January 9, 2026 | 10:30 PM Malacañang Palace - Emergency Meeting Ang Pangulo ay nagmamadaling nagpulong kay Leumas at Bhie sa kanyang pribadong opisina. Ang mukha niya ay seryoso at determinado. "Detective Nugas, Detective Inson, ang mga ebidensya na dala ninyo ay nakakagulat at nakakabahala. Kung totoo ito, may ahas pala tayo sa ating hanay," mariin na sambit ng Pangulo. "Mr. President," simula ni Leumas, "nandito ang lahat ng kailangan ninyong makita. Mga financial records, video confessions, at ang koneksyon ni Secretary Lim sa international trafficking ring." 11:00 PM The Evidence Unfolded Habang pinapanood ng Pangulo ang mga video at documents, ang kanyang mukha ay unti-unting nagiging mabigat. "Si Secretary Lim... siya ang aking pinakamalapit na tagapayo. At siya pala ang ulo

