Flashback 7 yrs ago
Jelhien POV
Masaya akong naglalakad habang nilalanghap ang sariwang hangin sa lugar na aking kinalakihan. Kakatapos ko lang sa kolehiyo sa kursong Accountancy, napagdesisyunan kong umuwi muna sa amin dito sa Palawan bago magtake ng review at magboard exam. Hindi kame mayaman, ngunit ginapang ako ng aking mga magulang para makatapos ng pag aaral sa sikat na unibersidad sa Maynila. Nag iisa akong anak, ang aking ama ay may cacao farm at ang aking ina naman ay isang may bahay. Iilan lang ang nakakapagtapos ng pag aaral sa aming lugar madalas ay tumitigil na para tumulong sa sakahan o di kaya ay maghanap buhay kaya matatawag akong swerte na buo ang suporta ng aking magulang sa aking pangarap.
"Ma nandito na ko" masayang sigaw ko sa labas ng aming bahay, agad din naman dumungaw si mama sa bintana na may malaking ngiti. Miss na miss ko na ang aking magulang at sa bagong yugto ng aking buhay dala ko ang pangarap na balang araw ay masusuklian ko rin sila sa pagsuporta sa akin sa lahat ng bagay.
"Ang ganda ganda mo anak, mukang hiyang ka sa Maynila. Wala pa ang ama mo nasa taniman pa halika at aayusin ko ang gamit mo"
Hindi madalas sumama si mama sa taniman at makipagkwentuhan sa mga trabahador lubos na mahiyain ang aking ina kaya laking lungkot nya ng napagdesisyunan namin ni papa na ako ay mag aral sa Maynila. Hindi rin naman kame makapagcommunicate ng maayos dahil mahirap makahanap ng signal dito at bukod pa doon hindi si mama marunong gumamit ng cellphone dahil kahit kinder ay di sya nakapag aral.
Nilibot ko ang tingin ko at mukang inaabangan din ng mga kaibigan ko ang pagdating ko. Masaya ko silang binati lahat.
"Papa" malakas na tawag ko ng makita ko sa di kalayuan ang aking ama
"Pa, namiss ko kayo ng sobra"
"Ako din anak kong maganda, mga ilang linggo ka ba dito anak bago bumalik para sa review mo?"
"Pa mga 2 buwan din ako dito"
Masaya kameng nagsalo salo habang nagkkwentuhan kasama rin ang aking mga kababata.
Pagkatapos ng pananghalian ay naisipan kong maglakad papunta sa taniman. Walang pinagbago ganon pa rin ang mga taong patuloy sa pagkayod kahit pa tirik ang araw. Ang mga taong nawalan na ng gana mangarap dahil sa hirap ng buhay. Mga taong naghhirap sa pagttanim ng pagkain pero walang makain. Ang masakit pa tingnan sa kanila ay ang mga anak nila na imbes na naglalaro ay nagbbalat na ng buto sa murang edad.
"Iha nakauwi ka na nga abay gumanda ka lalo" bati sakin ni Aling Pacing na may bitbit na kopra.
"Opo, nagttrabaho pa rin kayo? Ang balita ko po ay nagkasakit kayo nung nakaraan?"
"Ayy mauuna ako mamatay sa gutom kesa sa sakit na yon ako ay mauna na ha"
Nagmasid masid ako sa paligid at nakita ang isang bagong muka sa taniman, nilalagay nya ang mga cacao sa lagayan. Iyon yung mga ibbenta sa Dept. of Agriculture. Nagtaka ako dito ako lumaki at halos pamilyar ako sa lahat ng pamilya dito kaninong anak kaya sya.
"Pa, may bago ka palang katulong dito sa farm?"
"Oh anak andyan ka pala. Sya si Nathan bagong lipat dyan lang malapit sa atin. Naglayas daw ang batang yan sa kanila at nanghingi ng tulong na kung pwede daw magtrabaho dito para may magawa sya di naman daw problema ang pera sa kanya dahil pinapadalan sya ng ina nya. Pabor na rin dahil dagdag tulong di naman sya tumatanggap ng bayad. Ang bait ng batang yan, ano bang ginagawa mo dito? Sabihin mo sa mama mo ipagluto ka ng paborito mong chopsuey at magpahinga ka sa bahay mauna na ko at marami kaming gawain ngayon tag ani na"
Iniwan na ko ni Papa ngunit di ko maalis ang tingin ko sa lalaking yun, hindi dahil na love at first sight ako. Pag nakatingin inlove agad ano ba yan. Litaw na litaw kase sya sa mga tao dahil sa kutis nyang napakaputi bukod pa doon sya lang ang naka branded na tshirt at tokong sa taniman. Ang arte nasa taniman naka branded shirt pa.
Bigla syang lumingon sa gawi ko at kinindatan ako, tinaasan ko sya ng kilay saka ako humakbang palayo.
Naku baka isipan nun tinititigan ko sya? E tinititigan mo naman talaga sagot ng utak ko saken. Wala naman meaning pagtitig ko sa kanya kapansin pansin lang kase talaga. Wala naman akong sinasabing meaning sagot muli ng utak ko. Teka, bat ko ba kase kinakausap sarili ko? Mygulay!
Saglit muna akong umupo sa isang maliit na kubo doon at tumingin sa kawalan. Nakakamiss ang gantong kapayapaan hindi tulad sa Maynila na halos lahat ng tao ay nagmmadali, napakaingay saan ka man magpunta. Laging madaming tao at maraming masamang loob.
"Hi, bago ka ba dito?" nagitla ako ng may katabi na pala ako sa upuan, yung lalaking branded.
" A e hindi a dito nga ako lumaki e"
"Ganon? Nagbago kase pakiramdam ko nung nakita kita haha boom"
"Talaga? Pareho pala tayo e"
"Talaga? "
"Oo sumama pakiramdam ko e"
"Hahahahahahaha ako nga pala si Nathan"
"Ano naman ngayon? May maitutulong ba yan sa buhay ko?"
"Sungit mo naman Jelhien, nagpakilala lang e. Sinabi ko pangalan ko para alam mo na pangalan ng makakatuluyan mo Hahahahahaha" tiningnan ko ang lalaking nasa tabi ko na hawak hawak ang bibig nya habang tumatawa sa kacornyhan nya.
"Makakatuluyan my foot, dont me iba na lang, saka bat mo alam name ko? Kung isa ka sa mga fans ko wala ako sa mood magpafan sign. Kung isa ka naman sa stalker ko please lang respect my privacy may data privacy nya at kung isa ka naman sa mga may gusto saken magmove on ka na di kita type" mahabang litanya ko saka ako tumayo at nagumpisang maglakad pauwi sa amin.
"Hahahahahaha so fierce! Alam ko name mo kase kilala ka ng lahat I asked them sino ka. At baka ikaw may gusto saken nahuli kitang nakatitig saken kanina, alam mo tawag dyan? Love at first sight hahahaha sabagay ako lang gwapo dito"
"Mygoodness may polusyon na rin pala rito sa probinsya akala ko sa Maynila lang"
"Hahaha" tawa nya habang patuloy akong naglalakad palayo. Di ko na sya nilingon at nagtuloy tuloy na lang ako sa paglalakad pauwi di naman kalayuan ang bahay namin sa taniman.
"Till we meet again Jelly!!!! sigaw nya ngunit di na ko ng aksaya ng orad lingunin pa sya