CHAPTER 19: THE KEY TO HEALING

777 Words
January 9, 2026 | 8:00 AM Safe House, Quezon City Si Bhie ay gising na, nakatitig sa mga larawan ng mga bata sa kanyang laptop. Ang mga mata niya ay mamamaga pa mula sa pag-iyak, pero may bagong determinasyon sa kanyang mga titig. "Leumas," mahina niyang sabi, "kailangan kong sabihin sa iyo ang buong kwento. Ang totoong dahilan kung bakit ako naging detective. At kung bakit ako ang 'key' para kay Gabriel." 8:30 AM Bhie's Childhood Memory - Flashback 2005 FLASHBACK SCENE: Ang batang Bhie, siyam na taong gulang, ay nakaupo sa maliit na counseling office ni Dr. Javier. Ang mga mata niya ay puno ng luha, ang mga braso ay may mga galos. Dr. Javier: "Bhie, anak, sabihin mo sa akin kung bakit mo ginawa iyon." Young Bhie:"Kasi... akala ko, kung wala na ako, magiging masaya na sila Mama at Papa." Dr. Javier:"Alam mo, Bhie, minsan ang mga magulang ay naliligaw ng landas. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ka nila mahal." 9:15 AM The Revelation "Leumas," sabi ni Bhie habang niyayakap ang kanyang sarili, "si Dr. Javier ang nagligtas sa akin. Noong 2005, nagtangka akong magpakamatay. Gaya ni Justin. Gaya ng mga biktima ni Gabriel." "Bhie..." malungkot na sabi ni Leumas. "At may isang batang lalaki noon sa waiting room. Palaging naghihintay para kay Dr. Javier. Si Gabriel pala iyon. Nakita niya ako. Nakita niya kung paano ako 'iniligtas' ng kanyang ama." 10:00 AM The Deeper Connection "Leumas, nang magsimula ang kaso, hindi ko naisip na may koneksyon pala. Pero nang makita ko ang mga larawan ng mga biktima... pareho kami ng mga ekspresyon. Yung lungkot. Yung pakiramdam na invisible." "Kaya pala," bulong ni Leumas, "kaya hindi ka nawalan ng pag-asa sa mga kaso. Kasi alam mong may pag-asa. Ikaw ang living proof." 11:30 AM Gabriel's Journal Entry - New Discovery "Boss! Bhie!" sigaw ni Gideon mula sa tech room. "Na-decrypt ko ang mas matandang journal ni Gabriel! May entry dito tungkol sa isang batang babae noong 2005!" JOURNAL ENTRY - OCTOBER 15, 2005: "May nakita ako kanina sa clinic ni Father. Isang batang babae, mga 9 years old. Umiiyak. May mga galos sa braso. Sabi ni Father, tinangka nitong magpakamatay." "Pero ngayon, nakita ko siya ulit. Ngumingiti na. Nagbago. Siya ang unang miracle ni Father. At ngayon... siya ang pulis na humahabol sa akin. Irony." 12:15 PM The Realization "Kaya pala," sabi ni Bhie, nanginginig ang boses, "kaya pala hindi niya ako pinatay. Kaya pala niya ako pinapanood. Para sa kanya... ako ang simbolo ng tagumpay ng kanyang ama. Ako ang ebidensya na may pag-asa." "At ngayon," dagdag ni Leumas, "iniisip niya na pinagtatraydor mo ang legacy ng kanyang ama sa paghuli sa kanya." 1:45 PM The Healing Session Memory FLASHBACK SCENE 2: Dr. Javier: "Bhie, ano ang pangarap mo paglaki mo?" Young Bhie:"Gusto kong maging tulad ninyo, Doc. Gusto kong tumulong sa mga batang tulad ko." Dr. Javier:"Magiging maganda ang kinabukasan mo, anak. Maniwala ka." 3:00 PM The Decision "Leumas," determinado na sabi ni Bhie, "kailangan kong kausapin si Gabriel. Kailangan kong ipaliwanag sa kanya na hindi ko pinagtatraydor ang kanyang ama. Na ginagawa ko lang ang ginawa ng kanyang ama para sa akin—pinoprotektahan ang mga bata." "Delikado iyon, Bhie," babala ni Leumas. "Alam ko.Pero kailangan. Dahil kung hindi... mas marami pang anghel ang mamamatay." 4:30 PM The Message Nag-record si Bhie ng video message para kay Gabriel: "Gabriel, naalala mo ba ako? Ako ang batang babae sa clinic ng iyong ama noong 2005. Iniligtas niya ako. At ngayon, ginagawa ko lang ang itinuro niya sa akin—pinoprotektahan ang mga bata." "Pero iba ang paraan ko. Hindi sa pamamagitan ng kamatayan kundi sa pamamagitan ng pag-asa. Tulad ng ginawa ng iyong ama para sa akin." 6:00 PM The Response* 36 HOURS REMAINING Tumawag si Gabriel. Unang beses na wala siyang mask. "Detective Inson... naalala kita. Ikaw yung batang babae na laging umiiyak. Ngayon... ikaw na ang nagliligtas." "Gabriel, tumigil ka na. May ibang paraan." "Hindi na pwede,Bhie. Masyado nang malalim ang pinasok ko. Pero... salamat sa pag-alala sa aking ama." 8:15 PM The Plan "Leumas," sabi ni Bhie, "may paraan. Kailangan nating patunayan kay Gabriel na may ibang paraan para ipagpatuloy ang legacy ng kanyang ama." "Paano?" tanong ni Leumas. "Sa pamamagitan ng pag-expose sa trafficking ring na pinatay ang kanyang ama.Sa pamamagitan ng pagbibigay ng hustisya, hindi paghihiganti." 10:00 PM The Countdown Continues* 30 HOURS REMAINING Nakatitig si Bhie sa larawan ni Dr. Javier na nakuha mula sa lumang yearbook. "Doc," bulong niya, "tulungan ninyo ako. Tulungan ninyo akong iligtas ang anak ninyo. Para sa mga batang kanyang pinatay... at para sa mga batang maililigtas pa natin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD