Chapter Two
Kid
Napuno ang gym dahil sa nandito si Dax at nag lalaro. Maraming besis ko siyang napapansin na nag mamayabang but it's fine may ipag mamayabang naman kasi siya. Ang dami din ng mga nag che-cheer for him at sa tuwing makakascore siya ay parang nababaliw ang mga babaeng nanonood dito sa gym. Pagkatapos ng laban ay panalo sina Dax, hinihintay namin siya ngayon ni Cly dito sa harapan ng gym. Sasabay na ako sa kanila uuwi dahil ayaw ko na tawagin ang driver namin para mag pasundo.
"Annia after waiting for Dax pupuntahan natin si Aiden sa building nila, Satingin ko ay uuwi din sila sa oras na ito," Clyden said to me while smiling.
Hindi na ako nakasagot pa kay Cly dahil lumabas na si Dax sa gym at nag simula na kaming mag lakad papunta si building nina Aiden. Bigla akong kinabahan habang papunta kami sa building nila. Sa ilang weeks namin di pag kikita ngayon ko lang ulit siya makikita. Parang aatakihin ako sa puso noong makita namin siya na nag lalakad palapit sa amin. He look so serious and parang hindi mo siya maaring lapitan o biruin man lang. Naalala ko pa noong una ko siyang makita sa tapat ng bahay nila, naalala ko pa kung paano ako tumakbo palayo sa kanya dahil kaba ko.
"Aiden! Let's go dude uuwi na tayo," tawag ni Daxon sa kanya. Kaagad namang napabaling ang tingin nito sa amin. He look at me from head to foot at napailing ito.
"Tsk! Why do I need to ride with you at home all the time? I hate seeing your ugly face Dax." He sound so serious but Daxon just smiled at him and punch his arm.
"Aiden, kasama natin si Annia okay lang ba sayo na tabi na lang kayo sa back seat? Si Dax kasi ang mag dadrive," sabi ni Clyden kay Aiden, mas lalo ata akong kinabahan sa sinabi nito. I never been close to him na parang kapag lumapit ako kay Aiden ay nanlalambot ako.
"As if I have a choice," sabi nito at nag simula ng mag lakad. Sumunod kaming tatlo sa kanya papunta sa parking kung nasaan nakapark ang sasakyan nila. Parang gusto ko mag back out at magpasundo na lamang sa driver namin. But I don't have a choice, pinagbuksan ako ng pinto ni Clyden at pumasok na ako sa loob.
"Kid why do you wear short skirt at school?" Aiden said to me with a cold tone. Hindi pa nakakasakay sina Daxon at Clyden dahil may biglang tuwag sa kanilang classmates nila.
"Why do you care?" pag mamatapang kong sagot sa kaniya
"I don't care about you but it is a school policy na the skirt is only one inches above the knee, not three inches like your skirt."
First he called me kid, like seriously?! And now he said that he don't care about me? Para namang may pake din ako sa kanya. Hindi ko siya sinagot inirapan ko na lamang siya. Sakto naman ang pag sakay nina Clyden at Daxon sa loob.
"What happened Annia bakit nakasimangot ka?" tanong ni Clyden saakin habang nag susuot ito ng seatbelt.
"Nothing, I just feel sleepy and tired."
"Okay ihahatid kana namin sainyo so that you can rest," Cly said to me.
Naging tahimik ang biyahe namin pauwi. Nakatingin lamang ako sa bintana ng kotse pinag mamasadan ang mga nadadaan naming puno. I really love the view outside kapag pauwi ako from school. I can see trees and flowers on the way home and I can even see some farmers planting crops. Hindi naman ganoong kalayo ang aming bahay mula sa school kaya kaagad din kami nakararating sa harapan ng bahay namin. Dali dali akong lumabas sa kotse at tumakbo papasok ng bahay.
"Miss bakit hindi po kayo ang pasundo?" tanong sa akin ng driver namin habang linilinis nito ang aming sasakyan
"Hinatid po kasi ako nina Clyden, pasensya na po manong if hindi ko nakapag text."
Dumeretso naman ako sa loob ng bahay, pag pasok ko ay sinalubong ako ni mamang Sally.
"Manang Sally dumating na po sina mommy?" tanong ko sa kanya.
"Nako Annia sabi ni Sir Francis ay baka gagabihin sila ngayon ni Ma'am Athena. Nagpunta kasi sila sa maynila," sabi sa akin ni manang.
"Ganoon po ba? Manang papahatid po sana ako ng miryenda sa aking kwarto."
Umakyat na ako sa taas papunta sa aking kwarto. Pag dating ko sa aking kwarto ay linagay ko sa may sofa ang aking bag at pumasok na sa banyo upang maligo at mag palit ng damit. Habang naliligo ako ay naalala ko ang napag-usapan namin kanina ni Aiden iyon ang una naming pag-uusap mag mula noong dumating sila ng maynila. Wala naman kami masyadong napag-uusapan ng maayos ni Aiden dahil narin sa palagi akong kinakabahan sakanya, I'm never been comfortable around him. Kung mag-uusap man kami ay yun dahil sa sobrang ikli ng mga sinusuot kong damit and he never like it when I wear something like that. He said that a kid like me shouldn't wear clothes like that.
"Miss, iiwan ko nalamang dito sa lamesa ang miryenda niyo," narinig kong sabi ni Linda mula sa labas. Hindi ko na siya sinagot dahil naramdaman ko na kaagad din siyang lumabas.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at nag suot ng pambahay. Mamaya na ako mag bibihis para sa party masyado pang maaga. Nakita ko ang isang slice ng cake sa lamesa at isang baso ng apple juice. Umupo ako sa sofa at nag simulang kumain habang nag babasa ako ng isang libro na kakabili ko lamang noong isang araw. Bago pa ako makainom sa aking juice ay narinig kong tumunog ang aking telepono.
Unknown:
Prepare before 7 pm. I will pick you up sabi ni Clyden.
Hindi ko alam kung bakit sa isang text na yun ay kinabahan ako kahit na hindi nakasave ang number na niya ay kilala ko kung sino ang nagtext. Sa kanilang tatlo ay number lang ni Aiden ang wala ako. Hindi ko alam kung rereplayan ko ba ito o hindi. Waited for 10 mins bago ko siya replayan.
Aiden:
Ok!
10 minutes kong pinag-isipan ang irereply kong iyan. Bago kopa maibaba ang phone ko ay tumunog muli ito.
Aiden:
It took you 10 minutes before you reply at me with a two letters text? Are you that speechless around me baby?
Bigla akong namula at lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Ngayon lang kami nakapag text ni Aiden at nakapag-usap ng hindi tungkol sa damit na suot ko and he didn't call me kid instead he call me baby? Oh my God hindi ko alam if sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. Mababaliw na ata ako, hindi ko alam kung ano irereply ko sa kanya kaya hindi ko siya nireplayan. Nagsimula na akong mag-ayos dahil 6:30 na.
Pumasok ako sa loob ng walk-in closet ko upang mali ng damit na susuotin ko. Bago pa ako maitext ni Aiden kanina at may napili na ako dahil siya ang mag susundo sa akin ay naisip ko na palitan ang suot kong damit. I choose a black sleeveless with low backline dress and hapit na hapit sa katawan ko. I let down my long brown curly hair and I put make up with a red lipstick. I look different from what I look at school. If you will see me now you won't even think that I'm a 16 years old. I always make myself looked older that my age kapag may party akong pinupuntahan.
"Miss Annia, nasa baba po si Sir Aiden susunduin daw po niya kayo." Napalingon naman ako kay Linda na nakatayo sa may pintuan ko.
"Sabihin mo sa kanya pababa na ako," I said habang linalagay ko sa loob ng black chained purse ko ang aking phone.
Pagbaba ko ay agad siyang napalingon sa akin at tinignan niya ako mula ulo hanggang pa. He look handsome with his white button down natupi hangga sa elbow niya ang he is wearing slacks. I don't know if party ba ang pupuntahan nito o isang business meeting. Parang namang masyado siyang pormal para sa isang house party ni Johnny.
"What do you think your wearing?" he said with his deep voice, mabuti at nakahawak ako sa staircase namin kung hindi ay napaupo ako. Biglang nanlambot ang aking mga tuhod.
"W-what? Ako dapat ang mag tanong niyan sayo. What are you wearing? Sa business meeting ba ang pupuntahan mo?" I asked him and I started walking palabas ng bahay namin. Naramadaman ko naman ang pag sunod nito sa akin.
"Just so you know hindi sa club ang party ni Johnny. Nandoon ang iilang family friends nila dahil ang party ay birthday nang kanyang lolo. Are you sure na iyan ang susuot mo?" he asked me as he open the door of his car for me.
I didn't know it was Johnny grandfather's birthday party. Ang akala ko ay isa lamang itong house party. But still I will stick on what I'm wearing dahil baka pagtawanan lang ako nitong si Aiden at tawagin niya ulit akong kid. Hindi na ako ang salita sa biyahe namin, medyo malayo ang bahay ni Johnny sa amin kaya mukhang matagal pa bago kami makarating doon. Makalipas ang kalahating oras ay nakarating din kami sa venue ng party it wasn't at his house. Sa isang luxury hotel ito, nakikita ko ang iilang guess and I think mag beblend in naman ako sa mga tao dito.
"Wow! Annia you look gorgeous. Sino date mo sa party?" tanong sa akin ni Bella.
She's wearing a red long gown na may mababang neckline. She look pretty too with her gown. And what date is he talking about? Wala akong alam na may date date pa pala dito sa party ni Johnny.
"It's good to see you too, Bella. Wala akong date hindi ko naman alam na may date pala dito sa party?" Tanong ko.
"Is that so? I saw you kanina na bumababa sa kotse ni Aiden. Is he your date?" Bella said.
"No, hinatid niya lang ako dito. Ikaw sino date mo sa party? Are you with Dax?"
Bella is one of Dax girlfriends dati and I don't know if hanggang ngayon ay sila padin. Nakilala ko lamang siya dahil panay ang sama niya dati kapag bumibisita sa amin sina Cly.
"I'm not with Dax, Johnny is my date dito sa party Annia," she said and then she left me dahil tinatawag na siya ng kanyang mga kasama.
I started walking around. Hinahanap ko ang mga kaibigan ko na hindi man lang ako ininform about sa dress code ng party. Habang nag lalakad ako ay may waiter na nag-offer sa akin ng champagne. Kumuha ako ng isang glass of champagne at nag patuloy ako sa pag lalakad. Hindi ko padin nakikita sina Betty. Saan kaya nag susuot ang dalawang yon, patuloy parin ako sa pag lalakad. Nakita ko sina Clyden na naka-upo sa isang table, bago ako lumapit sa kanila ay inubos ko muna ang champagne na hawak ko.
"Hey Cly! I thought ikaw ang mag susundo sa akin?" I asked as seat beside him.
Napatingin naman sa akin ang lahat ng kasama nila sa table. Dax is seating beside a girl with white Lacey dress and she has a long & straight black hair. While beside Aiden is a girl wearing a champagne color spaghetti strap silk gown. At may dalawa pang lalaki na nakaupo din sa table nila.
"Looks like dumating na ang date ni Clyden. Hi Annia I'm Shainna Dela Torre," bati sa akin ng babaeng katabi ni Dax. I just smiled at her.
"Oo nga akala ko ay wala kang kadate ngayon Cly."
"Do you think I'm a lonely man like you Shaun?"
"You must be Annia, palagi kang naikukwento sa akin ni Clyden and Daxon. I'm Archie David and This is Shaun Perez." Pag papakilala sa akin ng isa pang lalaki na nasa table. As usual I just smiled at him.
"Nice meeting you all."
"Say Annia classmates mo ba sina Cly? Or Aiden?" tanong sa akin ni Shaun.
"No, I'm only 16 years old come on."
Nakita ko ang gulat na itsura ng mga kasama namin sa table, even the girl who's beside Aiden looked so shocked. Si Dax naman ay napatawa sa reaction nila.
"You are a lot younger that you look," the girl beside Aiden said.
"You got fooled by this little devil." Tawang tawang sabi ni Dax sa mga ito.
Sinamaan ko nalamang siya ng tingin. Nag simula na ang party at nag serve nadin sila ng pagkain sa table namin. They are serving drinks for us when Dax stop the waiter for putting champagne at my glass.
"Just give her juice, she's a minor."
"Juice is boring come on." Pag rereklamo ko sa kanya.
"Stop whining little devil, you are too young to drink something like that."
"I just drink a glass of champagne before coming here at your table."
Nakita ko ang pag tingin sa akin ni Aiden at napailing na lamang ito sa akin. I don't know what's his problem. After I said that Clyden scolding me for drinking. Wala naman ako magawa dahil pinag tulungan na ako nilang dalawa ni Dax.
After that night party ay hindi ko nakita sina Penny buong gabi. Weekend we don't have class and wala din akong project na kailangang gawin. Late na akong nagising mataas na ang sikat ng araw noong magising ako. Pagkatapos kong maligo ay nag suot ako ng white spaghetti starp and black short shorts. Bumababa ako at lumabas papunta sa likod ng aming bahay. Umupo ako sa pavilion at doon na lamang ako nag pahatid ng agahan. Pinagmamasdan ko ang mga iba’t ibang kulay na mga bulak na nakatanim sa aming plantation. Pagkatapos kong kumain ay napag pasyahan kong mag lakad lakad pa sa likod ng aming bahay hanggang sa makarating ako sa may batis sa likod ng aming bahay. Malinis ang tubig dito at minsan nadin ako naligo dito noong summer.
Hindi ako naligo sa batis, bumalik na ako sa bahay namin. Naririnig ko ang iilang pamilyar na bosses na nasa aming bulwagan.
"Manang nandyan po ba si Annia?"
"Pasensya na po Sir Clyden, nasa likod po siya e sa may pavilion. Pero baka pabalik nadin po siya."
Pumasok ako sa loob ay nakita ko si Clyden na nakaupo sa aming sofa sa sala. Nakasuot ito ng white t-shirt at black shorts mukhang naka pang araw araw lamang siya.
"Yayain sana kita kung gusto mo pumunta sa bahay ngayon. Gusto ka daw makita ni Tita Cali," nakangiting sabi sa akin ni Clyden.
"Nasa mansion ngayon si Tita Cali? Sandali lang mag papalit lang ako ng damit. Matagal na rin mula noong huli ko siyang nakita."
Umakyat na ako sa aking silid upang magpalit ng damit. I wore a simple white dress and a brown starppy sandals. Pag dating naming dalawa ni Clyden sa mansion nila ay sumalubong kaagad sa akin ang pakikipag lampungan ni Aiden at Dax sa mga babae nila sa kanilang pavilion. Hindi ko sila pinagtuonan ng pansin at dumiretso na lamang ako papasok sa bahay nila. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng inis sa mga babae na kasama nila pavilion.
~~