maglakad papunta sa gawi ko.
Habang papalapit siya ay ramdam ko ang paghaharumentado ng dibdib ko.
"Hi, Zaicho," nakangiting bati niya nang nasa harapan ko na siya.
Marahan pa akong lumunok bago ako tumikhim.
"H-hi." pilit ang ngising ibinigay ko sakaniya.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng tuwa sa kung saan. Dahil pakiramdam ko ay medyo nabawasan ang inis na nararamdaman ko sa nangyari sa'min ni Xaerex dahil muli kong nakita ang kabuuan ni Thiago.
Gustuhin ko mang iwasan siya pero alam kong ako ang madedehado kapag nagkataon. Sobrang hina ko kasi sakaniya dahil kahit na ano'ng pagsusuplado ang gawin niya sa'kin ay mayroon paring nagtutulak sa'kin na harapin at kausapin siya.
Pinanood ko siyang buksan ang kaniyang bag na nakasabit sa kanan niyang balikat. Inilabas niya dito ang medyo makapal na papel.
Tumikhim pa siya bago muling nakangiting humarap sa'kin.
"I-I forgot to give you this last night," malumanay niyang sambit, "So I waited you here." muli ay ngumiti siya.
Sandali na muna akong tumitig sa inilahad niyang mga papel.
'Hindi naman ganyan kakapal ang questionare na ibinigay ko sakaniya, ah?'
"T-Thank you," pilit muli na ngiti ang naihandog ko sakaniya nang makuha ko ang mga papel.
Dahil nga sa sobra akong mahina sakaniya ay hindi ko parin maipagkakailang sobra parin akong naiilang at nahihiya sakaniyang presensya kahit na sobrang ganda na ng mga inaasta niya sa'kin. Kaya agad akong nag-iwas ng tingin sakaniya. Hinihintay ko kung ano pang susunod niyang sasabihin.
"OMG! Girls, look! Thiago Callejo and Zaicho Fortalejo!"
"Yieee! Are they together already?"
"Sobrang bagay silaa!"
"True! Look at Zaicho, he's much prettier than me! Fair skin siya and petite! He also have that lil' waist line! Oh, god! Why?!"
"Hoi hoi hoi! Kayong mga babae kayo! Kakanood niyo ng bl series 'yan! Papasok na si Ma'am!"
Rinig ko ang madiin na bulungan ng ilang mga kababaihan sa gilid namin.
Sobrang nakaramdam ako ng matinding tuwa sa puso kaya't hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti. Pero pakiramdam ko ay sobrang pula na ng pisngi ko sa halo halong mga kadahilanan. Alam kong nakatingin si Thiago sa'kin ngayon habang nakangiti na siyang nagpaparamdam sa'kin ng mas matinding pagkailang at pagkapahiya.
Thiago smirked!
"Those girls are cute, they thought we're boyfriends." kalmadong aniya bago pa muling tumawa ng bahagya.
"But I can't blame them for thinking in that way," sambit pa niya kaya't hindi ko maiwasan ang sarili ko at napatingin ako sakaniya, "Because they're right.. Bagay nga tayo." nakangiti paring sambit niya sa mga mata ko mismo.
Bahagya pang napaawang ang bibig ko sa huling linyang sinambit ni Thiago. Naghalf smile siya.
Pero hindi ko alam kung ano bang dapat na maging reaksyon ko. Nang dahil sa huling sinabi niya, nagkaroon nanaman ako ng bagong iisipin.
Paano niya nasasabi sa'kin lahat ng 'yan? Gayong halos ipagtabuyan niya na nga ako sa tuwing sasabihin ko mismo sakaniya na may gusto ako sakaniya. At halos manggalaiti siya sa mga taong tulad ko, kagaya no'ng narinig ko sakaniya kagabi.
Bumalik ako sa huwisyo nang makitang bumuntong hininga siya at muling ngumiti ng pagkalaki laki bago pa ako tingnan sa mga mata ko.
"Zai," malumanay niyang tawag sa'kin. Napataas naman ang dalawang kilay ko bilang sagot.
"Can we go out some other days?" sumeryoso ang mukha niya nang sambitin ang pangungusap na 'yon.
Sandali pa akong napatitig sakaniya dahil hindi ako makapaniwala sa gusto niyang mangyari. Hindi pa ako nakasagot agad. Tina try kong isink in ang bawat salitang ibinabato sa'kin ni Thiago.
Patago kong kinurot ang bandang balakang ko para lang siguraduhin na gising ako at hindi panaginip ang lahat ng mga nangyayaring 'to ngayon.
"Uhh.. Don't worry, I'll tell Zachy later," muling sambit niya.
"O-okay, sige," muli ay ngumisi ako ng pilit sakaniya, "Thiago, t-thank you ulit for this, I-I have to go." ilang ko paring sambit sakaniya.
Agad akong tumalikod sakaniya at nagsimula ng maglakad. Rinig ko pang nagpaalam siya sa 'kin kaya't itinaas ko na lang ang kanan kong kamay bilang sagot.
Halos doble ang naging lakad ko papalayo doon.
Hindi matanggal sa mga labi ko ang pagkalaki laking ngiti dahil sa sobrang kasiyahan, alam kong medyo naguguluhan ako ngayon pero alam ko rin sa sarili ko na mas matimbang ang kaligayang nararamdaman ko. Pero gayunpaman ay hindi mo maiaalis sa sarili ko ang sangkatutak na mga katanungan sa utak ko ngayon.
'Alam ba niyang narinig ko siya kagabi at tinatry niyang gawin 'to para lang hindi ako masaktan?'
Muli ay napamura ako sa isip ko. Sa sobrang daming tanong dito sa utak ko ngayon, pakiramdam ko ay sasabog na ito ng wala sa oras.
Marahan akong pumikit at pilit kong iniwaksi ang mga isiping ibinigay sa'kin ni Thiago.
Napagdesiyunan kong pumunta ng canteen para bumili ng bottled water. Ngayon ay nagdadalawang isip ako kung babalik ba ako sa batibot. Baka kasi nandoon pa si Xaerex. Pakidamdam ko ay wala na akong enerhiya para makipagtalo pa sakaniya.
Kaya't nagstay na muna ako sa canteen ng ilang oras at doon ay nahanap ko ang pagka kalma na nais kong makuha kanina sa batibot.
Lumipas ang tatlumpong minuto kaya daki dali na akong tumayo at dumiretso na ng batibot.
'For sure wala na do'n 'yung asungot.'
At doon ay hindi nga ako nagkamali dahil agad kong namataan sina Zerachiel at Sachzna na kumakain na ng snacks at busy silang pareho sabpagdadaldalan. Agad akong umupo sa tabi ni Sachzna na kunot noong nakabaling sa'kin.
"O, ba't antagal mo?" taas kilay na tanong ni Sachzna.
"Kanina pa namin nakita si Sir Hernandez na dumaan dito. Ano 'yon? Kayo mismo nagdismiss sa sarili niyo?" sarkastikong tanong ni Zerachiel habang masamang nakatingin sa'kin.
Inirapan ko lang sila bago inagaw sakaniya ang hawak niyang bottled juice at agad na ininom ito.
Sobrang uhaw parin kasi ako sa eksenang ginawa ni Thiago kanina, pakiramdam ko ay nabawasan ako ng tubig sa katawan.
Nang mahimasmasan ako ay dali dali kong inilabas ang mga papel na ibinigay ni Thiago saakin kanina bilang sagot sa mga tanong nila sa'kin.
Kita ko namang nanlaki ang mga mata ni Sachzna habang si Zerachiel ay nakataas lang ang kilay niya habang deretso rin ang tingin sa mga papel.
"This is much better that ours!" mariing singhal sa'kin ni Sachzna bago muling itinuon ang paningin sa mga papel at binasa ang mga naging sagot ni Thiago sa mga questionares na ibinigay ko.
"Grabe, shiyet ka! Zai, halatang binigyan niya ng oras ang pagsagot niya dito sa mga tanong mo," ani Sachzna habang patuloy paring inililipat ang mga pages ng mga papel.
"Hey, Zaicho," blankong tawag ni Zerachiel sa pangalan ko kaya't kunot noo akong bumaling sakaniya, "Magsabi ka nga sa'kin, alam ba ni Thiago na narinig mo 'yung sinabi niya kagabi?" seryosong tanong niya.
Bumuntong hininga ako bago mangalumbaba at tumingin lang sa kung saan.
"I think hindi naman.. The moment na nakita niya ako, nagdahilan ako eh," sambit ko bago muling bumaling sakanila, deretso ang tingin nilang parehas sa'kin at halatang interesado sila sa magiging sagot ko, "Sinabi ko lang na kalalabas ko.. T-tapos sinabi ko pang inutusan ako ni Kuya na kunin 'yung ibang alak sa kusina." pagpapaliwanag ko pa.
Agad na inirapan ako ni Zerachiel bago pa siya magbuntong hininga.
"Do you think naniwala siya na hindi mo siya narinig?" muling tanong ni Zerachiel sa'kin, "This explains why, Zai." sambit niya bago ituro ang papers na ibinigay ni Thiago kanina.
Agad akong sumulyap sa mga papel. Oo nga, sobrang effort ang ginawa niya kung tutuusin. Mahahaba ang mga naging sagot niya sa bawat tanong at walang maski isang erasure sa pagsusulat niya.
"You're saying that he just made this because he felt so much of guilt last night?" kunot noong tanong ni Sachzna kay Zerachiel.
"Tch. Thiago Callejo is such a lazy man! Do you think mageeffort siya ng ganyan? Eh alam niyang si Zaicho.. Si Zaicho na pinagtatabuyan niya ang nagrequest sakaniya!" singhal ni Zerachiel kay Sachzna.
Bahagya na munang bumaling si Sachzna sa hawak hawak niyang papel, nag-iisip.
"Oo, sabagay," pagsang ayon naman nito.
Agad akong nag iwas ng tingin sakanila at tumingin lang sa kung saan.
Ngayon ay mas lalong gumulo ang isip ko. Do'n rin ako napaisip kong talagang sincere ba si Thiago kanina sa pag aaya sa akin na lumabas.
But I really saw the sincerity in his eyes.
Napaface palm nalang ako bago marahang pumikit.
Sandali lang muna kaming nagstay sa batibot. Hanggang sa marinig namin ang pagtunog ng bell, hudyat na magsisimula na ang susunod na klase namin.
Kumunot ang noo ko nang makitang papalabas ng classroom namin ang mga classmates ko.
"O, Zaddy? Ba't lumalabas kayo?" taka ring tanong ni Sachzna sa class president namin.
"Ah, sinabi ni Ma'am Albayalde na sa room 64 daw tayo magka klase ngayon. Gagamitin kasi ng mga students na kasali sa division para daw mas madali sakanilang kunin 'yung mga aparratus.. Eh alam mo na teh! 'Yang room natin, dinaig pa ang morge sa dami ng mga skeleton diyan!" maarteng sambit ng beking si Zaddy.
Laboratory talaga kasi ang room namin na ginawang classroom kaya't naging imbakan ito ng mga iba't ibang klaseng aparratus.
"Oh, siya teh, tara na at baka matalakan nanaman tayo ni Miss Albayalde!" anyaya pa ni Zaddy sa'min bago pa sila tumalikod ng mga kasama niya at magsimula naring maglakad.
Tahimik lang din kaming sumunod sakanila. Panay ang reklamo ng ilan sa mga classmates ko sa harapan namin dahil daw sa malayo pa daw ang classroom na 'yun mula dito.
"Room 64? 'Diba katabi ng room na 'yun 'yong room ng Kuya mo?" biglang tanong sa'kin ni Sachzna.
"I have no idea," tamad kong sagot sakaniya.
"Bakit? Excited ka?" tanong ni Zerachiel habang nakangiti ng nakakaloko, nang-aasar.
Hindi naman makasagot si Sachzna at nag-iwas lang ito ng tingin kay Zerachiel.
"Hayst.. Buhay nga naman! Sabi nga sa kanta 'diba.. Ba't 'di pa sabihin, ang hindi mo maamin!" singhal pa ni Zerachiel kay Sachzna.
Sinamaan lang naman ng tingin ni Sachzna si Zerachiel bago pa ito irapan.
Umiling lang ako saka nag-iwas ng tingin sakanilang dalawa.
Kung 'yung room 64 ay ang room nina Kuya Zachy, edi malamang makikita ko rin si Xaerex doon? Malamang, magclassmate sila ni Kuya Zachy.
Muli nanaman akong nakaramdam ng sobrang pagka inis.
"Xaerex and I will be performing for the campus dean's birthday celebration," wala sa sariling naiusal ko.
Kita ko sa gilid ng mata ko na gulat na napatingin silang dalawa sa'kin.
"What?" taas kilay na tanong ni Zerach.
"Sira, pa'no nangyari 'yon?" kunot noong tanong naman ni Sachzna.
Bumuntong hininga na muna ako bago muling magsalita.
"You guys know how dumbass Xaerex is! Wala siyang ginawa kundi ang pagtripan ako!" inis kong sambit sakanila.
"Sinabi ni Sir Hernandez na lumapit daw si Xaerex sakaniya.. Ang gago, itinuro ba naman ako!" inis ko paring singhal sakanila.
Rinig ko sa gilid ko ang sarkastikong tawa ni Zerachiel. Matalim ko siyang tiningnan bago pa ako magsalita.
"Hoy, Espanyol! Don't tell me natutuwa ka pa sa ginawang 'yon ni Xaerex?" inis kong tanong sakaniya.
Bumuntong hininga siya.
"Eh, nangyari na eh! Panindigan mo na!" singhal naman sa'kin ni Sachzna.
Malalim ang ginawa kong pagbuntong hininga.
"Naiimagine ko 'yung mukha mo eh! 'Yang bushy mong kilay, siguro sobrang magkasalubong 'yan kanina," asar ni Zerachiel.
"Oh, shut up!" sambit ko pa bago inis na nag iwas ng tingin sakaniya.
Hindi ko pa siya natatanong kung bakit itinuro niya ako. Malamang pinagtritripan lang ako ng mokong na 'yun!
"At kapag nagperform naman kayo, ano namang gagawin niyo?" taas kilay na tanong ni Sachzna.
"Maybe, kakain sila ng apoy!" sambit ni Zerachiel bago siya tumawa.
Matalim ko siyang tiningnan pero tinaasan niya lang din ako ng kilay.
Marunong akong kumanta at maraming nagsasabing I'm really a good singer. Pero sinasabi nila 'yon 'pag mag isa lang siyang nanonood sa'kin! Eh, paano pa kaya kung buong campus ang manuod sa'kin? Edi kahihiyan nanaman! And worst is, si Xaerex pa ang partner ko? Oh fvck this life!
Muli akong nakaramdam ng inis sa mga naiisip kong mga pwedeng mangyari kapag nasa stage na kami at nagpeperform na.
Inis akong umakyat sa hagdan papuntang room 64 at doon ay muli kong narinig ang mga bulung bulungan ng mga classmates ko dahil pagod daw sila sa kakalakad mula sa classroom namin.
"Zai.." tawag sa'kin ni Zaddy.
Agad naman akong lumingon sa gawi niya.
"Pinapatawag ka ni Sir Hernandez do'n sa room na 'yun!" sambit ni Zaddy at itinuro pa ang room 65, katabi ng room namin.
"Bakit daw?" kunot noong tanong ko sakaniya.
Nagkibit balikat lang siya. Marahan akong bumuntong hininga bago ko nilingon ang room na 'yun.
"Baka kakausapin ka niya tungkol sa sinabi mong sinabi ni Xaerex," ani Zerachiel.
Baka nga. Siguro ay nakonsensiya na ang mokong na si Xaerex at naisipan ng sabihin kay Sir Hernandez na nagsinungaling lang siya.
Agad akong tumungo ro'n at nagbabakasakaling totoo ang kutob ko.
Pagkarating ko ay wala sina Kuya Zachy do'n kaya't kunot noo kong inilibot ang paningin ko sa buong classroom.
Walang taong nag ookupa sa mga upuan ng mga estudyante. Pero may dalawang tao sa may teacher's table.
Nakaupo sa harapan si Sir Hernandez habang nakatalikod naman sa'kin ang mokong na si Xaerex kaya't hindi nila napansin ang pagdating ko do'n.
"Sir.." malumanay kong pag agaw sa atensyon niya.
Agad naman siyang napalingon sa'kin at medyo nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ang itsura niya. Abot tainga ang ngiti niya at halatang namumula pa ang pisngi nito. Sumenyas lang ito na lumapit ako sa gawi nila.
Palibhasa kaharap niya 'yung pinagpapantasyahan niyang estudyante!
"O, Zai you're here," kalmadong sambit ni Xaerex sa'kin pagkatabi ko sakaniya.
Hindi ko siya kinibo o tiningnan man lang dahil sobrang inis parin ang nararamdaman ko sakaniya.
"Pinapunta ko siya dito," nakangiti paring ani Sir Hernandez, "Pinapunta ko kayong dalawa dito kase.. Naibalita ko na sa principal ang proposal na ibinigay ni Mr. Xaerex Aragones." masayang sambit ni Sir at pumapalakpak pa.
Nanlaki ang mga mata ko at bahagya namang umawang ang bibig ko sa sinabi ni Sir Hernandez.
Ramdam ko na umakyat ang init sa ulo ko. Agad kong binigyan si Xaerex ng isang matalim na tingin. Hindi naman siya makatingin ng deretso sa'kin at halatang naiilang.
Muli kong binalingan si Sir Hernandez.
"A-ano pong sabi niya Sir?" seryosong tanong ko.
"Ano'ng ibig mong sabihin Mr. Fortalejo?" taas kilay na tanong rin ni Sir sa'kin pabalik.
Marahan akong lumunok dahil medyo natakot ako sa naging tono niya.
"'Diba po sinabi mo na ibinalita mo na sa principal 'yung proposal niya?" kalmado paring tanong ko.
"Oo nga! And he's happy ofcourse because the T.L.E. Department has already a representative. At kayong dalawa 'yon!" muling ngumiti si Sir sa'ming dalawa.
Ngayon ay na doble na ang inis na nararamdaman ko. Dali dali kong binalingan si Xaerex at muli kong nakita ang pag igting ng kaniyang mga panga. Hindi naman siya makatingin sa'kin.
Ngayon Xaerex, hindi ko na alam kung mapipigilan ko ang sarili kong hindi ka saktan!