JAYDEE "Bakla, huwag ka magpapakalasing, ha. Mapapagalitan ako ni Papa Lucas niyan, eh," paalala sa akin ni Josa. Ngunit hindi ko siya pinansin. Mabilis kong nilagok ang laman ng pang-limang beer na hawak ko ngayon. Bagamat nakakaramdam na rin ako ng bahagyang pagkahilo ay uubusin ko pa rin ang bucket na binigay sa akin. "At sino naman si Papa Lucas?" curious na tanong ni Odette. "Asa-" "Sino pa ba? Eh, 'di 'yong matalik kong kaibigan," putol ko sa sasabihin ni Josa. "Ah, 'yong asawa mo nga," pagtatama ni Odette. Sumimangot ako sa pagtatama nito sa akin. "Bago kami naging mag-asawa ay naging magkaibigan muna kami," pagtatama ko rin rito. "Gano'n na nga, bakla. Lasing ka na ngang talaga dahil ang gulo mo ng kausap," natatawang puna ni Megan sa akin na tinawanan ko lang. N

