JAYDEE Alas sais pa lamang ng umaga ay gumising na ako. Tulog na tulog pa si Lucas kaya hindi ko na muna ito ginising. Dinampian ko lang siya ng halik sa noo at labi bago bumaba para magluto ng agahan naming dalawa. Dala ko na rin ang tray na may pagkain. Malamig na ito dahil hindi na namin iyon nakain ng nagdaang gabi. Sa pagod at antok ko ay tuloy-tuloy na rin ang naging tulog ko. Kahit hindi ako sanay sa presensya ng mga lalaking nasa paligid ng bahay ay ipinagtimpla ko sila ng kape. Nahihiya naman na nagpasalamat sila sa akin. Sana lang ay magawa nila ng maayos ang tungkulin nila dahil hindi biro ang pagbabantay ng bente kwatro oras. Before I started cooking, I played the song 'You are the reason' by Calum Scott to my cell phone. The very first song I liked was because of Lucas. N

