"Dapat hindi mo ako inawat kanina naiinis talaga sa babaeng tindera na yon gusto ko lang naman bawiin sa kanya yong binigay kong tip." Saad ko kay Jovan, habang nag lalakad na kami palabas ng palengke. "Binigay mo na sa kanya ang sukli kaya hindi mo na pwedeng bawiin pa okay." "Oo na... Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makita ko si Edgar, kasama ang ibang tauhan ni Daddy, Kaya mabilis kong itinabing ang buhok ko sa aking mukha sabay iniyuko ang aking ulo. "Peckpeck, anong nangyari sa'yo at bakit mo tinatakpan ang mukha mo? "Wala halika na umalis na tayo dito." Saad ko sabay hinila ko si Jovan, Pa alis sa loob ng palengke. "Sandali Peckpeck, Akala ko bibili ka pa ng mga kakailanganin mo sa bahay." "Oo kaya lang kailangan kong mag hanap ng banyo bigla kasing sumakit ang tiyan k

