It’s been 10 months nang umalis kami sa Pilipinas. Mas nahirapan akong magmove-on dahil kay Mommy. Lagi niya akong kinukulit tungkol kay Zach.
She even asked me his phone number! Sinabi ko na lamang na ipinatapon ko ang aking lumang cellphone, I memorized his number ngunit hinding-hindi ko iyon ibibigay sa kaniya. Hindi sa ipinagdadamot ko si Zach.
Yes, she's just my step mother but I still care for her. Subalit malabo kasing si Zach ang nawawala niyang anak. Hindi ko pa nakikilala ang parents ni Zach but I think hindi naman ganoon ang storya ng buhay niya.
"How's your life, Tyrelle?" tanong ko sa kaniya nang matapos akong magkwento tungkol sa paulit-ulit kong routine rito.
"Hays! Gusto ko na lamang ulit mag-aral! Nakakapagod palang magtrabaho!" napatawa na lamang ako sa kaniya.
Kahit papaano'y halos sabay pa rin kaming nagtapos ng kolehiyo. Si Tyrelle ang humahawak ngayon sa kompanya nila kahit na taliwas ito sa kursong kaniyang tinapos.
Samantalang ako'y hindi ako pumayag na ako ang maghe-handle sa aming kompanya. I want to create my own legacy.
Isa na akong junior programmer dito sa Korea. Nais agad nila akong gawing senior programmer ngunit isa pa lamang akong fresh graduate that time, besides I want to do it step by step.
"Oh, alam mo ba iyong EX mo?" lumalaki pa ang butas ng ilong nito.
"He's not my ex." Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Ex f*ck buddy, duh!"
Lecheng babae ito!
"You know what? Gumagawa na siya ng sarili niyang pangalan sa IT industry! At, ehem! Pupunta siya sa Korea dahil may nag-offer sa kaniyang company ng mas mataas na posisyon!" ngiting ngiti siya habang ang mga mata'y umiikot-ikot.
"Ang laki ng Korea, malabong magkita kaming dalawa."
"Bakit sinabi ko bang magkikita kayo? Ikaw, ha? Napaghahalataan ka tuloy. Hahahahaha!"
"Whatever, Tyrelle! I already moved on. Wala na akong paki-alam sa kaniya."
"Ohhhh-kay!" inirapan ko na lamang ito at pinatay ang tawag upang si Caleb naman ang aking kakamustahin ngunit hindi ito online.
Napangiti ako habang nginguya ang kinakain kong ramen. Isang buwan na lamang ay makakauwi na rin ako sa Pilipinas.
Nauna nang nakauwi ang aking mga magulang, and they went home for good. Ako nama'y isang buwan na lamang ang aking hihintayin. Nasa Pilipinas ang main branch ng kompanyang pinapasukan ko ngayon at nais nilang doon ko ipagpatuloy ang nasimulang trabaho. Kailangan ko munang dumaan sa isang buwang training bago ako ipadala roon.
At dahil nandito na raw ang mga magiging kasama ko sa training, excited na ako! Pilipino rin daw ang mga ito kaya may makakausap na ako ng matino. Hindi kasi ako marunong magsalita ng lenggwahe nila rito, sa wikang Ingles ko sila kinakausap. Hehe!
"Miss, can I seat beside you?" halos mabulunan ako nang makita ko kung sino ang nakatayo sa aking harapan. Ramdam ko ring nagulat siya nang makita ako.
"K-kezia?" agad itong umupo habang titig na titig sa akin.
"Rox!" he's my ex-boyfriend when I was in High school.
"Kailan ka pa rito? It's been years nang huli tayong nagkita!"
"Wala pa akong isang taon rito pero dito ako nagwowork. Oo nga e, at iyon pa ang araw ng break up natin!" pareho kaming natawa sa sinabi ko. Walang masyadong nagbago sa kaniya, mayroon pa rin sa awra nito ang kapilyohan.
"Rox, nakapag-order na ako." Muntik na akong mahulog sa inuupuan ko nang makita ang kasama ni Rox.
"Sige, dito na lamang tayo. Ahm. Zach this is Kezia, my ex-girlfriend. Kezia si Zach, ka-trabaho ko."
Igting na igting ang panga ni Zach nang tiningnan ko ito kaya tipid na lamang akong ngumiti para hindi mahalata ni Rox ang awkwardness na nararamdaman ko.
"Ahm, Rox. I have to go. May aasikasuhin pa kasi ako para bukas." Kahit na gustung-gusto kong lumingon sa gawi ni Zach ay hindi ko ginawa, pinilit kong ituon ang mga mata kay Rox.
"Sige, mag-iingat ka. Can I have your number then?" ngisi nito. Ibinigay ko na lamang ang numero ko para makaalis na agad doon.
"Omg! I told you!" tili ni Tyrelle nang maikwento ko sa kaniya ang nangyari.
"Tsk. Para kang bata, Tyrelle." Iritado namang sagot ni Caleb.
Kasalukuyan kaming nagvi-video call. Si Caleb ay nasa Japan ngayon for their business meeting.
"Hmmm. Selos ka lang e." Dinilaan pa nito si Caleb na masama na ngayon ang tingin sa kaniya.
"Kezia, seonsaengnim-i neoleul buleugoissda." (Kezia, sir is calling you.)
Tawag sa akin ng kasamahan ko. Hindi siya gaanong marunong sa wikang Ingles, mabuti na lamang at nakakaintindi ako.
"Okay, coming."
"Tawagan ko na lamang kayo mamaya, pinapatawag ako ni boss. Bye, I love you! Take care." Agad kong itinago ang aking cellphone at nagmadaling pumunta sa office ng aming boss.
"Geunyeoneun jeonche hunlyeon-eul-wihan dongbanjaibnida." (She is your companion for the whole training.)
"Geogjeongma, geunyeoneun meosjida." (Don't worry, she's nice.)
"Yeppeun," (and pretty.)
Rinig kong sabi ni boss bago ako nagpasyang i-scan ang aking mukha upang malaman ng mga nasa loob na gusto kong pumasok. Maya-maya'y tumunog ang pintuan hudyat na bukas na ito.
"Sir," yumukod ako tanda ng aking paggalang.
"Ke chia!" that's my Korean name.
"Igeos-i ke chia in Rox." (Rox this is Kezia.)
"Naneun geunyeoleul imi algoissda, geunyeoneun naui jeon yeoja chingu." (I already know her, she's my ex-girlfriend.)
Manghang-mangha ako habang nakatingin kay Rox na tuwid magsalita ng Korean language. Sabagay, dito na kasi siya nag-aral ng kolehiyo.
"O, jeongmal? Geuge sasil-iya, Ke chia? Eojjaessdeun, dangsin-eun jal eoullibnida. Neoneun neoui gwangyeleul dollyeojwoya hae!" (Oh, really? Is that true, Kezia? Anyway, you look good together. You should return your relationship.) Ngiting-ngiting saad ni sir habang nakatingin sa aming dalawa ni Rox, nakakailang tuloy!
"Heum, jeon-eun jeon-iya. Ke chianeun imi jongsahagoissda." (Hmm, ex is ex. Kezia is already engaged.) Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang bilis ng t***k ng aking puso nang marinig ko siyang magsalita. And what did he say?
"No, I'm not engaged!" agap ko kahit na nalulunod na ako sa kaniyang titig.
"Neo alji?"(You know each other?) Nagtatakang tanong ni sir. Handa ko na sanang walain ang usapan nang nagsalita muli si Zach.
"Algessseubnida. Geunyeoneun nae yaghonja ya. Jamsiman sillyehagesssubnida." (Yes, sir. She's my fiance. Excuse us for a while.)
Laglag ang panga naming tatlo sa sinabi ni Zach, wala na rin akong nagawa nang hilain ako nito palabas.
"Where's your office?" malamig niyang tanong. Binuksan ko ang aking opisina na nasa harapan lamang namin.
"What do you want?" kunot noong tanong ko nang maisarado ang pintuan ngunit hindi niya ako sinagot. Bagkus, inilibot nito ang mga mata sa kabuuan ng aking opisina.
"Bakit hindi mo sinabing may naging Ex ka pala dati?" puno ng hinanakit ang boses nito?
"Bakit? May paki-alam ka ba sa akin noon? Hindi mo nga natatanong noon kung kamusta ang araw ko, saka ka lang naman lumalapit kapag gusto mo akong maikama." Umawang ang labi nito. Totoo naman ang sinabi ko, a?
"Kezia,"
"Don't worry, I understand. And let's just leave it in the past." Tipid ko siyang nginitian. I'm so proud of myself. Hindi na ako nasasaktan kapag naaalala ang nakaraan.
"You already moved on? Si Rox na ba ulit? Kaya ba, iba ka makatingin sa kaniya?" his eyes, they were vulnerable as he looked at me.
"Bakit mo sinabing engaged tayo?" I hysterically said.
"Bakit, gusto mong si Rox na lang?"
"Ano bang problema mo? Wala ka ng paki-alam sa buhay ko! I don't love you-" sinakop nito ang aking labi.
"Hmmm," pagpupumiglas ko ngunit patuloy pa rin siya sa paghalik.
"You still love me, don't say that again." Wika nito ngunit hindi pa rin binibitawan ang aking labi.
"Zach!" mabilis ang naging pangyayari, natumba si Zach dahil sa malakas na pagsuntok ni Rox dito.
"Walang hiya ka! Alam mong akin siya!"
"Akin siya," ngising sagot ni Zach habang tumatayo, susuntukin sana muli siya ni Rox ngunit agaran kong hinawakan ang braso nito.
"Tama na, Rox."
"Matagal na ba kayong magkakilala nito?" Marahan niyang hinawakan ang aking pisngi at pinunasan ang aking labi.
"She's my fiance." Alam kong nagpipigil lamang si Zach sa galit dahil sa bilis ng paghinga nito at pagkuyom ng kaniyang palad. Anong kinakagalit niya?
"Can you please stop, Zach? Hindi na ako katulad ng dati na mabilis mong maloloko. Kung tutuusin nga, mas gusto ko pang kay Rox na lamang nabaliw noon kaysa sa iyo. You're not worth it, you don't deserved to be loved!" asintado ko sa kaniya ngunit agad akong nagsisi nang makita kong nasaktan siya sa mga sinabi ko.
"Ah. I see." Malamig niya akong tinitigan bago padabog na umalis.