JAYDEE Lumabas ako sa kuwarto na hindi siya kinakausap. Tinungo ko ang dining at kumain mag-isa. Tapos na si Amy kumain at wala na rin ito sa dining area. Nilagyan ko pa rin ng pinggan ang mesa kung saan siya nakaupo. Nagsisimula na akong kumain ng dumating siya. Tahimik siyang naupo. Tahimik kong nilagyan ng kanin at ulam ang pinggan niya na hindi siya tinatapunan ng tingin. Ginawa ko pa rin ang part ko bilang asawa niya, ang pagsilbihan siya. Hanggang sa napuno na ng nakabibinging katahimikan ang hapag-kainan. Gusto ko pag-usapan ang tungkol sa kompanya niya pero hindi ito ang tamang oras dahil kumakain kami at baka magkaroon pa kami ng sagutan sa harap ng hapag-kainan. Gusto ko muna humupa ang emosyon naming dalawa bago namin pag-usapan para hindi na umabot sa puntong masigawan niya

