ISAIAH'S POV Nakita kong halos idikit na ni Marco ang mukha niya kay Annie. Kaya nag-send ako ng message kay Annie. Kahit tanaw ko lang siya. Hindi ko masabi sa kaniya ng deretso ang gusto kong sabihin. "Lumayo ka kay Marco." Bago pa man siya makatingin kay Marco ay sa cellphone niyang tumunog siya napatingin. Tumingin siya sa akin dahil alam niyang ako ang nag send sa kaniya ng mensahe. Pagkatapos niyang mabasa ay inilapag niya ang cellphone sa tabi niya. Hindi man lang siya nag-react. Dumikit siya ng bahagya kay Marco. At si Marco ay napasubsob sa leeg ni Annie. Napangiti pa si Annie sa ginawa ni Marco na lalo ko namang ikinagalit. Nagpadala ako ulit ng mensahe sa kanya. "Annie, stop it!" Rinig ko na ang mga ipin kong nanggitgit sa galit. Hindi binasa ni Annie ang mensahe ko. Tumin

