"Malalim na pala ang gabi napasarap ang kwentuhan natin hindi ko namalayan ang oras paano ba yan, uuwi muna ako bukas na lang tayo mag kita." "Asus akala mo naman ang layo ng uuwian, O siya, Sandali lang dalhin mo itong unan at kumot para may magamit ka pansamantala sa pag tulog bagong laba na ito." "Salamat." Saad ko ng kunin ko ang unan at kumot sa babae. "Paano ba yan aalis na ako, siya nga pala maraming salamat sa masarap na hapunan. "Walang, Ano man basta sa susunod ipag luto mo rin ako ha." "Oo naman." Saad ko at malapad akong ngumiti dito, mamayamaya tuluyan na akong lumabas ng bahay nito. Pag labas ko sa bahay ni Jovan, napansin kong maraming nag iinum na mga lalaki ganon din ang mga kababaehan sa tabi ng daan na wari mo nasa loob sila ng isang bar. "Pare, yan yung sinasa

