ANNIE'S POV Habang papauwe hindi kami nag iimikan. Hawak kamay kaming naglalakad. Paminsan minsan nagnanakaw siya ng halik. Pag may nakasalubong at may nadadaanan kaming may tao ay binibitiwan namin ang aming mga kamay. Pagdating sa bahay ng lola ko ay nandoon ang pinsan kong si Kuya Digs. "O, kuya akala ko ba may pasok ka?" Tanong ko. "Pinakisuyo na lang kita kay Digs siya na mag-uwe sayo " Ani Tito Isaiah. Medyo naiinip na ang pinsan ko. Nakasandal ito sa kotse. Ang ibang gamit ko ay ipinasok ni Tito Isaiah sa compartment. Pumasok muna ako sandali sa bahay para kunin ang iba pa. "Parang may hang over ka pa ata." Ani Tito Isaiah kay kuya Digs. "Bitin pa nga Tito, e. Wala bang extension, haha!" Biro nito. Pagkatapos ay kinuha niya ang ibang gamit ko para ipasok sa kotse. Hindi

