Kabanata 6

1165 Words
"Hindi pa ako lasing, hey!" tinitigan ko ng masama si Caleb. Hinablot ba naman 'yong baso ko at ininom ang laman nitong alak.   "Akin 'yon e." Nakanguso kong saad.   "Please stop this, araw-araw ka nalang umiinom! Isang linggo ka na ring hindi pumapasok!" inirapan ko na lamang siya.   "Papasok na nga ako bukas," namumungay na ang aking mga mata, madami na nga yata akong nainom.   "Tsk. Uwi na tayo." Lumapit ito ngunit umiling-iling ako sa kaniya.   "No. No. No. I can handle myself." Sinubukan kong tumayo ngunit agad akong natumba.   "Hahahaha! Stupid, Kezia. You're so stupid!" biglang bumuhos lahat ng aking luha, walang paki-alam kahit na nakabulagta ako sa sahig.   "Sh*t, Maureen!" itinayo niya ako at pinaupong muli sa stool na kinauupuan ko kanina.   "Sorry, Caleb. I know you're in pain too. Sorry, I can't love you back." Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.   "Gusto ko nang makawala sa sakit na ito! Ngunit paano? How to unlove Zach? Tell me... please!" mas lalong lumakas ang aking hagulgol nang makitang umiiyak na rin si Caleb.   "I'm so sorry for hurting you. Kahit gusto kong ikaw na lang ang mahalin, hindi ko kaya. Mas lalong hindi ko kayang gamitin ka para lamang makalimutan siya."   "Shhh. Don't worry about me, okay?" marahan niyang pinunasan ang aking mga luha.   "I'm in pain. But the heart wants what it wants. And I still want him, I still love him!"   "Shhh. It's okay. Kailangan mo talagang dumaan sa ganitong proseso upang makalimutan siya. I'm always here for you."   "Thank you." Mahigpit ko siyang niyakap kahit na halos wala na akong makita dahil sa mga luhang hindi nagpapaawat sa pagragasa.   Pareho kaming lugmok ni Caleb nang makauwi sa bahay nina Tyrelle. Dito nila ako pansamantalang pinatira, hindi na rin naman nagtaka si Daddy nang nagpaalam si Tyrelle sa kaniya. Halos araw-araw kasing pumupunta si Zach sa bahay, I don't know why.   Kailangan ko na talaga siyang iwasan. I want to be happy, I lost my 4 years because of him. It's my fault though.   "Gabi-gabi na lang ganito ang nakikita ko!" sigaw ni Tyrelle nang pagbuksan kami ng pinto. Hindi kasi ito nakasama sa bar kanina sapagkat may kailangan daw asikasuhin.   "I want to sleep." Namamaos kong saad dahil sa kakaiyak kanina. Rinig ko ang buntong hininga nilang dalawa.   Silang dalawa ang lagi kong naaabala nang dahil sa sitwasyon ko. I really need to fix myself. I don't want to be a burden anymore.   "Eat first, that's your favorite." Nang maamoy ko ang dala niyang pagkain ay biglang humilab ang aking tiyan.   "F*ck!" napatakbo ako sa sink upang sumuka.   "Anong nangyayari!" alalang tanong ni Caleb, si Tyrelle nama'y hinahagod ang aking likod.   "Tubig!" sigaw nito kay Caleb na agad naman niyang inaksyonan.   "Anong nararamdaman mo?" inabot nito ang tubig habang hinahagod pa rin ng isa niyang kamay ang aking likod.   "W-wala, baka dahil sa dami ng ininom kong alak kanina." 'Tila nawalan ito ng tinik sa dibdib kung maka-buntong hininga.   "Good. Akala ko, buntis ka." Wala sa sariling bulalas nito.   "Ano ba 'yang pinagsasabi mo?" inis na tanong ni Caleb sa kaniya. Napahawak tuloy ako sa aking tiyan ng wala sa oras. --- "Are you ready?" nag-aalalang tanong ni Tyrelle. Malapit na kasi kaming makarating sa University.   "Yap." I smiled to assure her.   "Stop faking your smile. I know you're not okay." Kunot-noong saad niya. Hindi na lamang ako nakipagbangayan pa.   "Binabalaan na kita, Kezia. Alam kong marupok ka pero sana naman tigilan mo na ang katangahan mo!"   "Yah, don't worry." Inirapan ko siya upang matigil na sa kakadada.   Nang makarating kami sa classroom, agad akong umupo sa malapit na upuan dahil bigla akong nahilo.   "What's wrong?" hinawakan ni Caleb ang aking braso ngunit marahas akong tumayo upang makalayo sa kaniya.   "Huwag kang lalapit, Caleb. Ang baho mo!" umawang ang kaniyang labi sa sinabi ko. Si Tyrelle nama'y hindi alam kung matatawa o ano.   "What the hell?"   "Hahahaha! Maligo ka kasi, Caleb." Pang-aasar ni Tyrelle.   Iyon naman ang madalas niyang pabango ngunit iba siya sa pang-amoy ko ngayon. Nakakasuka!   "Please?"   "Fine! Umupo ka na sa upuan mo." Naninimbang niyang wika. Nakahinga naman ako ng malalim nang hindi ko na siya naaamoy.   Ngunit wala pang limang minuto nang biglang dumating si Zach. Umigting ang panga nito nang makita kaya tinaasan ko siya ng kilay bago nag-iwas ng tingin.   Sh*t! Huwag kang lalapit!   Halos hindi ako makahinga nang umupo siya sa katabing upuan ko. Ang mga mata ng aming ka-klase ay nasa amin.   "Kezia," bakit ang bango niya? Gusto ko siyang yakapin at isiksik ang aking ilong sa kaniya.   F*ck! What's wrong with you, Kezia?   "Kezia, please." Hindi ko pa rin siya tinitingnan kahit na ang boses nito'y 'tila puno ng problema.   "Tsk." He cupped my face.   "Ano ba!" sigaw ko na ikinagulat ng lahat.   "Kezia,"   "Pwede ba, Zach? Tigilan mo na ito. Ayaw ko na, hindi mo ako laruan! Pagod na pagod na ako!" hindi ko na napigilang maiyak habang sinasabi ang mga ito.   "H-hindi kita laruan. You're my everything." Naluluha na rin niyang sambit.   "Huwag mo akong gawing tanga. Makuntento ka na lamang sa asawa mo." Aalis na sana ako ngunit hinablot niya ang aking braso dahilan kung bakit ako napayakap sa kaniya.   Ang bango!   "Please, Kezia. I miss you."   "You missed my body? You missed f*cking me?" ngisi ko.   "What the hell are you talking about!" galit niyang wika.   "Iyon lang naman ang habol mo sa akin. Well, sorry but I'm tired with this sh*t." Mabilis akong umalis sa harap niya at tumabi na lamang sa ngising ngising Tyrelle.   "Congrats!" salubong niya.   "Shut up." Pagod kong sagot. Hindi ko na maintindihan ang aking nararamdaman. Gusto kong bumalik kay Zach at yakapin na lamang siya maghapon. Naiiyak tuloy ako!   "Hey! Anong iniiyak-iyak mo riyan?" bulong ni Tyrelle habang pinupunasan ang aking pisngi.   "Gusto ko siyang amuyin at yakapin." 'Tila nagsusumbong kong saad.   "What? Gaga ka ba!"   "Maureen, okay ka lang?" sasagutin ko na sana siya ngunit naamoy ko na naman ang pabango nito. Mabilis akong tumakbo patungong comfort room para magsuka, may kaniya-kaniyang CR naman ang aming silid-aralan kaya saglit lang ang aking itinakbo.   "Kezia!" hindi ko namalayan ang pagpasok ni Zach sa loob, hindi ko pala nai-lock!   "Are you fine?" nag-aalalang tanong niya. Nang matapos akong magmugmog ay bigla ko siyang hinila palapit sa akin.   "Isa lang, Zach. Hindi ko kayang pigilan e." Isiniksik ko ang ilong ko sa leeg niya. Hinayaan naman ako nito sa ginagawa ko habang patuloy pa rin siya sa paghagod ng aking likod.   "Umalis ka na." Malamig ko siyang tiningnan na ikinakunot ng kaniyang noo.   "Kung ayaw mo, ako na lang." Mabilis akong umalis at bumalik sa tabi ni Tyrelle.   "Okay ka lang? Bwisit na Zach, inunahan kami." Idinampi niya ang kaniyang palad sa aking noo at leeg.   "Wala ka namang lagnat." Hindi ako nakikinig sa kaniya dahil nakapako ang aking tingin kay Zach na papalapit sa aming gawi habang tinitingnan ako na 'tila nanunumbat.   "Gusto kong pisilin ang kaniyang pisngi, ang cute!" ngiting bulalas ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD