Ikalawang Kabanata:Ang Imperyo ng Dhinxang

690 Words
Ang Imperyo ng Dhinxang ay hindi matatagpuan sa kapuluan ng Sangoroa. Para itong nasa ibang dimensyon ngunit hindi na lihim kung paano ito matatagpuan. Dahil ang lihim para matuntunton ito ay nakatago sa sentro ng Sangoroa,ang Kriska! Ito ay isa lamang sa mga lihim na naghihintay na matuklasan sa Kriska. Kaya ganoon na lamang kahalaga ang digmaang nagaganap sa sentro. Isa din ang lihim na ito sa dahilan kung bakit nais na imperyong Raksaha na masakop ang Kriska.Dahil ito ang magiging daan at susi para mapasakamay ng emperador Ji Dok su ang imperyong matagal nia ng inaasam ang imperyo ng Dhinxhang! Naging interesado ang emperador kahit na maliit lamang ang imperyong ito dahil hindi lamang sa taglay nitong yaman pati na din sa lihim na kasaysayan nito kung paano itong nanatili,ang hindi maipaliwanag na lakas ng bawat mandirigma na nanggagaling dito at ipinapanganak,uri at paraan ng pagsasanay at kaalaman at higit sa lahat ang batang empress na si Yi Shen! Nang mabalitaan ng emperador ang tungkol sa batang empress ay naging interesado na ito sa angkin nitong kagandahan.Bagamat hindi nia pa ito nakikita ay may mapaglarong isip ang emperador ng Raksaha.Ayaw nito ng nahihiwagaan at may katanungan sa buhay kaya ginagawa niya ang lahat para alamin ang lahat ng lihim na nakakarating sa kanya.Hindi ito nakapag tataka dahil sa natatanging kakayahan ng emperador ang Luminous Mind,sa ngayon hiwaga pa rin sa lahat maging sa imperyo ng Rksaha kung anu ba talaga ang kayang gawin ng kakayahang Luminous Mind ng emperador.Ngunit may haka haka na ang malikot na kaisipan ng emperador ay dahil sa kakayahang niyang ito.Gagamitan nia ito ng dahas at anumang paraan para malaman ito,abutin man ng siglo ang digmaan ay wala siyang pakiaalm matuklasan lamang ang mga lihim ng kanyang sinasakop na imperyo! Dahil ito ang kanyang hilig at libangan.Ang alamin ang katotohan sa likod ng mga lihim!Kakaiba ang emperador Ji Dok Su na ito,hindi ito matatahimik hangga't hind niya natutuklasan ang mga lihim na nakakarating sa kanya.Ang isa pang lihim na pumukaw sa kanya ay natatanging kakayahan ng batang empress ng Dhinxhan na nagpapasalin salin na sa ibat ibang henerasyon ng imperyo mula sa kanunu-nunuan empress hanggang sa kasalukuyan ang Rebirth o ang pagbuhay sa isang yumao na kahit ilang siglo na ang nagdaan! Walang nakaka alam paanon isagawa kakayahang Rebirth.Tanging ang empress lng ang nakaka alam nito ngunit may usap usapan na ang sekreto ng kakayahang Rebirth ay nakatago rin ang lihim nito sa Kriska.Ayon sa kasaysayan iniukit ito sa bato ng sinaunang empress ng imperyo na si Shi Shen ang pamamaraan kung paano ito isasakatuparan.Ito ang isang lihim na din na naghihintay ma matuklasan sa Kriska. Ang kauna unahang empress na si Shi Shen ang nasa likod ng tagumpay at pananatili ng imperyong Dhinxang.Mas maliit ang imperyong ito noon kung ikukumpara sa ngaun.Noong nagsisimula pa lng ito,binubuo lamang ito ng limang daang mamayan. Ang unti unting pagdami ng mamayan dito ay hindi dahil sa pananakop o pakikidigma sa ibang imperyo,kundi sa pagkupkop sa mga biktima ng digmaan! Kilala ang empress na si Shi Shen sa napakabusilak nitong puso.Mahabagin siya sa lahat ng uri ng tao,maging ito'y galing sa kalabang imperyo.Ngunit kahit na napakabait ng empress hindi siya madaling linglangin. Ang kakayahang Rebirth ay pangkalahatang kakayahan ng empress na ipinamamana sa bawat salinlahi nito kaya bukod dito ay may natatanging pang kakayahan ang bawat empress.Si empress Shi Shen ay may natatanging kakayahang tinatawag na Moment Of Truth.Ang kakayahang ito ay parang lie detector test.Ang kausap ng empress Shi Shen ay malalaman niyang nagsisinungaling,nagpapanggap o nag babalat kayo.Kaya napaka imposibleng linlangin siya ng sinuman.Ngunit para maisakaturapan ang kakayahang ito,kelangang hawakan ni empress Shi Shen ang kamay ng taong nais niya ilantad sa pag babalat kayo o sa hindi pag sasabi ng totoo. Kaya lahat ng mamayan ng imperyo ay sala' sa masusing obserbasyon ni empress Shi Shen kaya ganun na lamang kabuti ang imperyo dahil busilak ang puso ng sinaunang empress na namuno dito.Ang kakayahang Moment of Truth ay kasama sa kayahang ipanamana sa mga susunod na lahi at ang mga sisunod na empress lamang ang makakapagtaglay ng kayahang ito para sa ikabubuti na din ng imperyo.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD