"Hoy! Pangit gising nasa maynila na tayo." "Mmmmh, Ano ba alam mong natutulog pa ako wag ka ngang istorbo." Saad ko habang sinusuway ko ang taong gumising sa akin. "Hoy! Pangit ayaw mo bang bumaba gusto mo bang bumalik kung saan ka galing." Singhal! Ng taong gumigising sa akin kaya agad akong nag mulat ng mata ng maalala kong sumakay pala ako ng bus, Paluwas ng maynila. Pag mulat ng aking mata nakita ko ang kunduktor habang nakasimangot ito. "Bumaba kana, hindi kami makapag sakay ng pasahero, dahil sa'yo " Pag tataboy ng Kundoctor sa akin. "Akala mo naman ang gwapo eh, Pangit din naman siguro kaya ayaw sumakay ng mga pasahero dahil dyan sa pag mumukha mo tapos ako pinag bibintangan mo kung ayaw nilang sumakay." Sambit ko sa kundoctor. "Aba, Ikaw, Bumaba Kana nga pangit baka kung ano

