LUCAS Pagdating sa presinto kung saan dinala ang imbestigador ay agad ko siyang kinuwelyuhan nang makita ko ang pagmumukha niya sa interrogation room. Kung hindi lang ako pinigilan ng NBI agent at ni Thread ay baka hindi ako nakapagpigil ay inundayan ko ng suntok ito sa mukha. Kinalma ko ang sarili. Nagbuga ako ng hangin at naupo sa tapat ng imbestigador na hindi magawang tumingin ng diretso sa akin. Hindi na ako magtataka kung bakit, dahil guilty siya sa ginawa niya. "Sagutin mo ako ng diretso, sino ang nagbayad sa 'yo para ilihis ang ebidensya? Kung pera ang kailangan mo, doble ang ibabayad ko. Now, tell me, who the f*****g hell paid you!" tiim bagang na asik ko rito. Hindi ko kayang pigilan ang sarili na ilabas ang galit sa kaharap. Kapag wala akong nakuhang sagot sa kanya, hindi

