__2__

2760 Words
__2__   Parang pinaulanan ng bala ang kaluluwa ni Nissy nang marinig na naman niya ang kalembang ng mga baso sa buong bulwagan ng reception hall ng hotel Grande. Kumukuha siya ng malaking hiwa ng cake para ipakain sa pusa niya pero hindi na yata makapag-move on ang mga tao sa tukaan nang tukaan portion ng mga bagong kasal. Hindi naman siya ibon kaya bakit kailangan na tukain siya nang tukain ni Zed? She tilts her head to the left to search for the hellish man, praying silently that he’s not around or not even closer to her to avoid the kiss but to her surprise, a hand grips her jaw and tilts it to the right. Yi! Napatingkayad siya at nanlaki ang mga mata nang iangat ng lalaki ang baba niya at walang pangingiming sinalubong siya ng halik, una dila. Susko! Sa ikapitong pagkakataon ay nanginig na naman ang mga tuhod niya at parang bigla siyang nanlata kaya wala sa panahon na naibaba niya ang platito sa mesa at humawak na lang sa braso nito. “Enou...ghhh...” She mumbled against Zed’s mouth. What the heck is he doing? Masyado nitong kina-career ang mga kissing scene sa peke nilang kasal. Naiinis tuloy siya dahil sa halip na si Paul ang first kiss niya ay si Zed na tuloy. “Stay still if you don’t want the people around us to notice that I am not your love.” Stay still, Nissy. Anaman niya sa sarili. Tama naman ito dahil baka kapag kumontra siya ay mahalata ng karamihan na proxy lang ang lalaki sa kasal niya. Bilib din siya sa skills nito na gayahin kahit na ang maharot na imahe ni Paul kahit na kabaliktaran ito ng lahat. The man whom she fell in love with is sweet, talkative, playful and really friendly while Zed is the quiet time, looks so dangerous and at times the way he stares can be compared to a man from hell—Hellboy. Kaya nga iyon na ang taguri niya rito. Paul is angelically handsome while Zed is devilishly handsome. Nakikilala niya ang dalawa sa mata dahil bata pa lang siya ay namemorya na niya na ang mga mata ni Zed ay parang nagkukulay dagat kapag nasisinagan ng liwanag pero ang mga mata ni Paul ay natural na blue lang na sa biglang tingin ay green. Zed’s eyes are classically magical while Paul’s not—but she’s in love with Paul Shalem and not with Prinz Melchizedek. Hindi niya gusto ang mga lalaking brusko ang dating na parang isasalya siya sa basketball ring kapag nagkamali siya. Isa pa, tingin niya kay Zed ay para itong dyablo kung minsan. Nissy grunts when he hauls her spine, pressing her against his body. Nasa loob na ng bibig niya ang dila nito at hindi paaawat. Parang tutulo na nga ang laway niya sa pagkanganga dahil ano bang malay niya sa paghalik. Ilang beses na sinubukan ni Paul na halikan siya noon pero hanggang pisngi lang ang ibinigay niya. Anong swerte ng walang hiyang ito na parang gusto ng tuklapin ang nguso ko. She involuntarily shuts her eyes when she feels something strange inside her body. There’s fire and she doesn’t know where it comes from especially when he gently sucks her tongue. Nyii! That’s gross. Naliyo siya nang bigla siya nitong pakawalan at ngumiti ito sa mga taong nakatingin habang siya ay parang tanga na nakanganga. What’s so wrong? May mali pero hindi niya masabi kung ano. “B-Bakit ka ganoong makahalik? Parang hinihigop mo ang kaluluwa ko.” Sita niya rito na tumingin lang sa mukha niya. “I’m a demon. Remember?” He replied. Kinilabutan siya lalo na nang lalong tumiim ang titig nito sa mukha niya at sumulyap ulit sa labi niya. “That kiss was supposed to be Paul’s.” She snarled but Zed smirked arrogantly. “Yeah? I couldn’t even believe that my twin brother took it so very slow. Now where is he? I am the one who’s here, Nina Scarlet and not your Paul. What’s supposed to be his will now be mine.” His smile turned so more devilishly fascinating when he looked down on her bosom. Kinakabahang naiangat niya ang wedding gown para matakpan ang dibdib niya pero wala naman silbi dahil ganoon naman ang tabas ng damit. Now she hates the fashion designer who made it. Napatalikod siya at walang paalam na iniwan si Zed sa may mesa nang maramdaman niyang nanginit ang sulok ng mga mata niya. Nasaan nga ba si Paul? Gusto niyang isipin na hindi na siya mahal ng lalaking mahal niya dahil sa mahigit na isang buwan ay hindi siya niyon naalala man lang. Parati na lang na sinasabi ng Daddy Damien niya na mahal siya ni Paul pero parang hindi naman. She’s the fiancée. She’s the future wife by then and now the real wife but seems like it’s only in papers. Where is he? The supposed to be first kiss for him now was for Zed. Tumuloy siya sa powder room habang pasimpleng pinapahid ang mga luha sa mata hanggang sa nakasalubong niya ang yaya Dona niya na papalabas naman ng banyo. “O?” Sinilip kaagad ng matandang babae ang mukha niya at nang hindi pa makuntento ay kaagad na iniangat para matingnan siya sa mga mata. “Anong...bakit na naman umiiyak?” agad nitong pinahid ang pisngi niya gamit ang isang panyo at hinila siya papasok sa banyo. “Tahan na. Kasal mo pero umiiyak ka. Mamaya may makakita sa’yo, nakakahiya dahil baka kung ano na lang ang sabihin tungkol sa asawa mo.” Anito na para siyang batang inaasikaso. “Bakit Yaya? Totoo naman di ba? Nasaan naman ang asawa ko? Asawa ko sa papel na kahit pirma ay peke, pinike ni Zed. Gusto ko ngang itanong kung mahal pa niya ako kagaya ng sabi niya kasi feeling ko niloloko na ako ni Daddy Damien.” Tahasang sabi niya rito na ikinatigil nito saglit. Donatella looked at Nissy’s face. “Kaya mong komprontahin ang Daddy mo? Kaya mong itanong sa kanya at sabihin ‘yan? Kaya mong ipamukha sa kanya na pakiramdam mo ay niloloko ka niya?” Yumuko siya at umiling. Hindi. Simula pagkabata ay wala siyang kahit na sino liban sa pamilya ng mga Grande. Hindi niya alam kung bakit dito siya ipinagkatiwala ng Daddy niya kaysa sa sarili niyang mga tiyahin. Lumaki na rin naman siya na malayo sa totoong mundo na dapat ay ginagalawan ng isang babaeng katulad niya. She’s never been introduced formally in the elite society and she’s clueless. Wala siyang alam sa kung anong totoo sa pagkatao niya at nasaan na ang madrasta niya na halos hindi na niya matandaan ang mukha. Where are her family’s businesses and why isn’t she visiting any? Meron pa ba siyang natitira o talagang wala na siya kahit na singko sa bangko at umaasa na lang siya sa kanyang kinilalang ama? Nakikiamot siya ng pagmamahal at nakikihati kina Paul at Zed. Nakiki-Daddy siya pero hindi naman niya ama. Ngayon, may karapatan ba siyang magtanong kung halos buong buhay niya ay utang na loob na niya sa matandang Grande na kulang na lang pati ang paghinga niya ay i-supply pa niyon sa kanya? “Hayaan mo na si Paul. Kung wala siya rito ngayon, pabayaan mo siya dahil hindi mo kawalan kung hindi niya nakikita ang girlfriend niya kung gaano kaganda sa araw ng kasal na dapat ay sa kanya.” Alo pa sa kanya ng yaya niya. “Eh ikaw Yaya, may alam ka ba kung nasaan ang balahura na ‘yon? Sabi ni Daddy Damien, inutusan niya sa business trip at hindi na nagawang magpaalam sa akin. Tapos naman, sasabihin niya na hindi raw sinadya ni Paul na umalis at mahal daw ako ni Paul.” Napalabi siya. “Minsan parang ulyanin na si Daddy.” Natawa ang matandang yaya sa kanya lalo na nang umingos pa siya. “Ulyanin na nga yata kasi naman matanda na ang Daddy Damien mo. Sitenta y cinco na siya.” “Ano ‘yon yaya?” “Seventy-five kako. Basta hayaan mo na kung anong gusto niya na gawin. Alam na niya ang ginagawa niya at alam ko naman na hindi ka ipapahamak ng Daddy mo. Minahal ka niya noon pa na isang tunay na anak at malamang kaya ka nga niya ipinakasal sa isa sa mga anak niya para maging totoo kang Grande ngayon. Saka hindi ba at iyon naman ang napagkasunduan ng Daddy mo at ni Damien, ang makatuluyan ka ng isa sa kambal. Ibinigay ka niya sa panganay dahil lahat ng awtoridad ay mapupunta kay Paul sa hinaharap.” “Hindi sila pantay ni Zed?” kumukurap na tanong niya. “Usually children must have equality from their parents. Bakit parang pakiramdam ko ay mas higit si Paul para kay Daddy Damien kaysa kay Zed, yaya?” “Hindi naman sa pagmamahal at sa mana. Parehas naman sila kaya lang ay may batas si Señor na kung sino ang panganay ay dapat na irespeto ng bunso. Ganoon kasi sila pinalaki ng mga magulang niya at isa siyang kuya. Ang opinyon ni Paul ay mauunang pakinggan kaysa kay Zed. Ganoon lang naman pero parehas naman silang mahal ni Señor. Kita mo maman kung pagsalitaan din kung minsan ni Melchizedek ang Daddy niya ay parang mas matanda pa siya.” Napaisip siya at tama naman ito. Matalas ang dila ni Zed kapag nagsalita. Bibihira iyon na bumukas pero naman kapag nagsalita ay walang kasing balasik. Siya nga kaya napaiyak ay sapul na sapol ang damdamin niya. “Yaya, ibig sabihin ate ako ni Zed?” inosenteng tanong niya rito kaya tumango naman ito habang sinusuklayan siya. “Oo. May kapangyarihan ka sa kanya dahil asawa mo ang kuya niya.” Napangisi siya ng lihim. Ibig sabihin ay may karapatan siyang manduhan ang bastos na ‘yon na tingin nang tingin sa s**o niya. Karapatan niyang maging senyorita sa tuwing magkasama sila dahil ate siya at bunso ang matanda na ‘yon. Yucks! He’s so mashunda na. He’s thirty and I’m eighteen but he will call me, Ate. In a way it’s kinda exciting. Nasa kanya ang lahat ng alas na maging sunod-sunuran sa kanya ang bossy na si Melchizedek. “May kapangyarihan na ako.” Bulong pa niya at mala-demonyita ang ngisi niya. Napailing lang si Donatella sa nakikitang reaksyon niya. “Kapilyahan na naman ang nasa isip mong bata ka. Huwag mo ng balakin ‘yan at baka magsabong lang kayo ni Zed. Alam mo naman na mas seryoso pa iyon kaysa sa kumander ng isang batalyon na militar. Huwag mong  pakitaan ng kapilyahan mo at ewan ko kung saan kayo pupulutin.” Banta ng matanda sa kanya nang igiya siya papalabas ng powder room. Umismid siya at humalukipkip. “Hmp! Ate ako, Yaya at isusumbong ko siya kay Daddy kapag hindi niya ako sinunod.” Padaskol niyang sabi pero natilihan siya nang sa paglabas niya ng pintuan ay nagbabagang asul na mga mata ang sumalubong sa kanya. Napalunok siya ng laway lalo na nang maningkit ang mga mata ni Zed na prenteng nakasandal sa pader at naninigarilyo. He smirked which made her have goosebumps. Mayabang nitong ibinuga ang usok sa itaas at para itong may naiisip na kademonyohan. Kilalang-kilala niya ito na kahit magpanggap itong si Paul ay alam niya ang titig nito sa babae na napapakangilabot at nakakahulog ng bahay bata. “Anong ginawa mo rito? Huwag mong sabihin na pati pag-ihi ko binabantayan mo.” Pagtataray niya kaya nakurot siya ng yaya niya sa may pigi. “Is it bad?” sarkastikong sagot ni Zed na nagpalukot sa maganda niyang mukha. “The cameramen are waiting ang they want to take some shots.” “Ayoko. Hindi ka naman si Paul. Just tell them I have a headache.” Utos niya rito sa mataray na paraan pero kaswal pa rin ito na pahithit-hithit ng sigarilyo. “You think I like this either? I hate this as much as you do.” Walang pasintabi nitong hinaklit ang kamay niya at saka siya kinaladkad nang walang pag-iingat. “Yaya, yaya! Help me, yaya!” pilit siyang pumihit at inaabot ang kamay ni Donatella pero ngumisi lang nang alanganin ang babae at kinawayan siya. “Ngiti ka ng maganda, anak para lalo kang gumanda.” Aniyon kaya nawalan siya ng pag-asa. “After the pictorial, we will fly to Moasonon Island.” “Saan ‘yon?” ingos ni Nissy kay Zed. “Don’t dare m******e me there.” Tumingin ito sa kanya at sumuluyap na naman sa dibdib niya. His eyes seemed smiling. “Moasonon Island, hindi mo alam? El Nido Palawan, Philippines, Asia. I own it and when Dad asked me to have a sweet escape for the fake honeymoon. I chose my own territory and all my rules.” Rules  mo, utot mo. “And what do you even have in your island? For sure it’s so boring just like you.” Irap pa niya. Ngali-ngali na niyang bawiin ang kamay niya dangan lang ay nasa may bulwagan na sila kaya hindi na niya magawa. “See it for yourself just how boring it is.” He flatly replied. Napatunganga na lang siya sa mukha ni Zed lalo na nang magbago ang anyo nito at nagmukhang si Paul ang kilos. He smiled and it’s so gorgeous. Ihinulog nito ang sigarilyo sa tiles at saka inapakan iyon. Paano nito napipeke ang tao kung siya ay kilalang-kilala ito? Kahit na ang ngiti nito na bihira kung makita ay ibang-iba sa boyfriend niya. Paul’s smile is wholesome while Zed’s so devilish. Lahat ng tungkol dito ay parang pwede niyang ikonekta sa demonyo dahil mapang-akit itong tunay at parang nanghihipnostismo. Tumingin ito bigla sa kanya kaya napalunok siya dahil nakangiti ito. She doesn’t doubt it if he’s so controversial that even a s*x video leaked out with a bombshell. Katorse lang siya nang may pumutok na video scandal at tila ba wala lang itong pakialam. Basta nito sinagot ang issue at inamin nang walang kahirap-hirap ang tungkol doon. Gusto niya sana iyong mapanood pero binilinan siya ng Daddy Damien niya na huwag na huwag iyong sisilipin sa kahit na anong site. Sumunod naman siya na kahit natutukso na siya sa best friend niyang si Pinky ay hindi na siya tumingin pa hanggang sa nawala na lang ang issue dahil ipinatanggal na ng Daddy niya sa lahat ng sites gamit ang pagtapal ng kwarta. “I’m not Paul. Don’t look at me like that.” Anito saka ngumisi pa lalo kaya napairap siya. “I know. He’s too wholesome compared to you.” Her lips curled sarcastically but his eyes just turned so dim. Totoo naman ‘yon. Lahat ng katarantaduhan ay ito ang gumagawa at kung laskwatsero man si Paul, hindi naman iyon katulad nito na masyadong bastos at ibini-video pa ang sarili na nakikipag-s*x. “Let’s finish this thing now.” Anito sa mga litratista ng iba’t ibang magazines at tabloids. Hinila siya nito sa isang upuan sa may wedding cake nila na kung ilang patong yata. He sat like a king and she opened her mouth. Where the hell is she going to sit? Iisa ang upuan. Alangan naman na sa cake siya maupo. Napaka-ungentleman ng walang hiya na inunahan pa siyang maupo sa silya. “Come.” Ani Zed at walang babala siyang hinila papaupo sa kandungan nito. Yayky! Nanigas siya bigla dahil parang may naramdaman siyang bukol sa may pwetan niya. Nissy looked at her Daddy Damien and the old man has a very lovely smile. Kung may isang tao man siyang isinasaalang-alang ay ang matanda iyon kaya sumusunod din siya sa kagustuhan niyon dahil wala naman siyang masabi sa ugali ng ninong niya na parang totoo na niyang ama. Zed’s hands slid on her tummy and she could feel his warm breath fanning just on top of her head. “This is disgusting.” She mumbled beneath her fake smile. “Disgustingly perfect.” He barely breathed against her ear.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD