JAYDEE Marahan niya akong inalalayang tumayo na hindi tinatanggal ang labi niya sa labi ko. Nagpalit kami ng pwesto, siya na ngayon ang nakaupo. Ako naman ay umupo sa kandungan niya. Nasa pagitan ng hita ko ang katawan niya. Para akong nawawala sa sarili sa lalim ng halik na ginagawad niya sa akin. Nakakalasing ang halik niya. Kapwa kami tila sabik sa labi ng isa't-isa. Nalasahan ko na rin ang sauce ng pasta na kinain naming dalawa dahil unti-unti niyang pinapasok sa loob ng aking bibig ang kaniyang dila. Hanggang sa napagtagumpayan na nga niyang pasukin ang loob ng aking bibig. Namasyal iyon sa bibig ko na animo'y gusto niyang simutin ang katas sa loob niyon. Mayamaya lang ay nilayo niya ang labi sa akin. Nagpalitan kami ng pagbuga ng hininga na parang hinihingal kahit hindi naman kami

