Bago ako umakyat sa aking kwarto dumaan muna ako kay Ate Baby, dahil gusto kung kausapin si Jett, ipapa alam ko rito na sa bahay na lang siya pumunta bukas, at sasabihin ko na rin kay Jett, na pag papangapin ko itong boyfriend ko sa kasiyahan bukas para hindi matuloy- ang binabalak ng aking Ama, na ipakasal ako sa lalaking matanda. Pag karating ko sa laundry area, agad kong nilapitan ang babae. "Ate Baby, Pwede bang mahiram ulit ang cellphone mo?" "Oo naman po Miss, Nica." "Salamat, ate Baby." Saad ko,nang iabot ni Ate Baby, ang kanyang telepono sa akin bahagya akong lumayo kay Ate Baby, para hindi marinig ng babae ang pag- uusapan namin ni Jett. Agad kong tinawagan ang numero ni Jett. Buti na lang sinagot agad ito ng kaibigan ko, ang aking tawag. "Hello! Bakla, nasaan kana? Kanina

