JAYDEE Sumimangot ako ng makita ko ang natirang laman sa fast food plate ko. Ang in-order ko ay burger with cheese, spaghetti and large fries. Sinamahan ko na rin ng sundae para may dessert naman ako kahit paano. Pero ang laman na lang nito ay spaghetti. Ang drinks ko ay tubig na lang din at hindi na soft drink. Samakatuwid, kinuha lahat ni Lucas ang pagkain ko. Nasaan naman ang hustisya para sa akin? Tiningnan ko siya ng masama. Ngunit printe lang itong nakaupo at ngumangata ng fries na kinakain niya. Order ko pero siya ang kumakain. "Lucas. Ako ang um-order n'yan eh," paghihimutok ko rito. "So?" sabi niya at tinaasan ako ng kilay. "Gusto mo ba na sumakit na naman ang t'yan mo? Didn't I tell you to control your food?" pagpapa-alala nito sa akin. Tumulis ang nguso ko. Wala na akong n

