ISAIAH'S POV
Pinindot ko ng pinindot ang elevator para habulin si Annie. Kaso nakalingkis pa rin ang babaeng ito sa akin.
Tinulak ko siya ng bahagya para lumayo siya ng konto sa pagkakayakap. Bumukas ang elevator at pumasok na ako. Sumunod ang babae. Nakahawak sa braso ko ng mahigpit.
"Don't leave me here, Architect! I want to go with you. Kahit saan mo ako dalhin okay lang sa akin basta sa langit." Maharot nitong sabi. Pinipigilan ko ang kamay niya dahil akma na naman niyang dakmain ang pagk*l*l*k* ko. Kaso ang bilis ng kamay niya. Bigla niyang pinasok sa loob ng pantalon ko ang kamay niya at hinimas ang kahabaan ng aking alaga. Tapos pilit niyang iniabot ang labi ko sa labi niya. Saktong sa ganoong posisyon kami nang bumukas ang elevator sa 45th floor.
Napalaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga kamag-anak ko. Nakatulala lang sila ng masaksihan ang nangyayari sa loob ng elevator.
Tapos nagkatinginan sila. Nagsalita si Ate Maureen. "-----A, sa sunod na lang na elevator kami----" Nagkatinginan sila ullit tapos nagsitangu-an. Nagsinyas pa ng babay si Ate Maureen sa akin. Tapos pinindot ni Arabella ang close kaya nagsara na ang elevator.
Tinulak ko siya. Sh*t! napahiya ako. Ano na lang ang isipin ng mga kamag-anak ko.
"Arch, you don't like me?" Lumapit at yumapos pa ulit sa akin si Arabella.
"Please, Arabella. Akala ko ba may boyfriend ka?" Sabi ko sa kaniya.
"Yes...pero I like you...." Malandi nitong sagot tapos hinalik halikan ang leeg ko. Inilayo ko siya ulit. Dahil pabukas na ang elevator sa Ground floor. Pagkabukas ng elevator ay iginala ko ang mga mata ko. Hinahanap ng mata ko si Annie.
Pero si Arabella ay mahigpit na nakahawak sa braso ko.
"Please, Arabella." Lango na ang babae sa kalasingan saktong may dumaang dalawang babae. Mga kaibigan nito.
"Hey, Arabella saan ka pupunta?" Tumingin din sa akin ang mga ito.
"This is your friend?" Sabi ko.
"Yes." Sagot naman ng mga ito.
"Please, pakitulungan naman. Pasamahan siya sa room niya."
"Architect, naman I want to go with you. Gusto ko sa room mo." Maharot pa nitong sabi.
"A, e pasensiya ka na sobrang lasing niya lang siguro." Tapos hinila na nila si Arabella palayo sa akin. "Halika kana, girl aakyat na tayo sa room. Sige, Architect kami na bahala rito."
Hinila na nila ito pabalik ng elevator.
"Hindi ako lasing. Architect, I will see you tomorrow." Pahabol pa nito.
Sumakit ang batok ako. Lumabas ako at hinanap ko si Annie sa labas. Naglakad lakad ako papuntang parking area baka nagawi siya roon. Sa di kalayuan ay may nakita akong babaeng nakaupo sa medyo madilim na parte ng parking area. Dali-dali ko itong nilapitan.
Si Annie. Nakatakip ang kamay niya sa mukha niya. Para itong umiiyak.
Dahan dahan akong umupo sa tabi niya. Kaya hindi niya napansin na katabi na niya ako.
Nagpunas siya ng luha. At bigla siya nagulat na makita ako sa tabi niya.
"Tito Isaiah!" Lumayo siya sa akin ng konti sa pagkaupo. "A-ano ang ginagawa niyo rito." Iniwas niya ang tingin sa akin.
"Umiiyak ka ba?" Tanong ko sa kaniya.
Umiling siya. "Bakit naman po ako iiyak. At ano naman ang iiyakan ko." Anito. Panay punas sa pisngi niya.
Tumayo siya. Tapos lumakad siya ng mabilis palayo sa akin hinabol ko siya. "Annie! Sandali!" Naabutan ko siya.
Hindi ko alam kung bakit pagkahawak ko sa braso niya ay niyakap ko siya. Mahigpit.
Nagulat siya. Bigla siyang pumiglas. "Tito, What's wrong with you?!" Naramdaman kong nangigninig ang katawan niya.
"Annie, I am so sorry." May pananabik akong naramdaman Hindi ko alam kung bakit. Alam ko sa sarili ko. I really missed her.
Kumalas siya sa pagkayakap ko. "Please, Tito Isaiah. Leave me alone." tumakbo siya.
Sinundan ko pa rin siya. Nakarating kami sa tabing dagat. Madilim na sa parting iyon.
Tinawag ko siya. "Annie, please, stop!" Medyo galit na ang boses ko.
Hindi niya ako nilingon pero patuloy pa rin siya sa paglakad ng mabilis palayo sa akin.
Tumakbo na ako para maabutan siya. Nang maabutan ko siya hinila ko ang kamay niya at hinarap ko siya sa akin. Dahil galit na ako.
"---Annie, ano ba. Iniiwasan mo ba ako?" Hindi siya nagsalita. Iniwas niya ang tingin sa akin. Hinawakan ko ang pisngi niya para bumalik ang tingin niya sa akin. "Annie, what's wrong. Ganito rin ang nagyari 15 years ago. Iniwasan mo ako. Hindi ka nagpakita sa akin. ----- Nagseselos ka ba?" Hindi ko alam kung bakit bigla kong sinabi ito.
ANNIE'S POV.
Parang sampal sa akin ng marinig ko kay Tito Isaiah ang sinabi niyang "-----Nagseselos ka ba?" Pumantig ang tenga ko. Pakiramdam ko sasabog ako. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ko ng sinigawan ko siya ng "----Oo! Nagseselos ako!......noon pa ako nagseselos. Kaya hindi ako nagpapakita sa iyo dahil naiinis ako sayo. Kaya leave me alone!"
Umiiyak na ako. Tumakbo na ako papalayo sa kaniya.
Bumalik ako sa hotel. Alam kong sinusundan niya pa rin ako. Nakita ko sa parking area sila mama. Saktong pasakay na sila sa kotse.
"Annie, anak kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba galing?" Tanong ni mama.
"Nagpahangin lang po, Ma." Sabi ko." Uuwi na po ba tayo?"
Napansin nila kasunod ko si Tito Isaiah sa likuran ko.
"O, Tito Isaiah andyan ka pala." Bati ng pinsan ko si Digs. Nilapitan niya si Tito at inakbayan. Medyo lasing na din kasi kaya biniro niya si Tito. "Yeah si Tito talaga, o. Nasaan na yong girl na kahalikan mo kanina sa elevator. Sexy nun, Tito a."
Nagtawanan sila. Pero ako pumantig na naman ang tenga ko sa narinig ko. Namumula na ako. Selos na selos na ako. Alam kong nakatingin sa akin si Tito.
"Bukas, ha? Baka makalimutan ninyo. Sabay sabay tayong aakyat ng bukid." Sabi nito.
"Sure naman, Tito, O. Basta ikaw no problem!"
"O, siya halika kana, Digs. Malalim na ang gabi. Inaantok at pagod na kami kaka concert sa videoke." Sabi ni papa at nagkatawanan na naman. Pero ako iritang-irita na talaga.
Tahimik lang ako sa loob ng kotse. Nagsipaalam na sila kay Tito Isaiah. Ako hindi ko man lang siya sinilyupan.
Umalis na ang sasakyan. Pero may bahagi ng sarili ko na nagsisisi ako. Bakit ko sinabi sa kaniya na nagseselos ako.
Ang tanga ko talaga! Pero hindi ko akalain na niyakap niya ako ng mahigpit. Pakiramdam ko ang yakap na iyon ay hindi typical na yakap ng isang tiyuhin sa isang pamangkin. Yakap na may pananabik. Kinagat ko ang labi ko. sh*t!
Ito nga yong sinasabi ko. Lalo nagpupuyos ang damdamin ko. Gusto na magwala. Hindi ko na makontrol. Nasabi ko na "nagseselos ako! Alam na niya na may gusto ako sa kaniya.
Napansin ni mama ang pananahimik ko. "Okay ka lang ba, Anak?"
Yumakap ako sa kaniya. "Okay, lang po ako, Ma. Napagod lang siguro ako sa biyahe."
Hinimas himas niya ang ulo ko. "Buti nakapag-usap kayo ng Tito mo." Anito.
"Po?" Nagulat ako. "Opo, sandali lang naman po kami nag-usap. Nagkita lang kami sa labas." Sabi ko.
Hindi na nagtanong pa si mama. Maya maya ay tumunog ang cellphone niya.
Hindi ko alam kung sino ang kausap niya .
Dumating na kami sa bahay. Namiss ko ang bahay. Umakyat ako sa kwarto ko.
Nandoon na ang mga gamit. Dahil inuwe na nila Lola.
Humiga na ako sa kama ko. Nakaidlip ako sandali. Naalimpungatan ako ng may nag message sa phone ko.
Kinapa ko ang cellphone ko at binuksan ko ang message. Nagulat ako ng si Tito Isaiah ang nag-message sa akin. Paano niya nakuha ang messenger ko. Napaupo ako ng pwesto sa aking kama. Tinitigan ko muna ang message niya.
Annie, can we talk, please? Anito.