Tanghali na ng magising ako habang hawak ko ang aking ulo dahil sa subrang sakit ipinilig- pilig ko ito baka sakaling mawala ang sakit, ngunit ganon pa rin ang nararamdaman kung sakit.
Dahan- dahan akong tumayo sa higaan para uminom sana ng tubig, pag ka tayo ko hinanap ko ang ref dito sa loob ng aking silid ngunit hindi ko ito makita.
"Nanakawan ba kami bakit wala ang ref dito sa silid ko?Anas ko.
inikot ang aking paningin sa loob ng silid at ganon na lang ang aking pag tataka dahil napagtanto ko nasa ibang silid ako at sa tingin ko silid ito ng isang lalaki dahil sa kulay at ayos ng kwarto, nanlalaki ang mata ko ng mapansin kong tanging bra at panty lamang ang suot ko agad kong pinakiramdaman ang aking sarili kung may may kakaiba ba sa katawan ko nakahinga ako ng maluwag ng wala naman akong naramdaman na kakaiba sa katawan ko lalo sa aking tahong, maliban lang sa labi kong parang nangangapal kaya hinawakan ko ang aking labi at ganon na lamang ang pangangapal nito para ba itong sinipsip ng kung ano.
"Shiit! bakit nag kaganito ang aking labi?
at isa pa sino ang nag dala sa akin dito? Ang alam ko nasa sugar bar lang ako kagabi paano ako nakarating dito? Paanong hindi ako nakauwi kagabi sa bahay? Alam ko tuwing nag- iinom ako nag titira ako ng pang- uwi sa bahay kapag Ramdam kong lasing na ako.
"Shiit! Hindi kaya dinukot ako tapos dinala ako rito kung sinong animal ang nag dukot sa akin hindi ito pwede kailangan maka alis ako rito."
Nag papanik kong sambit.
Agad kong hinanap ang aking kasuotan upang maka alis na ako sa lugar na ito ngunit hindi ko makita ang mga damit ko kahit saan.
"Shitt! Saan ba yon? Paano ako makaka-alis dito hindi naman ako pwedeng umalis na nakapanty at bra lang, baka mapag kamalan pa akong pokpok.
"Nagulat ako ng bigla na lang bukas ang ang pinto ng silid at pumasok ang isang lalaking may suot na maskara sa mukha."
kaya mabilis kong dinampot ang kumot nasa ibabaw ng kama, at agad ko itong ibinalot sa katawan ko.
"Gising kana pala bababe?
"Hey! Ikaw ba ang nag dala sa akin dito?
"Paano kung sasabhin ko na ako nga ang nag dala sa'yo, dito may magagawa ka ba?
Saad ng lalaki habang nakakangisi ito sa akin ng nakakaluko.
"Anong balak mo sa akin bakit mo ako dinukot at dinala rito?!
Galit! Kong tanong sa lalaki, ngunit ang animal ay tinawanan lang ako.
"Babae, sa tingin mo ba dudukutin ko ang isang tulad mo, ikaw ang kusang sumama sa akin, ang sabi mo pa nga gawin ko ang gusto kong gawin sa katawan mo kaya lang ng makita ko ang katawan mo nawalan ako nang ganang angkinin ka, dahil wala man lang kakurti kurti ang katawan mo pati ang Dalawang dede mo wala man lang umbok nakaka walang gana."
Pang- lalait ng lalaki sa aking katawan kaya tinaasan ko ito ng kilay, ngunit hindi ako naniniwala sa lalaking ito kusa akong sumama sa kanya dahil hindi ako isang kalad karin na babae, para sumama agad sa isang lalaki.
"Hoy! Lalaking mukhang kapre ikaw lang ang bukod tangging nanlait sa katawan ko hindi mo ba alam maraming mga lalaking gusto akong mapangasawa."
Inis kong sambit! Dito.
"Talaga lang huh, siguro lahat ng lalaking nakapaligid sa'yo mga uugod na at apoy lupa pa."
Pang- iinsulto ng lalaki sa akin, Bwesit na lalaking ito ang sarap sungalngalin ang bibig, mahina kong usal.
"Nasaan ang akin damit? Para maka alis na ako dito, kakatagpuin ko pa kasi ang boyfriend ko baka nag hihintay na siya sa akin."
Tanong ko rito, ngunit ang lalaki napansin kong kuyom bigla ang kamao nito na para bang nagalit ito sa aking sinabi.
"Tinapon ko na ang mga damit mo Dahil sinukaan mo ito kagabi kaya gumawa ka ng paraan kung gusto mong maka- alis dito."
"Bakit, mo tinapon pwede pa yon, labahan ahh."
"Sino ang mag lalaba ako?
Sagot ng lalakng baliw.
Shittt! Paano ako makaka- alis dito? Agad kong hinanap ang bag ko upang tawagan si Ate Baby; napangiti ako ng makita ko agad ang aking bag nasa ibabaw ng tukador, kinuha ko ang aking bag at hinanap ko ang aking cellphone sa loob nito.
Nang makita ko ang aking telepono agad kong tinawagan ang numero ng kasambahay namin na si ate baby, Nakailang ring na ang nasa kabilang linya ngunit wala pa rin sumasagot, siguro may ginagawa si ate Baby, ngunit hindi ako tumigil sa pag dial ng numero ng babae, hindi ko pwedeng tawagan si Mommy baka malaman pa ng aking ama na tumakas ako kagabi at sa ibang bahay pa ako natulog baka hindi lang sermon aabutin ko kay daddy, natuwa ako ng sagutin ni Ate Baby ang tawag ko.
"Hello, baby, pwede bang sunduin mo ako rito sa, napahinto ako sa pag sasalita dahil hindi ko alam kung saan lugar ako dinala ng lalaki, sandali lang Baby, hey! You, anong lugar ito?!
Tanong ko sa lalaki, ngunit ang lalaki hindi ito sumagot, nagitla ako ng bigla na lang itong lumapit sa akin at agad niyang hinawakan ang aking braso.
"Sinong kausap mo, huh?!
"Paki alam mo ba kung sino ang kausap ko sino kaba para alamin kung sino ang kausap ko! At isa pa bitiwan mo nga ako!
Sambit! Ko sabay winaksi ko ang kamay nitong nakahawak sa aking braso,
May sira yata siguro ang ulo ng lalaking ito bulong ko.
"Pag tinatanong kita sumagot ka ng maayos sa akin babae, baka dito palang patayin na kita!
Pananakot sa akin ng lalaking baliw ngunit napangisi ako sa sinabi nito ako pa talaga ang tinakot ng lalaking ito subukan lang ng kumag na ito na saktan at ako hindi ako mag dadalawang isip na labanan ang mayabang na ito.
Maya-maya muli kong kinausap si Baby sa kabilang linya.
"Hello Baby."
"Hello, Ma'am may kaaway po ba kayo?"
"Wala wag mo nang pansin ang narinig mo may baliw kasing lalaking mukhang kapre akong kausap."
Saad ko sa kausap ko, at mabilis akong lumapit sa binta at sumilip para alamin kung saan ako dinala ng lalaking kaharap ko, Barcino, restaurant basa ko, parang malapit lang ito sa labrena restaurant na pag- mamay- ari ni Jett, na binabae kong kaibigan.
"Baby, Sumakay ka ng taxi at mag pahatid ka sa Barcino, rest.....
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang na lang hablutin ng lalaki ang telepon sa aking kamay, at agad niyang pinatay ito.
"Hoy! Lalaki ibalik mo ang Cellphone ko bumili ka ng sa'yo kay sa nang- aagaw ka ng hindi sa'yo!
Sighal! Ko sa lalaki habang pilit kong kinukuha sa kamay niya ang telepono ko ngunit nagulat ako ng bigla na lang niyang binato ito sa pader, at ang masama nito nahati ito sa dalawa ang cellphone ko.
"Hey! Bakit mo binato bayaran mo yan!
Galit! Kong singhal sa lalaki.
"Okay, babayaran kita."Mapang asar na sagot nito.
Shiitt! Paano ko tatawagan si Ate baby nito? bulong ko.