Chapter 52

2344 Words

JAYDEE "Ano ba? Sasama ako, huwag mo na ako hawakan!" singhal ko sa lalaking kanina pa tila gigil na gigil sa akin dahil sa pagkakahawak nito sa palapulsuhan ko. Ngunit wala yata siyang pakialam sa sinabi ko dahil hindi niya ako binitawan. "Hindi pwede, baka makatakas ka pa. Malalagot ako kay boss. Malaki pa naman ang ibabayad niya sa amin," sabi nito habang patungo sa sasakyan na nakaparada sa labas ng gate. Nakapagtataka lang dahil wala man lang nakapansin sa kanila. Hindi ko alam kung paano sila nakalusot sa mismong gate ng subdivision dahil ang alam ko ay sobrang higpit ng seguridad rito at kada trenta minutos ay may rumorondang mga gwardya. Siguro ay dahil pinag-aralan muna nila kung paano makapasok sa exclusive subdivision na ito. Isa pa, ang mga bahay rito ay hindi dikit-dikit.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD