Chapter 25

1341 Words

ANNIE'S POV Narinig kong tinawag ako ni Mama, halata sa kanyang boses ang pag-aalala. Dahan-dahan akong tumingin sa paligid—puting kisame, amoy gamot, at malamig na hangin mula sa aircon. Wala akong maalala kung paano ako napunta rito. "Anak, salamat at nagising ka, bigla ka na lang nawalan ng malay kagabi." maluha-luhang sabi ni Mama habang hinahaplos ang aking noo. Si Papa naman ay tahimik lang sa tabi niya, ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagod at kaba. Nasa tabi rin nila ang pinsan kong si Kuya Digs halatang puyat at nag-aalala rin. Ayon sa doktor, bumagsak ang katawan ko dahil sa matinding stress at sobrang pagkapagod. At isa pa—anemic din ako. Hindi ko namalayang pinapabayaan ko na pala ang sarili ko. "Anak, kailangan mong magpahinga. Huwag mong pabayaan ang sarili mo," malamb

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD