"Ma'am Nica, saan kayo pupunta." "Sa tingin mo Edgar, Saan ako pupunta? Masungit kong tanong rin dito. " Ma'am Nica, Pasensya na kayo akala ko kasi Tatakas naman kayo." Saad ni Edgar habang kakamot- kamot ito sa kanyang ulo Mamayamaya umalis ako sa harap ni Edgar na iiling iling,sinisiguro talaga ni Daddy, hindi ako makatakas, kaya tudo ang pag babantay ng kanyang mga tauhan, sa akin, ngunit hindi ako papayag na matuloy ang kasal. Lumilipad ang aking isipan habang papasok ako sa loob ng bahay, hanggang sa muntik na akong matapilok ng maapakan ko ang hindi kalakihan bato ngunit nag taka ako nang bigla na lang may mga brasong sumalo sa akin. "Miss, tumitingin kaba sa dinaraanan mo? O baka sadyang malabo na ang mata mo? Tanong ng lalaking sumalo sa akin habang may suot itong salamin sa

