Chapter Thirty Four Back "Woooohhhoo go Annia!" pag chi-cheer sa akin ni Karen. "Galingan mo Annia! Go! Go! Go!" sigaw naman ni Shana. Parang tanga ang dalawang to. "Tumigil nga kayo, nag luluto lang ako ng hapunan natin." "Bakit ba naiinip ako e," sabi ni Shana at ipinatong niya ang pisngi niya sa kamay niya "Bantayin mo kaya yung kambal?" "Ayaw ko!" Nakabusangot na sabi nito sa akin. Tumawa lang kaming dalawa ni Karen sa sinabi niya. Nakikipag laro kasi siya kanina sa dalawa kaya lang inaasar siya ni Adria. "Tita Shana are you sure di mo binigyan ng love potion si Tito Clyden?" tanong ni Adria sa kanya. Nagulat naman si Shana sa tanong ni Adria. Natawa naman kaming apat sa kanya. "Bakit mo naman na tanong baby?" nakangiting sabi ni Shana kay Adria. "Wala lang naman Tita Shan

