Chapter Fifty Two Diamonds Nag-aayos kami ngayon ni Shana ng bakuran sa bahay ko. Umuwi kami ng kambal kahapon after ng klase nila. Magkakaroon kami ng family party para sa eight birthday ng dalawa. At dahil umuwi kami kahapon guess what si Aiden naman ang natulog sa bahay ko ngayon. "Bisita ba talaga ako o katulong?" pag rereklamo ni Shana habang nilalagay ang mga pagkain sa table na nakaset-up dito sa garden. "Papakainin naman kita nang madami huwag kanang maarte. Ilagay mo to doon." "Kakain talaga ako nang madami kahit hindi mo sabibin." "Alam ko yan ka nga utos ako ng utos sayo e," mapang-asar na sagot ko sa kanya at inirap niya lang ako. Habang nag-aayos kami ni Shana dito sa bahay kasama sina Ate Chi at Ate Joy. Si Aiden naman ay kasama ang kambal na hindi ko alam kung saan si

